''SweetSorrow"
21/01/18
''Hello Ms. Dione Havila! Congratulations. You won a FREE entrance exam at Southville International School Affiliated with Foreign Universities. Pls. send your complete name, name of school, course in SISFU and contact number to 09265342635. Thank you!"
OH MY GOD!
AS
IN!
I CANNOT BELIEVE IT!
Gulat na gulat akong napatitig sa pinost ko sa facebook 9 days ago. Nawendang ako sa may comment box. Di ko inaasahan to! Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman. Masaya, naiiyak at naeexcite.
Hala! Nanalo ako ng free entrance exam. Halaaaaa!
T_T
''Mama!" dali-dali akong bumaba sa higaan ko at muntik na akong matapilok dahil sa mga wirings na nakakalat sa sahig, buti na-steady ko yung katawan ko kundi, may kissing scene na magaganap between me at ang sahig.Yucks. Anyways, "MAMAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!'' HALAAAAAAAAAAAAA! OMGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!
''Oh, ano ba yan at ba't ka sigaw ng sigaw dyan?'' nakakunot-noong tanong ni mama. Tinuro ko naman yung nasa screen ng tablet ko at ipinakita sa kanya sabay lahad kung ano nga ba ang nagpawendang sa aking sistema.
''NANALO AKO MAMA! OHMYGOD! FREE ENTRANCE EXAM SA SISFU MAMA!'' maluha-luha 'kong saad sa kaniya. Sobrang natutuwa ako. Sobra. Di ko mapigilang ang sarili ko at tuluyan na nga akong napalundag dahil sa saya. Ansaya-saya. Ansarap-sarap sa feeling na nanalo ako. Mahal kasi yung entrance exam sa Brent atsaka, dream school ko talaga ang Brent simula pa noong nasa elementary pa ako.
Pangarap ko talagang doon mag-aral, kaso di pumayag sina mama at papa kasi malayo yung school sa tinitirhan namin at wala naman kaming sasakyan atsaka, sobrang mahal ng tuition fee sa SISFU, mapapaiyak ka nalang ng dugo sa mahal. T_T
Pero pinangako naman ni Mama na doon ako mag-aaral pag college atsaka dapat tuparin niya na yung pinangako niya kasi napako na yung unang pangako niya eh. Sabi kasi niya noon sa akin noong di pa ako nag-graduate sa Elementary sa Southville International School.
Doon kase nag-gradute si Mama sa High School at sa Brent International School naman si Papa. Sa College naman parehong sa Southville International School Affiliated with Foreign Universities naggraduate si Mama at si Papa.
Gustong-gusto ko talagang sumunod sa yapak ni Mama kung saan siya nag-aral noong highschool kaso di natupad kasi na-brankrupt yung negosyo naming noong time na yun at kinapos sa pera sina Mama at Papa.
Hindi iyon natupad, kaya naghanap ako ng paraan. Nag-apply ako at pinalad nga na Manalo ng entrance exam.
Kung makakapasa ako sa Entrance Exam ng SISFU at makakapag-apply ng Scholarship program tiyak na maabot ko ang pangarap ko na makapag-aral sa SISFU.
Tinignan ko ang reaksyon ni Mama, pero di ko naman nakitaan ng interes man lang.
"Kung sa Enderun College ka nalang mag-aral, sabi ng Tita mo maganda daw doon. Doon din naman nag-aaral yung mga pinsan mo eh. Oh di kaya sa Ateneo ka nalang pumasok, wag na diyan sa SISFU''
Pinipilit niya na naman akong sa iba nalang mag-aral kesyo malayo, kesyo masyadong mahal, kesyo maganda din naman sa Enderun College.
Di ko nalang kinibo si Mama. Actually iniisip ko din yun eh. Kung di talaga naming kaya yung gagastusin pangtuition fee kung sakaling di ako makapag apply sa Scholarship program, wala akong magagawa. Alang naman ipilit ko yung sarili ko doon diba kung walang wala naman kami, at di kaya ng bulsa.