Chapter 8

8 0 0
                                    


Jam's POV

I was running...

Running really fast...

Anong nangyari?

"JAM!"

Narinig kong tawag sa akin ni Em. Pero di ako huminto sa pagtakbo.

"JAM! Ano ba!" Tawag niya ulit sa akin. Pero bakit parang may mali.

Narating ko ang hospital. Nakita ko si Henry at Kiel sa emergency room palakad-lakad. Papunta ako sa kanila ang bagal ng lakad ko pero gusto kong bilisan, di ko lang magawa.

Malapit na ako makarating sa kanila. Hanggang sa lumabas ang doctor. Lumapit sina Henry, Kiel at isang babae. Di ko siya mamukaan, yung babae. Teka... "I'm sorry." ang sabi ng doctor di ko man narinig pero nabasa naman ng mga mata ko ang pagbigkas nito.

Kusang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Pero teka di pwede! Di pwede! JAMES!

"NOOOOOOO!!!" Sigaw ko ng sobrang lakas. Pero parang di nila ako narinig.

Sobrang lapit ko na sa kanila sinuntok ni Henry ang posteng malapit sa kanya at umiyak siya.

Si Kiel naman nakayuko habang nagpupunas na luha.

At yung babae naman humagulhol na at may kasama pala siyang lalaki. Di ko parin maaninag ang mukha niya pati yung kasama niya. Dahil siguro puno ng luha ang mga mata ko.

Pero teka?

Yung babae...

Yung babae, si Em ba yun? Teka nauna ako sa kanya dumating ah. Bakit siya umiiyak ng ganyan para kay James?

Liningon ko yung kasama niyang lalaki kanina na pumipigil sa kanya na ngayon ay nakaupo na sa gilid, nakayuko lang at naka kuyom ang mga palad. Naguguluhan na ako. Sino siya?

Unti-unti niyang inangat ang ulo niya. Parang mas lalong bumagal ang oras. Di ko na maintindihan pero umiyak ako ng umiyak. Ang lalaking yan kilala ko siya

si James umiiyak.

Teka bakit? Di ba siya pinunta ko dito? Di ko na maintindihan.

Tumakbo si Em sa doctor at sinabing "ILIGTAS NIYO ANG KA-"

"JAM!!!"

At nagising ako.

"Panaginip." Mahinang sambit ko.

James POV

Paakyat na ako ng hagdan, galing akong kusina kumuha ng tubig di ako makatulog eh. Papasok na sana ako sa kwarto ko.

""NOOOOOOO!!!""

Teka? Jam? Si Jam ba yun?

Inilapit ko ang tenga ko sa pintuan ng kwarto niya.

Teka umiiyak siya? Pinakinggan kong maigi at di lang basta iyak. Humahagulhol siya.

"Jam!" Kumatok na ako. Bahala na kung magalit pa siyang lalo sa akin.

"JAM! Anong nangyayari sayo?!"

Pero wala, di ako pinagbubuksan ng pinto. Di ko siya titigilan hanggat di niya binubuksan ang pinto. Bahala na.

Katok parin ako ng katok sa pinto ng kwarto niya. Di ko na matiis na hanggang katok at pagtawag lang ako sa pangalan niya. Pinihit ko ang doorknob, at tsempong hindi naka lock. Kaya tuluyan ko ng binuksan ang kwarto niya.

Dali-dali akong pumunta sa higaan niya. Nilagay ko kaagad sa side table ang dala-dala kong tubig.

Nilagay ko ang kamay ko sa noo niya sabay upo ko sa tabi niya, ang lamig na ng pawis niya. At humahagulhol pa rin siya. Ano ba panaginip niya? Bakit parang totoo siyang nasasaktan. Parang gripo ang mata niya sa sobrang pag-iyak. Di kaya ang panaginip niya yung... Hindi! Hindi pwede!

My Twisted Life (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon