Ex ko ang Idol niyo 2: CHASING YOU.
KathNiel Fanfic.
Written by Shaiceee. All Rights Reserved. 2014.
NO PROLOGUE.
//
One.
Parang lahat biglang nag-bago nung nawala siya. Parang bigla na lang nawalan ng buhay lahat ng taong malapit sa kanya simula nang malaman namin ang balita. Lahat kami, hindi inasahan ang mga nangyari. Haggang ngayon, hindi pa rin kami makapaniwalang wala na siya.
Matagal na ang lumipas simula nung araw 'yun. Ang buong akala namin, babalik siya. Pero wala. Naniniwala naman kaming babalik pa rin siya, pero hindi niyo kami masisi kung unti-unti na rin kaming nawawalan ng pag-asa. Gumraduate na kami, pero hindi pa rin siya bumabalik. Nakakuha na kami ng trabaho, hindi pa rin siya bumabalik.
Araw-araw kaming naghintay, nagbabaka-sakaling babalik pa siya, pero hanggang ngayon ay wala pa rin.
Si Macky. Minsan na lang kami mag-kita pero halatang may kulang pa rin sa kanya. Hindi na kami madalas mag-kita kasi simula nung araw na nawala si Chanel, halatang may nagbago sa kanya. May sayang nawala sa kanya. Malayong-malayo na siya sa dating Macky. Para ngang hindi 'ko na siya nakilala.
"Kamusta ka na, Macky?" Tanong 'ko nung nagkita kami sa isang mall. Kaka-graduate lang namin 'nun, pero nawalan na agad ako ng balita sa kanya. Lumayo agad siya at ang sabi ni Zella nag-focus na lang daw siya sa Modeling Agency na pinagta-trabahuan niya. Mag-isa lang siyang namimili noon.
Kung dati, sigurado akong nagtatatalon na siya sa tuwa at nagkita kami, ngayon, hindi na. Pag-ngisi lang ang nagawa niya nung nakita niya akong tinatawag siya. Uminom muna siya ng kape na in-order niya bago ngumiti sa akin. "Ayos lang, ano pa bang bago." Tumawa siya ng mahina. "Dati si Chanel lang ang niyaya ko'ng mag-mall kasi laging tinatamad si Zella, pero ngayon wala na akong kasama." Malungkot ang ngiti na ipinakita niya sa akin.
"Ang tagal na rin pala niyang wala 'no?"
Tumango siya sa akin, "Miss 'ko na si Ateng. Parang nawala ang pagiging mataray sa dugo 'ko nung nawala siya eh." Tumawa na lang siya sa sinabi niya at napangiti na lang din ako.
Marami naman talagang nagbago simula nung araw na nawala si Chanel. Kasi kahit maldita 'yun, kahit mataray, kahit loka-loka 'yun, sobrang importante 'yun buhay namin. Na kahit wala siyang ginawa kundi ang mang-inis at mangloko sa buhay namin, mahal na mahal namin yung malditang 'yun.
Si Bench naman, kung masayahin siya dati, kung loko-loko, simula nung araw na nawala si Chanel, parang bigla siyang nawalan ng gana mabuhay. Totoo niyan, may gusto ako kay Bench, lagi kaming mag-kasama kasi nag-aartista na siya at alam kong madaming nagbago sa kanya. Kung pakiramdam 'ko dati malayo siya sa akin, parang mas lalo pa ata siyang lumayo ngayon.
Bigla ko'ng naalala kung gaano naapektuhan si Bench nung nalaman niya yung balita kay Chanel, unang beses 'ko lang siyang nakitang umiyak sa harap 'ko. Awang-awa ako sa kaniya, kung pwede 'ko lang sanang palitan si Chanel sa puso niya ginawa 'ko na. Kaso si Chanel 'yan eh. Walang kahit sino ang makakapalit ng ganun-ganun na lang sa kaniya.
Ilang araw siyang hindi nakapasok sa trabaho. Maraming photoshoot, taping at mallshow ang hindi niya napuntahan. Kasi kahit ayos na sa kaniya si Calix at si Chanel, alam kong mahal pa rin niya si Chanel. At mukhang hindi na ata magbabago yung nararamdaman niyang 'yon.
Kasi kahit tanggap mo ng may ibang mahal yung taong mahal mo, hindi pa rin naman mawawala yung nararamdaman mo para sa kanya. Kung totoong pagmamahal 'yan, pang-matagalan 'yan. Naisip at natanggap mo lang kasi na kahit anong gawin mo, wala ka ng pag-asa na magustuhan din niya.
"Bench, kumain ka naman." Mahinang sabi 'ko kay Bench nung bumisita ako sa condo niya. Ilang linggo na rin siyang hindi lumalabas at nagpapakita sa kahit sino samin. Lalo akong naawa nung nakita kong nangingitim na ang ilalim ng mata niya, gulo-gulo na ang buhok niya, at parang walang kabuhay-buhay na nakupo sa sofa.
Nakita ko ang ngiting nakita ko kay Macky. Ngiting punong-puno ng lungkot. "Mas masakit pa lang isipin na hindi mo na makikita yung taong mahal mo 'no?" Tanong niya sa akin habang diretso pa din sa kawalan ang tingin niya. Ang sakit din palang marinig 'yun galing sa taong mahal mo, 'no? Hindi ko alam kung tanga o manhid lang talaga tong si Bench at hindi niya pa rin napapansin na may gusto ako sa kaniya. Minsan ang sarap na ring isigaw sa mukha niya.
"Akala ko masakit na yung makita siyang kasama si Calix, pero may mas masakit pa pala roon?" Tanong niya ulit. Ngumisi siya at nagulat ako nung may tumulong luha sa isa niyang mata. "Ayos lang makita siyang kasama ni Calix, basta makita ko lang ulit siya. Pero ngayon.. imposible na ata 'yun."
Nakikita ko lang na ganoon si Bench, parang unti-unti na ring nawawaksak ang puso ko. Parang dumudoble lang yung sakit na nararamdaman ko. Kung masakit yung nararamdaman nila, mas masakit din para sa akin. Dahil sa mga nangyari kay Chanel, lalo lang ako nagsisi sa mga ginawa ko noon.
Pero kung may pinakanakakaawa sa nangyari 'to, si Calix 'yun.
Pagtapos niyang malaman lahat ng 'yun, pumapasok pa rin siya sa trabaho, umaarte siya na ayos lang ang lahat, ngumingiti siya kahit alam kong hirap na hirap na siya. Matagal ko ng kilala si Calix, at alam kong kahit tumatawa pa 'yan sa harap ko ngayon, alam kong sa tloob, hirap na hirap na siya.
"Sabihin mo kung hindi mo na kaya, Calix. Kung kailangan mo ng kausap, nandito pa naman ako. Nandito pa rin kami. Kung gusto mong umiyak, nandito naman ako eh." Sabi ko sa kaniya nung kami na lang dalawa ang natira sa dressing room. Kakatapos lang ng isang show namin at kaming dalawa na lang ang magkasama ngayon.
Tumingin siya sa akin at ngumiti, "Bakit? May problema ba?"
"Ikaw." Simpleng sagot 'ko. "Bakit ka ganyan? Lahat kami apektado sa nangyari, pero ikaw, nagagawa mo pang tumawa, nagagawa mo pang magtrabaho! Bakit ba ayaw mo na lang aminin na nasasaktan ka!?"
"Bakit? Anong tingin mo masaya ako sa mga nangyari, Rinah? Masaya akong nawala si Chanel ng ganun-ganun na lang? Kung para sa inyo, masakit lahat ng nagyari, paano pa sa akin!? Iniwan niya ako ng walang kahit anong paalam. Iniwan niya ako ng walang kasiguraduhan na babalik pa siya. Anong tingin niyo? Masaya ako pa rin ako? Baka nga wala pa nga sa kalahati ng nararamdaman 'ko yung sakit na nararamdaman niyo!" Punong-puno ng galit ang boses niya at tumaas na din ang boses niya. Ilang minuto din siyang tumahimik bago humarap ulit sa malaking salamin ng kwarto. "Pero pinipilit kong itago lahat ng sakit na 'yun Rinah. Pinipilit kong maging masaya kasi sinabi niyang babalik siya. Kasi alam kong babalik siya."
Kahit gusto ko'ng sabihin na huwag na siyang umasa na babalik pa si Chanel, pinigilan 'ko na lang ang sarili 'ko. Alam ko'ng sobrang nasasaktan si Calix sa mga nangyayari ngayon kaya ayaw kong ipamukha sa kanya ang katotohanan.
Pero sana nga, bumalik pa din siya. Sana.
BINABASA MO ANG
Chasing you
Fanfiction[Book 2 of Ex ko ang Idol niyo.] Ano na nga ba ang gagawin nila ngayong wala na si Chanel na walang ginawa kundi ang manggulo ng buhay nila? Makakayanan nga ba nilang mag-simula ulit ng panibagong buhay ngayong wala na si Chanel?