Jam's POV
RIIIIIIIINNGGGGGG!~
YES! Lunch break na. Sa wakas! Nagbell na rin. Asar!~ Gutom na gutom na talaga ako eh. ~___~
"Hoi babae~ mag kwento kana dali~ ^__^" Naman! Naalala pa talaga. -__- buti nalang at lumabas na ang mga classmates namin at walang nakarinig sa kanya. Nakakahiya kaya yung ginawa ng KUTONG LUPANG yun sakin. >.< Naku naman!~ Titirisin ko siyang parang kuto mamaya! *__* HA.HA.HA
"Atat friend? Excited much? Di pwede kain muna bago kwento? Gutom na ako eh." Ala eh nagwawala na ang mga alaga ko sa tyan. Pasensya naman. -__-
"Hahaha oo nga noh? Gutom na rin ako. Tara!" Papunta na sana kami ng cafeteria kaso may napansin kaming isang naka upo sa front row na nasa pinakasulok.
"Sino yan Em? Kilala mo? Kaklase natin yan?" Sorry naman di ko kilala eh.
"Malamang Jam nasa parehong classroom natin eh. Psh~" Nahawa na ato to sa pagkapilosopo ko ah. Nangbabara na rin eh. -___-
Naglakad na ako palabas ng classroom namin. Gutom na talaga ako eh. -__-
"Punta tayo sa tambayan mamaya ha? Magbabake daw si Auntie Rose mamaya ng---"
O___O Asan na yung babaeng yun? Luminga-linga ako? Iniwan ba niya ako? O ako ang nangiwan sa kanya? Dada ako ng dada dito wala naman pala akong kasama at kausap. -___- Rebisco dre! ANG SARAP NG FEELING KO~ >. .<
Ah bahala sya. Kakain na nga ako. Ang layo pa naman ng cafeteria dito sa building namin. -__-
@CAFETERIA
Pagpasok ko sa cafeteria ang INGAAAAAY!~ Nebeyen~ ang daming tao. Bibili nalang ako ng pagkain sa classroom nalang ako kakain.
Ang haba naman ng pila. Pero dahil mabait ako pipila ako ng maayos at maghihintay ng turn ko. Unfair naman kasi kung sisingit ako. Bad kaya yun. O:) hahaha
"Pre usog ka unti sa unahan. Si DRACULA nasa likod ko" Bulong ba yun? sino si DRACULA? tiningnan ko yung lalaki sa unahan ko. Tapos luminga ako sa likod ko, tapos sa gilid. Wala naman akong katabi ah~ ako lang naman ang huli sa pila nato. Umusog yung lalaking nasa unahan niya tapos siya din. Aba't talagang! ako? AKO TALAGA? AKO SI DRACULA? Humanda kang tsonggo ka.
"Excuse me" Lumigon siya sa akin.
"Yes?" Yes mo muka mo! Sabi ni usog boy 2.
"Sino si "DRACULA"?" sagot!
"A-ano ano yung ahhhhhh ahhhhhhh a-"
"Manong di to singing lessons wag kang AHHHHH ng AHHHH dyan. SAGUTIN MO KO. SI.NO SI. DRA.CU.LA.?"
"It's none of your business" Sabat naman ni usog boy 1. Ah~ ganun.
"It is my business. I was the only one who is at your back when this monkey (pointed my fingers to usog boy 2) said "Pre usog ka unti sa unahan. Si DRACULA nasa likod ko" now. tell me if it's still none of my business?"
"Jam anong nangyayari?" Hingal na hingal si Em ng dumating sa cafeteria. Tiningnan ko lang sya.
"Ano? SAGOT!" Galit na ang lola nyo. Nakakaagaw na kami ng atensyon dito. Naku naman~ tsk!
"Jam huminahon ka muna. Ano ba kasi ang nangyayari?" Sabi ni Em na nalilito na.
"OO IKAW! IKAW NGA ANG TINUTUKOY NAMING DRACULA! BAKIT MAY ANGAL KA!?" Sabi ni usog boy 1. Aba't talagang sinusubukan ako nitong unggoy nato ah.
Lumapit ako sa kanya at tiningnan ko siya. Tingin na di niya inaasahan.
"Oo aangal ako bakit?" Nakipag sukatan siya ng tingin sakin. Hmmm~ gusto niya ng away nasesense ko yan. BRING IT ON DUDE!
"Pre ano ka ba? Wag mo ng patulan yan dehado ka panigurado." bulong ni usog boy 2. Ahahaha mabuti pa ang kasama niya alam anong kakahantungan niya pagsinubukan niyang kalabanin ako.
"Dracula pala bansag niyo sakin dito ha? Ano? Tititigan mo lang ako? Alam kong gusto mo na akong sapakin eh. Come on~ BAKLA KA BA?!"
"DI AKO BAKLA!" Singhal niya sabay susuntukin na sana ako. Kaso may humarang sa kanya.
"Pare pumapatol ka ng babae?!"
"He-henry?" Pigil-pigil pa rin niya ang kamao ni usog boy 1.
"Oo nga pre! Bakla ka nga siguro. Mananapak ka ng babae eh." Sabi ni James na inakbayan pa si usog boy 1. Si Kiel naman inakbayan si boy usog 2. Pinagtawanan siya ng mga taong nasa cafeteria.
Tinabig niya ang akbay ni James at ang kamay ni Henry na pigil-pigil ang kamay niya saka umalis kasama si usog boy 2.
"Ok ka lang?" Tanong ni Henry sakin.
"Ah o-oo naman." My gums~ I'm so flattered! My knight in the midst of trouble~ KYAAAAH!~ ay nako ano ba yan. Parang tanga lang? -___-
"Tss." Papansin ka ring kutong lupa ka! Nakoooo!~ >.<
"Salamat nga pala pero di niyo na sana ginawa yun." Sabay alis ko dun sa cafeteria. Ayokong nagkaka-utang ng loob sa kahit na sino. Yun ang pinaka-ayaw ko. Bipolar ba masyado? Kilig-kiligan tapos ito ako ngayon nagwawalk out. -__-
"Jam wait!~" tawag ni Em sa akin kaya huminto naman ako pero di ako lumingon.
"Grabe ka alam mo yun? Ang hilig mong mang-ewan. -__-"
"Pasensya na Em. Sa labas nalang ako kakain."
"Ah sige sabay na ako sayo tutal wala namang pasok ngayong hapon eh"
"Ha? Walang pasok ngayong hapon?" Di ko alam yun ah? O___o?
"Oo wala. Sinabi kaya ni Prof kani yun. May emergency meeting daw kasi. Di ka nakikinig kanina ano?"
"Malamang, nagtatanong nga di ba? -__-" Tapos inabot niya sa akin ang gamit ko.
"Bakit na sayo to?"
"Shunga ka rin eh no? Wala ngang pasok mamaya diba?
"Ah oo nga pala. Thanks." Sabay kuha ko ng gamit ko.
"Tara na?"
"Ah okay." Buti nalang nandito si Tatay Renny. Sa The Garden Food Palace na kami kumain at nagpalipas oras. Wala daw si Auntie Rose ngayon may business trip daw.
Nagkwentuhan lang kami ni Em at gumawa na rin ng homework para pagdating sa bahay relax na ang utak ko. -__-
Yun nga nakwento ko na kay Em yung nangyari kaninang umaga at yung away ko kanina sa cafeteria. Pero syempre di ko sinabi na nakatira kami ni kutong lupa sa iisang bahay. -__- Tama naman ako di ba?
"Grabe girl~ ang hilig mo sa away ano? Hahaha"
"Di naman ako parati ang nagsisimula ng away eh. Sila ang gusto ng away di ako. -___-"
"Pero in fairness may mga Knights ka kanina~"
"Che! Tumigil ka nga. -__- umuwi na nga lang tayo at gabi na pala."
"Mabuti pa nga."
Umalis na kami sa TGFP at hinatid na namin si Em sa kanila. Nabigla nga si Tatay Renny na may kaibigan na ako eh. Masaya daw siya para sakin at improving na daw ako dahil nakikita na daw nya akong nakangiti at may kaibigan.
----
Dyan muna mga friends masyado ng lutang ang isip ko eh. ^__^V
© 2012 GirlOnShadow
All Rights Reserved
BINABASA MO ANG
My Twisted Life (REVISING)
Fiksi RemajaSi Jammie ay isang kinatatakutang babae sa kanilang eskwelahan. Cold person na warrior. Isang "DRACULA" sa paningin ng lahat. Oo yan ang tawag ng mga kapwa niyang estudyante sa kanilang eskwelahan. Pero kahit na yan ang bansag sa kanya may isang tao...