Chapter 11

8 1 0
                                    


Jam's POV

"Not so fast Mr. San Jose at sa tingin mo saan ka pupunta?"

Pagtataray ni Sharlene kay Kiel. Iba talaga si ateng hahaha.

"Oh bakit na naman Ms. Gomez? Pupunta po ng sala para masimulan na ang homework." Sabi ni Kiel na nakapamulsa. Nagsmirk naman si Sharlene.

"FYI Mr. San Jose kailangan nating hugasan ang mga pinggan. Tayo lang naman ang walang naitulong sa kanila kanina."

"What!? Ako!? Maghuhugas ng plato?? With you!? No way!"

"What!? Ako!? Maghuhugas ng plato?? With you!? No way!" Ginaya-gaya ni Sharlene ang sinabi ni Kiel while rolling her eyes. "Yes way! Mr. San Jose!" Sabay irap kay Kiel.

"Teka nga! Kayong mga babae na ang maghugas ng pinggan. Di ba gawaing babae naman yan! " Saad ni Kiel na halatang di gusto ang paghuhugas ng pinggan.

Si James at Henry naman nagpipigil na ng tawa.

"Ok ganito nalang. Tutal ako, si Sharlene, Jam at ikaw Kiel ang walang naitulong sa pagluluto kanina nina Henry at James. Tayong apat nalang ang maghuhugas ng pinggan." Sabi ni Em para wala ng problema.

"Wait nandito tayo sa bahay ni Jam kaya wag niyo na siyang isali pa." Natatawang sabi ni James sabay akbay sa akin.

Tininggal ko nga at inirapan siya pero tinawanan lang ako ng loko.

"Si Emily naman ang bumili ng ibang kinain natin at si Sharlene ang nag-ayos ng mga kailangan sa mesa. Kaya ok lang din na di na sila maghugas ng pinggan."

Sabi ni Henry na natatawa. Gets ko na! Gusto nilang si Kiel ang maghugas ng pinggan. Mga loko talaga. Hahaha

"WHAT!? No way! So ako? Ako lang mag-isa ang maghuhugas ng pinggan?"

Nagtinginan kami at sabay sabi ng "OO!" HAHAHAHAHA

"Pinagkakaisahan niya ako eh! Andaya naman!" Nakapout na sabi ni Kiel. Kami naman ay tumatawa habang iniiwan siya sa dinning area mag-isa.

"Ayosin mo ang paghuhugas Mr. San Jose ah. Nakakahiya kay Jam." Sabi ni Sharlene na nagpipigil ng tawa niya.

"Pano yan pre una na muna kami sa sala. Antayin ka nalang namin. " Sabi ni Henry habang tinatap ang balikat ni Kiel at tawa ng tawa.

Mga lokong to. Kawawa naman si Kiel parang di pa naman marunong maghugas ng pinggan ang loko. Hahaha

Tawa kami ng tawa hanggang sa sala.

"Buti nga sa kanya. Hahaha" Sabi ni Sharlene habang nagpupunas ng luha dahil sa kakatawa. Sadista din tong isang to.

"Grabe ka Len ha? Kinakawawa mo si Kiel baka umiiyak na yun dun. Hahaha" Sabi ni Em na hanggang ngayon tawa pa rin ng tawa.

"Magsimula na nga lang tayo para matapos na ang assignment natin." Sabi ko sa kanila para matigil na sila sa kakatawa.

Kinuha ko na yung mga gamit ko para makapagsimula na kami.

Sila James at Henry pumwesto na din para maka pagsimula na.

Napagpasyahan ko na puntahan si Kiel baka kasi instead na hugasan niya ang mga pinggan eh binabalak na niyang pagbabasagin ito. Hahaha

"Oh Jam san ka pupunta?"

"Kuha lang akong tubig Em. Alam mo ikaw para kang timang hahaha."

"Ha? bakit naman?"

"Kasi parang lahat na yata ng galaw ko tinatanong mo sakin eh hahaha"

"Pasensya naman hahaha kasi kahit na magkaibigan na tayo ang misteryoso mo parin masyado." Sabi niya sabay pout sa akin.

My Twisted Life (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon