Five

8.4K 255 89
                                    

Five

Tulong

"Ligawan mo na!" Natatawang sabi 'ko habang tinutulak si Migel sa kinaka-upuan niya. Natatawa na lang ako dahil sa pamumula ng mukha niya, lalo na yung tainga niya! Kanina niya pa kasi pinapaulit-ulit yung pagpansin doon sa babaeng nasa katabi ng table namin. Mabuti na lang at medyo malayo ang pagitan ng table namin kaya hindi niya kami naririnig. Meron din siyang kasama pang dalawang babae at tawa sila ng tawa kaya di niya din talaga kami maririnig. 

Kung itatanong naman sa akin, maganda nga yung babae. Maliit nga lang. Maputi siya at hanggang balikat lang ang buhok, medyo kulot din yung dulo nun at ang mas nakakatuwa pa, naka-dress siya kaya nagmukha siyang bata. Oo, cute lang siya. Malayong-malayo sa ganda ni Chanel Montreal. 

Hanggang ngayon, may parte pa din sa akin na nami-miss ang pagma-mall every week. Pamimili ng kung anu-ano, pagsa-salon. Walang-wala na ang mukha 'ko noon sa mukha 'ko ngayon. Mas malala pa ata ang itsura 'ko sa mga taong nilalait 'ko noon. Kasi kung prinsesa ako noon, katulong na lang ako ngayon. Kailangan 'ko pang mag-ipon ng pera para lang makabili ng isang damit. Hindi katulad noon na lahat mabibili 'ko. Kahit hindi na ako mag-ipon, lahat kaya kong bilhin. Lahat talaga ng bagay nag-babago. 

"Ligaw agad, Chanel?" Ako naman ang natigilan sa pag-tawa ngayon. 

"B-bakit Chanel? Pa-paanong nalaman.. Sa--saan mo nalaman, Migel?" Ang buong akala 'ko, Bea ang alam niyang pangalan 'ko. Ayun ang pangalan na sinabi 'ko simula nang mapunta ako dito. Hindi 'ko nga alam kung may nakakaalam na si Chanel ako noon eh. 

"U-uy, sorry." Nagulat na lang ako nung bigla niyang hinawakan ang kamay 'ko. Natigilan kasi ako sa tanong niya. Bigla na lang din nawala ang ngiti 'ko dahil sa pag-sabi niya ng pangalan 'ko. Parang nakakapanibago palang matawag sa dati mong pangalan?

Pinilit 'ko na lang na ngumiti, kasi baka kung ano pa ang maisip ni Migel sa akin. "A-ah, ano. Sorry. W-wala. Sorry." Umiwas na lang ako ng tingin. "H-hindi lang talaga ako sanay na tawagin ng Chanel... di 'ko din alam na alam mo yung pangalan 'ko na 'yun."

"Mom mentioned you nung tumawag ako kanina. Paulit-ulit siya ng kakasabi na sobrang bait mo daw at chanel ang sinabi niyang pangalan mo kaya ang buong akala 'ko ayos lang na tawagin ka sa pangalan mo'ng 'yun. Pero.." 

Magsasalita pa dapat siya pero nauna na ako, "Gusto 'ko kasing magbago ng buhay dito.. Gusto ko'ng kalimutan lahat ng masamang nangyari noon sa buhay 'ko.. Kahit na ganito lang ang buhay 'ko dito, pinilit ko'ng kalimutan lahat at iniisip 'ko na lang na.. Magiging maayos pa din ang lahat.. Kaya ayun. Nag-simula ako sa pangalan 'ko. Kaya hindi lang ako masyadong sanay na tawagin ng Chanel ngayon." Pagpapaliwanag 'ko. Buong pag-stay 'ko dito sa Davao ay nakilala nila akong Bea. At kahit papaano ay masaya ako dahil doon. Kasi kahit papaano, nakalimutan 'ko yung sakit na dala-dala 'ko. 

Hindi 'ko mapigilang hindi mahumaling sa itsura ni Migel lalo na tuwing nagli-lip bite siya. Lalo siyang nagmumukhang model sa mata 'ko. Ibang klase talaga ang charisma ng isang 'to. "Sorry talaga, Bea. Sorry." Napatawa na lang ako pagso-sorry niya sa akin. Kaya kahit siya nakitawa na lang. "Ayan. Ngumiti ka din. Tingnan mo, tawa mo lang napapatawa na ako!" Umiiling-iling pa si Migel habang naka-ngisi sa akin. "Smile, Bea. It looks good on you. Mas lalo kang gumaganda." Kumindat pa siya sa akin. Tumawa na lang ako. 

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon