Chapter 14

5 1 0
                                    

Jam's POV

Flashback:

"Looks like you really enjoyed performing Ms. Catalan..." Sabi ni Prof. Dy.

KILL ME NOW!

"A mischievous smile just flashed in your face. And for the record, I haven't seen it for a very long time..." Ma'am Perez said while smiling.

"You should smile often. It suits you better." Ms. Peters added with an assuring smile.

Hinihiling ko sa lupa na bumuka siya at lamunin ako. NGAYON NA! AS IN NOW NA!

End of flashback.

Napabuntong hininga nalang ako sa iniisip ko.

Halos isang buwan na ang nakalipas, mid of July na ngayon to be exact. Pero that day keeps haunting me.

Big deal ba masyado? Ang OA ba?

Para sa iba siguro OA. Pero sa akin big deal yung nangyari.

I smiled unconsciously while I was playing. It was so not like me.

I always compose and control myself pero nung mga panahong yun di ko alam anong nangyari.

I've been wearing this poker faced of mine since who knows when... When my mind started remembering things? Who knows! Insert sarcasm here!

And you can't blame me to feel very uncomfortable because it feels new to me.

At yung sinabi ni Ma'am Perez na "And for the record, I haven't seen it for a very long time..." 

I don't remember any moments that I smiled in school when I was young.

Sumasakit ang ulo ko pag naaalala ko yun. Ang sakit sa ulo mag-isip! lalo na kung wala kang maisip na sagot!

"HOY!" Mabilis pa sa alas kwatro na lumingon ako sa sira ulong gumulat sa akin.

"Hehe Sorry po. ^__^V Nagulat kita?" Sira ulo nga! Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ay hindi Kiel! Kita mong may iniisip ang tao." Yung feeling na ansarap magmura kasi ginulat ka pero di mo magawa? Ang hirap magpigil ng gulat ah! Lalo na kung gulat na gulat ka talaga. Potek talaga!

"Hahaha sorry naman! Naka kunot na kasi ang noo mo eh. Sing lalim ba ng pacific ocean ang iniisip mo?" Natatawa niyang saad habang umuupo sa tabi ko.

Nasa garden kasi ako. Dito ako tumatambay paminsan-minsan. Wala kasing pumupunta dito, medyo malayo kasi sa kumpol ng tao.

"Alam mo masakit akong manuntok... baka gusto mong maka available? Free trial ba!" Saad ko habang tinataas ang kamao ko.

"He..he..he I-ito naman! Di na mabiro. Para bang cosmetics yang kamao mo? May 'try me' na nakalagay?" Sabi niya habang tinutulak pababa ang kamao ko gamit ang hintuturo niya.

"Aba't talagang!" Akmang susuntukin ko na siya nang magsalita siya ulit sabay taas ng dalawang kamay.

"Ooops! Ooops! Nakasulat sa hand book natin na bawal ang violence inside the campus. Kung sino man ang lumabag ay may kaparusahang nag hihintay." Break it down! Rapper pala to eh. Busit lang. Bwisit yan trip ko lang baguhin. HAHAHAHA

"AAAISSSH! Bat ka ba kasi napadpad dito ha?" Umayos naman ulit ako ng upo. Nanggigigil talaga ako pag di ako nakakaganti. Kayo rin naman siguro diba?

"Hahahaha tinawag kaya kita kanina habang naglalakad ka. Pero di mo ako naririnig eh ang lalim kasi ng iniisip mo. Kaya sinundan nalang kita." Paliwanag niya na tatango-tango pa.

My Twisted Life (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon