Ikaw ang aking pangarap
Kasabay natin ang mga ulap
Bawat kantang isusulat
Sa iyo lamang nararapat
- Sulat, Harry Montenegro***
"Mahal kita" sabi ng isang lalaking nasa harapan ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, sobrang naguguluhan ako.
"Mahal din kita" tugon ko. Nginitian n'ya ako at nilapitan kaso nga lang ay bigla s'yang naglaho.
Hinanap ko s'ya sa paligid at nakita kong nakayakap s'ya sa isang babae. Hindi ko alam pero bigla akong umiyak dahil sa nakita ko.
Bakit hindi n'ya ako nilapitan?
"TRACY!" bigla akong napamulat ng mata dahil may biglang sumigaw. Napaupo ako sa kama ko, ang init naman!
"A-anong nangyari?" nauutal kong tanong. Inalalala ko ang panaginip ko, isang babae at isang lalaki. Bakit ba halos gabi-gabi silang nasa panaginip ko?
Maliban na lang noong isang gabi. Sa dalawang taon simula nang mapanaginipan ko sila ay hindi na sila nawala sa panaginip ko. Ang creepy naman.
"Tracy bakit ka umiiyak habang natutulog ka? Binangungot ka ba?" tanong ni Yssa. Napahawak ako sa pisngi ko at tama nga si Yssa, puro luha ang mukha ko. Ibig sabihin, umiyak ako habang natutulog?
Bakit ako umiiyak? Dahil ba 'yon sa panaginip ko?
"Bangon na Tracy, your breakfast is ready" hinila ni Yssa ang dalawang braso ko kaya hindi na ako nakapalag, tumayo na ako at sabay kaming naglakad patungo sa kusina.
Bumungad sa 'kin ang umagahan ko, beef tapa with egg. Gosh! My favorite! "Thank you Yssa, nag-abala ka pang ipagluto ako" pagkasabi ko no'n ay umupo na ako sa upuan at nagsimulang sumandok ng kanin.
Pagkatapos naming kumain, nagbihis na ako para pumunta sa school kung saan ako minsan nag-oojt.
Pagdating ko do'n ay bumungad sa 'kin si Tippy, isa sa mga estudyante na laging pumupunta sa hospital para dalawin ako.
"Ate Tracy! Good morning" malapad ang ngiti na bati sa 'kin ni Tippy. "Kumain na po kayo?" tanong pa n'ya.
"Kumain na ko. Tara pasok tayo sa loob" aya ko sa kan'ya papasok sa loob ng clinic. Pangarap ni Tippy na maging isang nurse kagaya ko. Matagal na rin s'yang laging nagpupunta dito, parang magkapatid na kami ni Tippy dahil nga wala na rin naman akong kasama sa buhay.
"Ate kilala n'yo ba 'to?" may ipinakitang picture sa 'kin si Tippy galing sa phone n'ya. Pagtingin ko sa picture, parang may naalala ako.
Parang nakita ko na 'to?
"Aaah! Si Harry!" sagot ko. Bigla namang napangiti si Tippy.
"Kilala n'yo s'ya? Balita ko po kapatid s'ya ni Kuya Ian" napangiti ako at tumango ako sa sinabi ni Tippy. Oo tama, kapatid nga ni Ian si Harry.
BINABASA MO ANG
Hello, My Dream Guy (On Hold)
Teen FictionWhat if you met someone who you think is perfect and flawless? But one day you realize that everyone has flaws and no one is perfect.