''STORGE LOVE"
Ginising ako ni Mama pagsapit ng 6:30 ng umaga, nakatulog kasi ako kanina kakaiyak. Sabi niya humanda na daw ako kasi maaga yung entrance exam sa SISFU baka malate ako.
Akala ko hindi na talaga ako papayagan ni Mama.
Nasasaktan pa din ako sa sinabi ni Papa, kaya kahit namumugto yung mata ko binilisan ko pa ding maghanda. Pupunta akong SISFU ngayon at magt-take ng exam bitbit ang stock knowledge.
Di ako nakapagreview. Wala na kasing oras atsaka, nasayang yung oras ko kanina kakaiyak. Kung sana nilaan ko yung panahon sa pagreview sana di ako kinakabahan ngayon.
8:35 am na kami nakarating sa SISFU, kasama ko si Mama, actually sinamahan niya ako dito. Nalate na ako sa unang sabak ng schedule sa pag exam kaya mamayang 12:30 pm na lang dawn a slot yung natira.
Wala kaming naggawa kundi magumagahan sa canteen ng SISFU. Halos di ko naman malunok yung kinakain kung agahan kasi nalibang ako sa pagmamasid sa aking mga paligid.
Owaaa~ andito na talaga ako. Ngayon lang rumehistro sa isipan ko na magt-take na ako ng entrance exam.
Pumasok muna kami sa Chapel ng school at nagdasal. Syempre, huhu, stock knowledge na nga lang yung bitbit ko tapos di ko pa hihingin patnubay ni Bro?
Taimtim kaming nagdasal ni Mama at sabi niya, e text niya lang ako pag tapos na ako sa exam.
Huhu, 12:00 pm na at kinakabahan na ako. Buti nalang may wifi dito at pwedeng makaconnect kaya dali-dali akong angsearch ng basics ng algebra at basics ng science.
Kahit walang pumapasok sa isip ko patuloy padin akong nagbabasa. T_T
Di ako handa!
Lord, ikaw nap o bahala sa'kin. Give me wisdom and knowledge po. Gabayan nyo po ako. Huhuhu"
Nagtanong-tanong naman ako kung saan ba malo-locate yung building na kung saan gaganapin yung exam. Jusko, nalula naman ako sa taas at parang nahihilo na ako kakaikot. Sa'n ba kasi yun?
Ayuuuuun! Waaaa, sheeeyt ba't ang taas pa, tapos di ko mahanap yung elevator. T_T
Buti nalang merong mga studnyante din na nakapila paakyat sa stairs, jusko pakshet ang taaaaaaaas.
Kung mahuhulog ako dito, di ko na makakamtan yung pangarap ko. >_<
Sa tinagal-tagal ng pag-akyat kasi para kaming nagpprusisyon, isa lang kasi yung hagdanan—paikot sya tapos yung surface hindi rough kaya pag umulan tiyak na parang slide sha, pero di naman siguro mababasa ng ulan kasi may rooftop naman, ganun siguro yung disenyo para hindi masyadong nakakapagod pag umakyat ka sa 6th freakin floor. T____T
Haaays, salamat naman at nakarating na din ako sa designated room ko. At pumwesto ako sa harapan. Para iwas temptasyon. Iba't ibang mukha yung nakikita ko---malamang---nakakatakot itsura nila. >_<
Parang mga galit at mga nangoobserba din katulad ko. I remained calm and make my faced as stoic as it is. Kung ayaw nilang mamansin, mas lalo na ako. Gaya-gaya lang hehe.
Nakakahiya namang magffc ako dito baka masupalpal ako. Kaya wag nalang. Walang ibang emosyon ang makikita sa mukha ko. Nababagot na ako kakaupo. Antagal naman ng examiner namin. -_- Di pa ako kumakain ng lunch. Peste. Di na nga nakapagstudy, tapos gutom pa ako. Good luck nalang talaga self.
Atlaaaaaaaast!
Dumating naaaaaa yung hinihintay ng lahat. Muntik na akong makaidlip buti nalaaaaang talaga.
Madami shang naging instructions hanggang nagsimula na talaga ang exam proper. MATH, ENGLISH at SCIENCE yung mga asignaturang aming sinagutan.
40 items per subject, tapos you only have 40 minutes to answer every subject. That's why nabullshit talaga ako sa MATH. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH~ ETO NAAAAAAAAAAAAA.
Naging easy lang yung pagsagot ko sa English kahit yung mga choices parang lahat tama.>_< Parang EsP naming noong Junior High pa ako, lahat din ng choices parang tama lahat, yung pinakathe best na answer talaga dapat yung mahanap at mapili mo. T_T
Tapos sa Science naman, more on logic din siya pero hollymargarine, antataas ng pangungusap. Problem at descriptions kasi yung inilagay, tapos 1 minute per number? WHAAAAAAT? T_T
Sa MATH naman waaaaaaaaaaaaaaaah, parang natulog lahat yung brain cells ko. Madami namang easy pero tiyak ako na kung nakapag study lang talaga ako di ako mabbwesit ngayon. T_____T
Grade 10 lessons naming kadalasan yung lumabas eh. Tapos huhu, T________T.
Madugong pagsasagot ang naganap. Yung mukha kong walang emosyon, parang pati dugo nawala narin. Buti nalang nakaraos. May mga naisagot naman ako. Sana lang tumpak yun kung hindi BA-BYE SISFU T______T.
Natapos din ang pag-exam ko sa SISFU, nanalangin pa din akong sana makapasa ako. >_<
Napahiya naman ako kanina sa paglabas ko, bullshit huhu, di ko naman alam may card na eswa-swipe para makalabas dun sa harang na bakal, tutungtong sana ako dun sa bakal at tatalon kung di lang ako inawat ni ateng guard. Nakakahiya (_____) malay ko bang ganun pala. Walang ganun sa school namin. Jusko mga pauso nila ah.
Kaya para iwas hiya, kinuha ko yung tablet ko at as if na sinasagot yung tawag at nilagpasan yung mga estudyanteng nagtataka sa inakto ko kanina lamang.
Kahiya paksheeet. >_<
Pag-uwi ko sa bahay, medyo gumaan na din yung pakiramdam ko.
Kasi kahit anong galit yung itatanim ko sa ama ko di pa din yun mabuti kasi magulang ko sha. Kahit anong pilit ko na magalit ng husto di ko magawa, ganun seguro talaga yung pagmamahal natin sa ating mga magulang.
Lilipas lang yung galit at mananaig ang pagmamahal at respeto natin sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/136046671-288-k504941.jpg)