Nine

5.5K 207 32
                                    

Medyo nainis lang po talaga ako sa isang comment na nabasa 'ko. May iba pa pong buhay si Shaiceee, hindi lang po pagtatype ang ginagawa 'ko. Nagaaral pa po ako kaya medyo busy lang ngayon kaya hirap akong masingit sa oras yung pag-update. Sorry, guys. Madami lang hinahabol ngayon, pag-nagkafree time naman, magu-UD ako. Sana maintindihan niyo. Sorry talaga guys. :( 

//

Nine

Ako


Hindi 'ko maipaliwanag 'yung nakita 'ko sa mata ni Kendice. Parang naghalo na ang kasiyahan at kalungkutan doon kaya naman hindi 'ko na din napigilang magtanong sa kaniya, "Oh, bakit?" Sabi 'ko sabay upo sa tabi niya. 

Mabait naman si Kendice at mukhang mapapakisamahan naman. Kung hindi ako nagbago at ganoon pa din ang ugali ng Chanel noon, sigurado akong magiging close 'ko tong si Kendice. Maliban kasi sa pagiging fashionista niya, nakikita 'ko din ang mataray na side niya. Na kahit mabait na siya at lahat lahat sa akin, nararamdaman 'ko talaga ang pagiging mataray niya. 

"Ayos lang ba kung magkwento ako sayo?" Tanong niya sa akin. Hindi 'ko alam kung sa akin lang ba 'yun pero mukhang may tutulong luha na sa mata niya. Ganun na ba talaga kabigat ang dinadala ng isang 'to? Na kahit ike-kwento niya pa lang naiiyak na siya? 

Umayos ako ng upo sa kama niya at tumango-tango habang nakangiti. "Oo naman 'no!" Natatawang sagot 'ko kahit wala naman talagang nakakatawa. Gusto 'ko lang maging masaya kasi naman, lagi na lang drama. "Eh ano bang meron sa lalaking 'yan?" 

Akala 'ko magsisimula na siyang magkwento nun, pero nagulat na lang ako ng bigla niyang akong tinanong, "Anong gagawin mo kapag yung taong mahal mo, ayaw sayo?" 

Agad kong naalala si Calix sa tanong niya kahit wala namang connect si Calix sa usapan na 'to. Hindi 'ko lang kasi ma-imagine na si Calix, ayaw na sa akin. Yung Calix na kulang na lang ialay ang buong buhay niya sa akin. Tapos, biglang sa isang iglap hindi niya na ako mahal. Masakit 'yun. Kulang pa ang salitang masakit para sabihin ang salita na nararamdaman 'ko tuwing iniisip 'ko 'yun. Malaking sampal sa mukha 'ko 'yun, pero malaki ang posibilidad na mangyayari 'yun kapag dumating na ang araw na nagkita kami. Sa tagal ba naman naming hindi nagkita, imposibleng wala ni isang babae ang nakapagpatibok ulit ng puso ng lalaking 'yun. 

Pinilit kong ngumiti bago sumagot sa tanong sa akin ni Kendice, "Ako mismo ang manliligaw sa kanya." Natawa na lang ako bigla pero 'yun talaga ang una kong naisip. Kung hindi niya na ako mahal, pwes, ako mismo ang gagawa ng paraan para mahalin niya ulit ako. "Ako ang gagawa ng paraan para magustuhan niya ulit ako." Dagdag 'ko pa. 

"Yun na nga eh. Ginawa 'ko na lahat, Bea. Lahat ng maisip 'ko na gawin para magustuhan niya din ako, ginawa 'ko na. Pero bakit ganun? Pakingtape naman kasi eh, ang sakit na pero parang kulang na kulang pa din?" Nakatuon ang pansin ni Kendice sa ribbon ng shirt niya na nilalaro niya ngayon. Kaya naman hindi 'ko matitigan yung mata niya ng maigi. Magtatanong pa sana ako pero nagsalita na agad siya. 

"May gustong-gusto akong tao ngayon. Mahal na mahal 'ko siya at lahat ng way para mapakita 'ko yung nararamdaman 'ko, nagawa 'ko na ata pero pagdating sa kaniya, parang wala lang. Parang lahat ng effort na ginagawa 'ko para sa kaniya, wala lang. Lahat ng pinaghirapan 'ko, wala lang. Kasi ganung-ganun din 'yung turing niya sa akin e. Wala lang." Hinihintay kong tumingin siya sa maya 'ko, pero patuloy lang siya sa paglaro ng ribbon habang nakayuko. "Ang hirap hirap pala kasi ng ganito. Akala 'ko sa mga TV at teleserye lang 'to nangyayari, pero akalain mong yan. Nangyari pa siya sa buhay 'ko!"

"Ang sakit pala ng ganun 'no, Bea? Yung pakiramdam na, para sa akin, siya lang yung mundo. Siya lang ayos na ako pero ang masakit kasi dun, para pala sa kaniya, para lang akong basura na pwede niya lang balewalain at itapon na lang kung kailan niya gusto. Bakit ba ganun? Kapag sa TV naman, nakakatawa. Pero pakingtape, kapag sa buhay mo na pala mismo nangyari, nakakabaliw yung sakit!" Tumatawa pa siya ng una pero nagulat na lang ako nng bigla 'ko na lang nakita na tuloy-tuloy na ang pag-tulo ng luha niya. "May kulang pa ba, Bea? Ano pa bang naiisip mong paraan ang pwede kong gawin para lang sabihin na gusto 'ko siya? Nagustong-gusto 'ko siya? Leche naman kasi yung lalaki na 'yun! Tinalo pa yung bato!" Natatawa niyang sabi habang pinupunasan ang kanyang mata. 

Hindi 'ko alam kung ano ang sasabihin 'ko kay Kendice. Parang bigla akong nawalan ng masasabi sa kaniya. Doon 'ko lang naalala na kahit kailan, hindi naman ako kinausap ng ganito nila Zella noon. Puro lang kami tawanan at biruan pero kahit kailan, hindi pa kami nag-usap ng ganito. Lalo 'ko tuloy namiss yung malditang 'yun. Bumuntong hininga na lang ako at tinapik siya sa balikat, ngayon, tumingin na siya sa mata 'ko. 

Hindi 'ko alam kung paano 'ko ipapaliwanag 'yung lungkot at sakit na nakikita 'ko sa mata niya. Parang ang tagal tagal na niyang dala-dala yung problema niya pero ngayon niya lang nalabas lahat ng sakit, "Alam mo, Kendice.. Kung ako ikaw, wag na wag mong ipapakita na nawawalan ka na ng pag-asa sa kaniya. Wag na wag mong ipaparamdam sa kaniya na nawawalan ka na ng gana. Dapat isipin mo na lahat ng pagsusungit at pagbabalewala niya sayo, challenge lang. Dapat kapag naiinis siya, sagutin mo lang siya at tawanan mo. Wag mong sabayan ng drama! Hayaan mo siya!" Tumawa pa ako at masaya akong nakita kong ngumiti sa akin si Kendice habang tumatango. "Pero wag na wag mong ipakita na nawawalan ka ng gana sa kaniya, okay? Basta, gora ka lang! Malay mo pagbalik mo ng Manila, gusto ka na niyan! Diba?!" Natatawang sagot 'ko. "Basta, ang masasabi 'ko lang sayo, lahat ng bagay pinaghihirapan." 

Nagulat na lang ako ng bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit. "Thank you, Bea. Ang iksi lang ng sinabi mo pero parang nagising tong utak 'ko!" Napatawa na lang ako at niyakap na lang din siya. "Thank you kasi pinakinggan mo tong drama 'ko. Wala kasi akong mapagkwentuhan ng mga ganito. Kapag kasi sinabi 'ko 'to kay Darren sigurado akong tutulugan lang ako nun." Bumitaw na kami sa pagyayakapan pero tawa pa din kami ng tawa. 

"Thank you talaga, Bea." Sabi niya ulit bago pinunasan ulit ang mata niya. "Nakakahiya, sayo pa ako umiyak. Baka sabihin mo napaka-iyakin ko tuloy na bata!" Nung medyo nakalimutan na namin kahit paano ang drama akala 'ko aalis na ako, pero hindi pa din natigil si Kendice sa pangungulit. 

"Ikaw, Bea? Sigurado akong may love life ka! Kung wala ngayon! Kahit  yung noon!" Panloloko niya sa akin. "Kwentuhan mo naman ako! Umiyak na nga ako at lahat lahat sa harap mo tapos ako, hindi mo kkwentuhan?!" Natatawa niyang sabi. 

Ikkwento 'ko ba? Bahala na nga. 

Bumuntong hininga na lang ako bago mag-salita. Bahala na lang talaga. "May lalaki akong minahal." Basag na ang boses 'ko nun. "Pero kasi kahit sa anong anggulo tingnan, ako ang may kasalanan. Ako yung nangiwan. Na kahit hindi 'ko 'yun ginusto, pakiramdam 'ko ang laki pa din ng kasalanan 'ko sa kanila. Na parang napaka-walang kwenta 'ko kasi iniwan 'ko sila ng ganun-ganun lang."

//

PLEASE READ: PUBLISHED NA PO ANG EX KO ANG IDOL NIYO! Wala ng keme, sinabi 'ko na agad kasi baka hindi niyo po basahin. XD Lol. So ayun, published na nga po at pwede niyo na po siyang mabili sa mga Precious pages at tingin 'ko meron na din po sa National. Pero hindi pa po ako sure. Edited po ang book at may mga pinalitan ako at inayos. So ayun! Please grab a copy! 110 lang! Lol. Hahahaha! Thank you guys! <3 hart hart hahaha

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon