Chapter 6

0 0 0
                                    

WORKSHOP

TINAY's POV:

"Tinay, dito ka muna ah" nakangiting sinabi ni Grace.

Tumango lang ako at kinuha yung cellphone ko. Humiga ako sa sofa dahil ako lang naman ang nakaupo dito.

"Excuse me miss, pwede bang maki upo?" Biglang pagsulpot ng isang lalake.

Agad akong umayos ng upo at tinignan ko yung nagsalita.

O___O uy si Brian Lim pala. Bakit nandito siya?

"Nakakastarstruck ba?" Sabay pa cute niya.

Loko loko -__-

"Di masyado" tapos ibinalik ko agad ang atensyon ko sa cellphone ko.

Ang gwapo rin pala talaga ni Brian Lim. Ngayon ko lang napansin hehe. Eh kaaway kasi siya ni Harvey kaya ayoko rin sakanya pero aaminin ko na gwapo rin pala siya lalo na sa malapitan. Kaso mahangin lang -__- nakakastarstruck daw

"Ano name mo? Nagwoworkshop ka rin dito?" Pagtatanong niya.

"Kristina, tinay for short. At hindi ako nagwoworkshop dito, sinasamahan ko lang yung friend ko" pagsagot ko.

"Ganun ba. Eh bakit di ka nalang rin mag workshop? Pwede kang artista dahil ang cute mo" sabay ngiti niya.

Juice ko po! Nakakaloka yung ngiti niya!!!
Ay hindi hindi! Loyal ako kay Harvey. Tama. Si Harvey lungszx xapat nuh

"S-salamat pero hindi kasi ako interesado maging artista" sabay tingin ko ulit sa cellphone ko.

"Gusto mo selfie tayo?" Biglang pagtanong niya sabay lapit sakin.

"H-ha? Ah hindi na. P-pupuntahan ko lang muna yung kaibigan ko baka hinahanap na niya ako" agad akong tumayo at kinuha yung mga gamit ko.

"Tinay wait!" Bigla niya akong niyakap mula sa likuran at lalabas na ata yung eyeballs ko sa gulat ko.

"S-sir B-brian, anong ginagawa niyo?" utal utal kong tanong.

"Araw mo ata ngayon" pagbulong niya.

Anuraw?
O_____________O
Yikes! UWAAAAAAA!

"Ayun yung cr, lakad tayo papunta dun" sabay turo niya sa girls' cr habang nakayakap pa rin sakin.

"Bakit nakayap ka sakin?" Naguguluhan kong tanong.

"Andami kayang tao rito, gusto mo bang pagtawanan ka nila? Kaya wag ka ng maraming tanong at sundin mo nalang yung sinabi ko" pagbulong niya ulit.

Pinagtitinginan kami ng mga tao at halatang naguguluhan sila, yung iba naman nagulat.

Nang makarating kami sa girls' cr ay agad namang bumitaw sa pagyakap si Brian at pumasok agad ako ng cr.

Sht. Wala pala akong dalang napkin >___<
Anong gagawin ko????? UWAAAAAAAAAA
PAKAKAPALIN KO MUNA TONG MUKHA KO KASI SIYA NALANG PAG ASA KO.

Binuksan ko ng maliit yung pinto at nakita ko naman siya na nakatayo sa labas.

"Uhmmm sir Brian, alam ko po na sobrang kapal ng mukha ko para gawin to pero pa favor naman oh" pagsasalita ko.

"Oh ano yun?"

"Wala kasi akong dalang napkin, pwede mo ba akong bilhan? Eto pambayad" sabay abot ko sakanya ng bente pesos.

"Wag na. Antayin mo ako jan" di niya kinuha yung bente pesos at naglakad na siya paalis.

Naku nakakahiya talagaaaaaa >_<

Nakaupo lang ako habang inaantay si Brian. Artista pa talaga ang nakawitness nun UWAAAAA

*toktoktok*

Agad kong binuksan ng maliit yung pinto at inabot niya sakin ang isang pack ng napkin.

Agad ko itong kinuha at nagbihis ako.
Isang pack talaga yung binili niya? Isang piraso lang naman kailangan ko kasi may mga napkin naman ako sa bahay.
Sht. Wala akong dalang extra shorts paano na to!!!!

Bahala na nga. Tatakpan ko nalang palagi gamit yung kamay ko.

Lumabas na ako ng cr at tinatakpan ko yung pwet ko gamit ang kamay ko.

"Wala ka bang dala na extra?" Pagtatanong niya.

"Uhm wala e. Hindi ko kasi inexpect na mangyayari to" nahihiya kong sagot.

Bigla niyang hinubad yung jacket niya tas itinali niya ito sa bewang ko.

"Uy wag na, di na kailangan. Nakakahiya naman sayo" pag angal ko.

"Wag ka nang umangal. Balik mo nalang sakin yan pag nagkita tayo ulit" sabay ngiti niya.

Juice ko. Ambait niya pala. Hate ko lang naman siya dati kasi karibal niya si Harvey sa showbiz. Naguguilty tuloy ako kasi isa ako sa mga nagcocomment ng masama sa mga videos tsaka pictures niya.

"Paano kung hindi na tayo magkikita ulit?" Pagtatanong ko.

"Alam kong magkikita ulit tayo kaya itago mo yan habang hindi ma nagkukrus ulit yung mga landas natin. Tsaka oag nagkita tayo ulit dalat bumawi ka sakin ah" nakangiti parin siya.

"Oo naman! Babawi talaga ako sayo sir! Salamat ulit ah, nakakahiya talaga" sabay kamot ko ulo ko.

"Wala yun. Tinay, kailangan ko na palang umalis dahil hinahanap na ako ng coach ko. Last day of workshop ko pa naman ngayon kaya dapat on time ako" pagsasalita niya.

"Ah ganon ba? Pasensya ka na talaga at naabala pa kita sir"

"Hahaha ok lang yun! Tsaka wag mo nga akong tawaging sir, Brian itawag mo sakin. Oh sige mauna na ako ah? It was nice meeting you Tinay, see you soon" sabay tapik niya sa braso ko.

Tinignan ko siya habang naglalakad palayo. Pasensya ka na Brian kung binash kita noon. Hindi mo deserve yun dahil napakabuti mo palang tao.

"Tinay! San ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap" bigkang pagsulpot ni Grace.

"Nag cr lang ako. Ano? Kamusta? Magaling ka na bang umarte?" Pagtatanong ko.

"Ano ka ba, first day ko pa lang okay?" Sabay hampas niya ng mahina sakin.

"Hahaha binibiro lang kita. May kwento ako..."

Kwinento ko sakanya ang mga nangyari at ewan ko sakanya pero kinikilig daw siya samin -__-
Tong gaga na to. Dapat samin ni Harvey sya kiligin.

Para kay IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon