Chapter 1

295 20 9
                                    

"Time will come you'll understand...

Time will come you'll get over it...

Time will come all wounds will be held...

All we need is time... Time to forget and forgive everything that has happened.

This is has been your DJ Zee and you are---"

Napatingin ako sa driver seat ng patayin ang car radio.

"Ma'am nandito na po tayo." Napangiwi ako ng marinig ang linya niya.

"Tatay Renny naman eh, sabi ng Jam lang wala ng ma'am pang matanda lang yan." Napanguso nalang ako habang tinitignan siya.

"Naku ikaw talagang bata ka ang--"

"Ang cute mo, opo alam ko na yan." pinutol ko na sasabihin ni Tatay Renny kasi ang dugtong nyan 'Tigas talaga ng ulo mo ako mapapagalitan nila Ma'am Elizabeth nito eh' oo memoryado ko na yang linya niyang yan.

Tatay na ang tawag ko sa kanya kasi simula bata pa ako siya na ang kasakasama ko kung wala ang mga magulang ko.

Lumabas na ako sa kotse at nagpaalam na kay Tatay Renny. Sinabi ko na rin na wag na akong sunduin mamayang uwian.

Tumingala ako at binasa ang pangalan ng school ko.


*OXFORD DIVINE UNIVERSITY*

Hay pasukan na naman! Di na mapipigil pa.

Di talaga ako excited kagaya ng iba.

Pumasok na ako sa paaralan namin. Malaki, maganda at mahal. OO, MAHAL! MAHAL ANG TUITION FEE! Palibhasa kasi sikat na eskwelahan at isa sa mga pinaka sikat pa dito sa bansa.

Dito na ako nag-aaral since kinder garten. College na ako ngayon. Isang Theather Arts Major.

Ito ang eskwelahan ng mga anak ng mayayamang tao sa bansa. Bakit pa kasi dito ako pinapaaral nila Daddy?

Mayaman kami, oo alam ko yun pero di ako kagaya ng ibang mayayaman na spoiled brat, okay brat ako pero konti lang naman yung iba naman kasi grabe sa pagka spoiled brat. Mas pinipili kong maging simple, para less hassle.

I am searching for my room. Ang laki pa naman ng school nato. Hindi pa naman ako sanay na naglalakad sa maraming tao.

Di ko alam kung bakit! wag niyo na akong tanungin dahil di ko rin alam. Ang alam ko lang mas gusto kong mag-isa kaysa may kasama at magkaroon ng kaibigan. Oo wala, as in none, wala akong kaibigan.

Actually meron noon, ayoko ng maalala pa.

Di ko na type magkaroon pa kasi di na ako basta-bastang nagtitiwala sa mga tao sa paligid ko. Wala pa akong nakikita at nararamdam na totoo at tapat na tao sa paligid ko simula ng pumasok ako dito sa paaralan na to. Naloko na rin ako minsan kaya mas mabuti ng wag nalang.

OFRM-B4CA1 -----> OFRM for OxFord RooM - B4CA1 for Building 4 Class A1

Oh ito na pala ang room ko. Sa wakas nakarating na rin ako dito at ang layo ah. Sumakit paa at mata ko sa kakahanap.

Sa mga emergency stairs kasi ako dumadaan. Naririndi ako sa mga naririnig ko sa hallway kanina. At mas lalo akong matatagalan kong mag-eelevator ako. Di nagsisiksikan ang mga mayayaman dun kaya halos isa o dalawa lang ang sumasakay. Ang aarte! sarap manakal!

Buti nalang at wala pang tao, ay hindi meron na pala.

“Good Morning Po” pagbati ko sa professor namin.

“Good Morning din Hija” Mahinahon at naka ngiti niyang bati din sa akin. Matanda na si prof pero ang ganda niya pa rin.

Kahit wala akong kaibigan at walang ka ekspre-ekspresyon ang pagmumuka ko, marunong din naman ako gumalang sa mga nakatatanda sa akin.

My Twisted Life (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon