Six
Balita
Nag-aayos ako ng pinggan at mga baso nung pumwesto na si Migel at madam sa kani-kanilang pwesto sa kainan. Seryosong-seryoso ang mukha ni Madam pero ang apo niyang si Migel ay nagawa pang kumindat sa akin. Napangiti na lang ako at napailing sa kabaliwan ng lalaking 'to.
Pangalawang araw na niya ngayon at ang sabi niya, bukas ng gabi ang balik niya ng Manila. Kahapon, kahit di 'ko nakausap si Macky, masaya pa din ako. Kung saan-saan kami nag-punta ni Migel tapos kumain kami ng mga street foods tapos nakikanta din kami doon sa maliit na karinderya na nakainan namin.
Nakakatuwa, kasi kahit papaano naramdaman 'ko ulit kung paano maging masaya. Kahit papaano, nakalimutan kong maging malungkot nung oras na 'yun.
Nakatayo kami ni asa gitna sila ng pagkain nang biglang nag-salita si Migel. "La, pwede po ba akong humingi ng favor?"
"Ano 'yun, apo?" Nakangiting tanong ni Madam kay Migel. Halatang malambing si Madam pag-dating sa mga apo niya. Kagabi, kahit anong oras na kami nakauwi ni Migel, nagalit si Madam pero niyakap lang siya ni Migel tapos nag-sorry ayos na sa kaniya.
"La, naalala mo pa ba si Robi Suarez? Yung anak ni Tito Fred?" Tumango-tango si Madam habang patuloy pa din sa pagkain. "I saw him last night, tapos binigyan niya ako ng two tickets para doon sa parang mini-concert ng mga banda doon sa plaza."
"And?" Tanong agad ni Madam kay Migel.
"Pwede kaming manood? 5pm yun, La. Isasama 'ko si Bea para di ako mabored dun. Ipapakilala din ata ni Robi yung girlfriend niya, La eh. Kaya nakakahiya naman po kung hindi ako magpupunta." Nanlaki ang mata 'ko sa sinabi ni Migel kay Madam. Sino si Robi? Sa pagkaka-alala 'ko, wala naman kaming nakausap kahapon na may pangalang Robi. Pero alam ko talagang may Mini-concert. Madaming poster ang nakadikit sa plaza kaya imposibleng hindi mapansin 'yun.
Tumaas na naman ang kilay ni Madam at agad sumulyap sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin. Bwisit talaga tong Migel na 'to, nadidisgrasya lang ako lagi sa mga gusto ng isang 'to eh. "Okay, fine. Mag-ingat kayo, apo. Madaming tao dun mamaya. Delikado dun. Magpahatid na kayo sa driver."
"Maglalakad lang kami, La." Pagrereklamo ni Migel sa lola niya.
"What?!" Malakas na sigaw ni Madam habang kumukunot na naman ang kaniyang noo. "No, Hijo. Magpahatid na kayo! Delikado sa labas, my god! Baka kung ano pa ang mangyari sa inyo."
"Wala 'yun, La! Please, Lola? Masaya kasi mag-lakad! Tsaka, malapit lang din naman yung plaza dito, pwedeng-pwede lakarin!" Mukhang nag-iisip pa si Madam nang biglang tumayo si Migel at niyakap agad at hinalikan sa noo si Madam. "Thank you, Lola! I love you, La! Uuwi agad kami, dont worry!"
Hindi na hinintay ni Migel makasagot pa si Lola, masaya siyang kumanta habang pabalik sa kwarto niya. Tinatawag siya ni Madam pero puro tawa na lang ang sinagot niya. Umiling na lang si Madam at nagpatuloy na lang sa pagkain. Ibang klase ka talaga, Migel.
BINABASA MO ANG
Chasing you
Фанфик[Book 2 of Ex ko ang Idol niyo.] Ano na nga ba ang gagawin nila ngayong wala na si Chanel na walang ginawa kundi ang manggulo ng buhay nila? Makakayanan nga ba nilang mag-simula ulit ng panibagong buhay ngayong wala na si Chanel?