Prologue

3 0 0
                                    

"Tinay nababaliw ka na ba? May alam ka ba sa pagmomodel ha?" Alalang tanong ni Grace.

Nasa SunMagic Agency na kami. Nakita ko kasi sa facebook na naghahanap sila ng mga models at mga future stars chuchu~
Eh sa pagkakaalam ko wala naman akong plano maging artista pero ang alam ko lang ay ito ang agency ni Harvey kaya todo na to yea!
Syempre hindi naman ako ganon ka tangkad para maging isang model at di rin ako magaling umacting kaya wala talaga akong chance na makapasok.
Buti nalang matangkad at may itsura tong si Grace.

"Sino namang may sabi na ako yung mag a-audition?" Sabay bigay ko ng nakakalokong ngiti.

"T-teka? Ako? Uy wala rin akong alam sa pagmomodel! Tinay naman e! Alis na nga ako" sabay talikod niya.

"Grace naman please! Dito kasi ang agency ni Harvey kaya kung matatanggap ka ibig sabihin nasa iisang agency lang kayo. Pumayag ka na please" paghila ko kay Grace sabay pout.

"Di ko parin gets. Kung ako yung mag a-audition, anong tulong ang mabibigay sayo?" Naguguluhan niyang tanong.

"Ako ang magiging assistant mo para makapasok ako dito sa agency, malay mo maging close kayo ni Harvey at magiging close rin kami yiiieeeeeee" tuwang tuwa kong sagot.

"Wow ha akala ko hindi na gumagana yang utak mo. Hay nako Tinay wag kang masyadong mag hallucinate jan at baka umasa ka pa. Baka ma disappoint ka pa kung hindi ako matanggap" salita niya.

"Ano ka ba kung hindi ka matatanggap edi hahanap tayo ng ibang paraan. So payag ka na?" Pagkabit ko sa braso niya.

"Kahit na sabihin ko na ayoko pipilitin mo parin ako hanggang sa mamatay ako kaya oo payag na ako" pagsagot niya.

"Dami mong sinabi oo o hindi lang naman isasagot mo"

*45 minutes later*

Lumabas na si Grace sa audition room at napansin kong matamlay siya.

"Pasensya ka na" pagsasalita niya.

"Ano ka ba okay la--"

"Tanggap ako!!!!" Biglang pagsigaw ni Grace

O____O

"Seryoso? WAAAAAAAAA!" Sabay yakap ko kay Grace.

Ito na ang simula ng mga pangarap ko.......

Para kay IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon