Three

11.5K 306 89
                                    

{ Sorry! Mabagal na talaga update ngayon, sobrang busy lang talaga ako. Babawi ako kapag may libreng oras. :) } 

Three

 

RINAH

"Ay ganun ba, nasan ka ba ngayon?" Tanong sa akin ni Bench. Napakagat na lang ako sa labi 'ko sa sobrang asar, for the first time, niyaya ako ni Bench simula nung nawala si Chanel. Kaso hindi naman makapunta ngayon kasi nandito ako sa condo ni Calix. Nakakaasar naman. Ito na yung pagkakataon eh.

"Ah.. Na kayla Calix a-ako eh." Nakakanis. Ayaw kong magsinungaling pero baka kung anong isipin ni Bench. Natamahimik naman siya sa sinabi 'ko at hindi agad nakasagot kaya nagsalita ulit ako. "A-ah.. Hoy! Wag ka ngang mag-isip ng iba dyan! Nalasing kasi si Calix kagabi kaya sinamahan ko muna sa condo niya. P-pero walang nangyari no!" Singhal 'ko. 

Nagulat na lang ako nang marinig 'ko ang tawa ni Bench. Bakit ganito yung tawa ni Bench? Parang music! Ang sarap-sarap sa tainga. Ang sarap pakinggan. Yun yung tipo ng tawa na ang cute-cute at hindi ka talaga magsasawa. "Wala naman akong sinabi ah?" Natatawa niyang sagot sa akin. Napatawa na lang din ako.

"Grabe ka talaga, Bench!" Natatawang sigaw 'ko sa kanya. Akala 'ko buong araw, magiging puno ng drama na naman ang araw na 'to dahil si Calix ang kasama 'ko. Pero hindi pala, kasi tumawag si Bench eh. Siguro buong araw lang akong kikiligin ngayon. 

Nakakagulat lang kasi, siya ang tumawag ngayon. Tapos tumatawa na siya. At ang mas nakakagulat pa dito, si Bench ang nagyaya ngayon. Parang naging si Calix lang 'to si Bench simula nung nawala si Chanel eh. Naging tahimik, isnabero, at parang nagkaroon na ng sarili niyang mundo. Pero itong bench na tumawag ngayon? Ito yung bench na kilala 'ko. Siya yung Bench na minahal 'ko. "Okay. Bukas na lang, bawal humindi. Gwapo ako para tanggihan mo." 

"Opo Boss!" Natatawang sagot 'ko. 

"Tatawagan na lang kita mamaya. Babye, Nikka!" Tumawa pa ulit siya bago niya in-end ang call. Lakas ng trip ng isang 'yun ah? Tinawag niya pa ako sa Nikka 'ko! Napailing na lang ako at napatawa. Didiretso na dapat ako sa loob ng kwarto ni Calix pero natigilan na lang ako nung nakita kong nakatayo si Kendice sa nakabukas na pinto ng unit ni Calix. Shit, di ko pala na-lock. 

"Uy, Kends!" Pinagbuksan 'ko ng pinto si Kendice at agad naman siyang pumasok. Bilib talaga ako sa isang 'to, sa lahat ng mga nilakad ni Tita Syd kay Calix, siya ang laging kaaway ni Calix, pero nandito pa din siya. Minsannagtataka nga ako, mahal niya ba talaga si Calix? 


"R-rinah.. A-ayos lang ba si C-calix?" Kitang-kita 'ko ang pagaalala sa mata niya at hindi 'ko maiwasang hindi mapangiti. Ngayon, hindi na ako magtataka kung mahal niya ba talaga si Calix.   Kitang-kita naman sa mata niya 'yun, at ayos lang din naman si Kendice para sa akin. Mukha naman siyang mabait, siguro kailangan lang naming mag-shopping nag-magkasama para malaman 'ko talaga ang ugali niya. 

"Yup! He's okay naman." Nakangiting sabi 'ko. Napanbuntong-hininga na lang siya sa sinabi 'ko. "Wag kang mag-alala, kahit masungit 'yun, nagiisip pa din 'yun!" Pagloloko 'ko. Tumawa ako pero ngumiti lang si Kendice. 

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon