Chapter 7

1 0 0
                                    

PAGPAPAKILALA

TINAY'S POV:

ilang linggo na nagwoworkshop si Grace at medyo marunong na nga siyang umarte.
Hindi ko na rin nakita ulit si Brian sa workshop na yun kaya itinago ko muna ang jacket niya.

"Tinay kinakabahan ako. Paano kung ayaw ng mga tao sakin? Paano kung puro haters lang ang meron ako?" Kinakabahan si Grace.

Ngayon kasi siya ipapakilala ni Manager Kai sa mga tao sa isang press conference.
Mababaliw na ata si Grace sa kaba, nakakatawa yung itsura niya.

"Wag ka ngang nega. Tiwala lang Grace, magiging okay ang lahat, magugustuhan ka nila okay?" Sabay hawak ko sa braso niya.

"Basta dapat makita kita ah. Wag kang lumayo, dapat makita kita para di ako kabahan" sabay turo niya sakin.

"Ha? Bakit ako? Ayoko huy" pag ayaw ko.

"Uy alalahanin mo na ikaw ang dahilan kung bakit ako napasok dito" seryoso niyang sinabi.

"Excuse me Grace Marie Engracia, ipinasok kita sa modelling, ikaw yung nagpasok sa sarili mo sa artistang sitwasyon na to kaya wag mo akong sisihin" taas kilay kong sinabi sakanya.

"Ah basta dapat andun ka" sabay pout niya.

"Sige na nga"

Lumabas na sila at rinig na rinig ang hiyawan ng mga tao.
Lumabas na rin ako at nakisiksikan sa mga faney.

Pinakilala na ni Manager Kai si Grace at nahihiyawan naanman ang lahat. Ang iba naman ay umiyak. Oo nafefeel ko kayo, gusto ko rin umiyak.
Inakbayan ni Harvey si Grace at ang laki ng ngiti niya. Ayoko mang aminin pero bagay sila. Gwapo siya, maganda si Grace.
Hindi ko napansin ang luha na lumabas sa mata ko pero agad ko namang pinunasan.

Unahan yung mga interviewer sa pagtatanong kina Harvey at Grace.
At isa isa naman nilang sinagot.

"Saan kayo nagkakilala?" Interviewer 1

"Sa isang photoshoot. And we immediately had chemistry" sagot ni Harvey

"So kailan ba namin kayo makikita sa television or big screen?" Interviewer 2

"Malapit na, actually magtataping na kami for a movie a week from now" sagot nanaman ni Harvey.

"Grace, naninibago ka ba sa buhay showbiz?" Interviewer 3

"Oo naman. Pero masasanay rin ako" nakangiting sagot ni Grace.

"So how is Harvey as a loveteam? Is he sweet? Is he a gentleman? Can you describe him in one word?" Interviewr 4

Patay. Di pa naman nakaka intindi ng english yung gaga.bakit ba kasi nageenglish oa yang interviewer na yan! Nakaka nosebleed. Ayusin mo yung sagot mo Grace kundi mapapahiya ka talaga sa harap ng maraming tao >__<

"Ah.....mmmm next time" pagsagot niya

>______< gusto ko nang mag walkout dito.

natahimik ang lahat at nagsimulang magtawanan ang mga tao.

"Should I repeat my question miss? Maybe you didn't get that" pagsasalita ulit nung interviewer na englishera.

"Pwedeng itagalog? Eh hindi ko kasi maintinidihan" nahihiyang sinabi ni Grace.

Nagsimulang magbulungan ang mga tao at agad namang hinila ni manager Kai sina Grace at Harvey papunta sa backstage.

"Pressxon is over, thank you all for coming!" Pahabol na sinabi ni managaer kai.

Madali kong sinundan sila sa backstage at naabutan kong sumisigaw si manager Kai.

"Napaka simple lang nung tanong di mo maintindihan?!" Galit niyang tanong kay grace.

"Mahina po talaga kasi ako sa english" nakayukong sagot ni Grace.

Kawawa naman si Grace. Kasalanan ba niya na mahina yung utak namin sa english..... at halos sa lahat ng bagay?

"Ano ba naman yan! Di ka ba nagaaral ha?!" Manager Kai

"Humito po kasi ako. Hanggang grade 3 lang po ako" pagsagot ni Grace.

"Ano ba naman yan nakakahiya! Bukas na bukas ieenroll kita sa pinapasukan ni Harvey. Dapat matuto ka mag english kasi kung hindi, pagtatawanan ka talaga ng mga tao" iritang sinabi ni manager Kai.

Kinuha niya ang bag niya at umalis.

"Ok ka lang?" Pagtatanong ko.

"Nakakahiya" matamlay niyang sagot.

"Eh gagawa naman ng paraan si manager kai kaya wag ka nang mag alala. Wag mo na isipin yung nangyari kanina" sabay yakap ko sakanya.

"Eh sino namang makakasama ko sa school? Wala akong kakilala dun........eh kung mag enroll ka rin?" Pagtanong niya.

"Alam mo naman na ayoko diba. Kaya mo na yan"

"Tinayyyyy please!!! Sige ka, hindi ko ipagpapatuloy to kung hindi mo ako sasamahan" sabay talikod niya sakin.

"Edi wag" pagmamatigas ko

"Hindi mo na makikita si Harvey sige" pagsasalita niya.

O_________O

"Oo na sige na sasamahan na kita! Kakabwiset!" Irita kong sinabi.

Eeeeeeh di ko kasi matiis basta si Harvey na pinaguusapan.

Kahit ayoko ay tinext ko yung mama ko na ipa enroll ako sa Tanford International School. Mga artista at mayayaman lang ang nagaaral dito. Kapag wala ka sa choices edi hindi ka makakapasok dun. Hindi naman sa pagmamayabang pero masasabi ko rin na may kaya talaga kami kasi doktor yung papa ko at known chef naman yung mama ko.
Syempre nagulat yung mama ko at magpapadinner pa nga siya sa saya. Matagal na kasi nila akong pinipilit na bumalik sa pagaaral pero umaayaw talaga ako.

"Excited na ako tinay!" Masayang sinabi ni Grace sabay talon na parang bata.

"Pwes ako hindi!"

"Uy ano ka ba! Hindi mo ba naisip na sa iisang school kayo ni Harvey? Mas madalas mo na siyang makakasama at makikita" sabay akbay niya sakin.

Oo nga noh. Bat di ko naisip yun?

"Sige na nga excited na rin ako"

Sabay kaming umuwi sa bahay, hindi yung apartment namin kumdi yung bahay ng magulang ko.

"Welcome home my baby girl!" Sabay yakap ni papa sakin.

"Araykopo pa hindi ako makahinga" pagsasalita ko.

"Hello po tito!" Pagbati naman ni Grace.

"Good evening to you Grace! Hali na kayo para makakain na tayo tsaka may surprise kami para sa inyo" nakangiting sinabi ni papa.

Na miss ko rin tong matanda na to. Kahit na lagi ko siyang sinusuway ay hindi niya parin ako tinatakwil XD

Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan tungkol sa kung anu ano.
Maya maya ay natapos na rin namin ang pagkain at pianpunta nila kami dati kong kwarto.

"Ano tong mga to?" Naguguluhan kong tanong.

"Mga requirements ninyo. Tsaka pinalinis namin yung kwarto mo tsaka yung guset room. Siguro mas makakabuti kung dito nalang kayo tumira para mas maasikaso namin kayo." Pagsasalita ni mama.

"Naku tita nakakahiya po" nahihiyang sinabi ni Grace.

"Oo nga po ma, wag na. Okay naman kami dun sa apartment" pagtanggi ko.

"Anak naman, wag ka nang mag rebelde please. Stay here" sabay hawak niya sa kamay ko.

UGGGHHHHH >___<

"Sige"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para kay IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon