Chapter 10: Late Night Talk

295 7 1
                                    

Jules's POV

 

It's so damn weird. COMPLETELY DAMN CREEPY AS HECK.

Nanunuod lang naman ako ng latest episode ng Fairy Tail at tuwang-tuwa pa ako sa mga boobs ni Lucy--- ay este dun sa nagaganap na laban ni Natsu nang biglang bumukas ang pinto.

 

 

Shet. Shet. Shet. Hindi tao yung pumasok. Shet.

 

 

PUUUUTEK. Ngayon, mayroong kakaibang at haggard na nilalang na nakaabang sa aking pintuan. Ni hindi ko makita ang mukha niya! Tapos yung nakakatakot na aura na ineemit niya ay para bang naramdaman ko na noon...

 

... PARA NGANG KAY MEGAN EH! 

Agad akong nagdive sa kama para maproteksyonan ang gwapo kong mukha.

 

Aba, magkakanda-leche leche tayo rito pag may nangyaring hindi kanais-nais sa mukha ko.

 

Kinuha ko yung teddy bear na lagi kong katabi sa aking pagtulog sabay bato sa nilalang na naka-stand by sa pinto ko.

 

 

Pero putek! Ano bang klaseng nilalang ito??? Kahit ang lakas ng pagkakabato ko ay nasambot niya ng walang ka-effort effort! 

 

*gulp* Oh no. My teddy bear's life is at stake! Jusko, somebody save him from that creature's filthy hands!

Ang shunga ko nga naman din. Pwede namang unan nalang ang binato ko! Hay, face palm!!!

 

Tiningnan ng nilalang yung teddy bear ko for a few seconds. Waaaaah baka matunaw ang pinakamamahal kong laruan! Baka may lumabas na laser mula sa mga mata ng halimaw na yun! Teka, may mata nga ba siya?? Ah shet! Hindi ko na alam!

 

*blaaaaaag*

 

 

O______________________________O

 

 

Noooooooooooooooooooo! My teddy beeeeear~~~! T^T

 

 

"Hoy tarantado! Ang kapal ng mukha mo para itapon ang teddy bear ko!" sigaw ko sa kanya habang ginagamit ko yung unan bilang shield. Masakit mang aminin pero ito lang ang kaya kong gawin sa ngayon matapos kong makita na walang awa niyang nilagabag ang laruan ko sa sahig.

 

Hindi niya ako pinansin. Wala siyang pake sa mga sinabi ko! Ni hindi man siya na intimidate!

 

DAMN, nagpatuloy na siya sa paglalakad papunta sa loob ng kwarto!!!! Waaaaaaaaaah! Ito ba ang feeling ng mga plants kapag inaatake sila ng mga zombies!??? Leche, mas matapang pa ata sila kaysa sa akin.

 

Patuloy kong pinagbabato ng unan yung nilalang pero sheeeeet! Nasasambot lang niya!!!

 

Trapped In The Boys' DormitoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon