Eight

6.1K 195 49
                                    

Eight

 Ken-ken

Ilang araw na din ang lumipas simula nung araw na umalis si Migel sa Mansion kaya ngayon, back to normal na naman. Wala ng kasiyahan, puro trabaho na lng ulit. Pero ang hindi 'ko lang makakalimutan ay yung mga salitang sinabi sa akin ni Migel bago siya umalis. 

"La, wait lang! Magpapaalam lang ako sa iba." Masayang sabi ni Migel. Napalinya kaming lahat na mga katulong sa likod ni Madam at isa-isa sa aming nagpaalam si Migel. At dahil ako ang pinaka nasa huli ng linya at katabi 'ko si Xine, sa amin siya nahuli magpaalam. 

"XINE!" Natatawang sabi ni Migel habang magka-hawak kamay silang tumatalon at tumatawa. Hindi 'ko din alam kung paano pero mukhang click na click ang ugali ng dalawang 'to. Nagulat na lang ako kasi pagtapos nilang magtawanan umiiyak na si Xine. Pero tumatawa pa din siya. Wag na kayong mag-taka pero iyakin talaga si Xine. Kahit noon pa lang, iyakin na talaga ang isang 'to. 

"Wag mo akong kalimutan, ah? Babalik ka pa!" Natatawang sabi ni Xine. Tango lang ng tango si Migel habang nakangiti. Madami pa silang kadramahang pinag-usapan bago makarating si Migel sa harap 'ko. 

Pero nung ako na.. Akala 'ko, normal na paalam lang. Pero hindi. Niyakap niya agad ako ng mahigpit tapos narinig kong bumulong siya sa tainga 'ko, "Tutulungan kita, okay? Tutulungan kitang hanapin sila.

Alam kong madami pa siyang sinabi pero ayun talaga ang sinabi niyang tumatak sa isip 'ko. Gusto kong maniwala na tutulungan niya ako pero may parte din sa akin na tigilan 'ko na ang pag-asa 'ko doon. Kasi sino ba naman ako para pagsayangan niya ng oras, 'di ba? Isa lang naman akong katulong nila. 

"Bea, ano na naman bang tinutunga-tunganga mo diyan! Ang dami mo pang kailangang ayusin! Bilisan mo na!" Narinig 'ko namang sigaw sa akin ni Madam. Minsan nagtatak na ako, bakit ba parang ang laki ng kasalanan ko kay Madam at parang lagi ako tong lagi niyang pinagiinitan? 

Sobrang bilis talaga ng panahon kasi kakaalis lang ni Migel at ngayon, itong kapatid niyang si Darren naman daw ang bibisita dito sa Mansion. At ang sabi din sa akin ni Migel, kasama niya yung kaibigan niyang si Ken-Ken. 

"Xine, anong oras daw ba dadating sila Sir Darren? Gusto 'ko munang maligo para naman pagdating nila, hindi naman ako ganoong nakakahiya dito." Bulong 'ko kay Xine nung nakita 'ko siyang nagluluto sa kusina. 

"Tapos mo na bang gawin lahat ng pinapagawa ni Madam? Alam mo namang mahirap magpaliwanag lalo na kung kay Madam. Alam mo namang walang pinaniniwalaan 'yun!" Natatawang sabi ni Xine sa akin. 

"Oo tapos 'ko na. Basta Xine, ikaw na munang bahala dito ah? Mabilis lang ako. Nangangati na kasi ako tapos ang baho 'ko na din!" Pagrereklamo 'ko. Tumawa na lang siya at tumango. Tumakbo na agad ako papunta sa kwarto namin para maligo. Mayroon kasi kaming sariling banyo sa kwarto, pero maliit lang 'yun. Minadali 'ko na din ang pagligo 'ko kasi kapag hinanap ako ni Madam at nalaman niyang matagal na naman akong nagbabad sa banyo, pagagalitan na naman ako nun. 

Nagbihis na agad ako pagkatapos kong maligo at nagpatuyo na agad ng buhok. Pagkalabas 'ko, dumiretso na agad ako ng kusina, nakita 'ko na lang na lahat sila mukhang madaling-madali na sa ginagawa pag-aayos at pag-luluto. 

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon