Chapter 2

1 0 0
                                    

MASAYA TO MALUNGKOT REAL QUICK

"Grabe di parin ako makamove on! Nangyari ba talaga yun? Nananaginip ba ako?" Sabay tingin ko sa langit.

"Oh ayan" pagkirot ni Grace sa tagiliran ko.

"Arayko! Bakit mo ako kinirot?" Pagtatanong ko.

"Para malaman mo na gising ka talaga at hindi ka nananaginip" pagsagot naman ni Grace.

Papasok na sana kami ng apartment nang mapansin namin na nakabukas ang pinto at may narinig kaming ingay sa loob.

"Tinay, may nakapasok" sabay tago ni Grace sa likiran ko.

"Ikaw na mauna pumasok" pagtulak ko sakanya.

"Ayoko Tinay. Sabay nalang tayo" pagmamakaawa niya.

Sumabay kaming pumasok at nagulat ako nang makita ko si mama sa loob na nakaupo sa sofa.

"San ka ba nanggaling?" Inis niyang tanong.

"Sa mallshow po ma. Mano po" pagsagot ko.

Aabutin ko sana ang kamay niya para magmano kaso inilayo niya ito saakin at tumayo siya mula sa pagkaupo.

"Puro ka mallshow mallshow. Bakit may nakukuha ka bang pera mula jan ha?!" Galit niyang tanong.

"H-hindi po" pagyuko ko.

"Yun naman pala, so why bother going to those mallshows? Akala mo ba may pakialam sila sayo? Wala! Tas pinapayaman mo pa sila ga,it ang pera na binibigay namin sayo na dapat pangtuition mo! Bobo ka talaga kahit kailan! Walang utak!" Pagsigaw ni mama.

"Useless lang naman na pumasok pa ako. Bagsak ako ng bagsak, retain ng retain, hindi para sakin ang pagaaral kasi bobo ako, sabi niyo nga diba? Wala akong utak. Tsaka masaya ako sa buhay ko ma, masaya ako na makita ang idol ko, masaya ako na pinapasaya at pinapayaman ko sila kasi kahit sandali feeling ko may nagawa sa buhay ko na nagpasaya sakin. Tsaka hindi ko nararamdaman na bobo ako kapag pumupunta sa mallshows, events, concert, meet and greet at kung ano pa. Hindi ako sinasabihan ng bobo ng mga tao doon. Pabayaan mo na ako sa gusto kong gawin ma please" pagsasalita ko.

"Wow ang lakas ng loob mong sabihin yan sakin. Baka nakakalimutan mo na kung hindi ka namin binibigyan ng allowance ng papa mo baka namamasura ka na ngayon!" Galit niyang sigaw.

Sasayangin ko lang ang pera nila kapag gagamitin ko lang ito sa pagaaral. Totoo na bobo ako pero atleast alam ko kung anong gusto ko sa buhay. Gusto ko lang maging fangirl, gusto kong maging malaya, gusto kong maging masaya.

"We can seek help naman anak. Ipapadala ka namin sa ibang bansa para ma tutor ka ng maayos doon" pagsasalita ni mama.

"Ma, hindi ko na nga kailangan mag aral. Hindi nga ako magaling magsalita ng ingles tas ipapadala mo pa ako sa ibang bansa? Ayoko ma please pabayaan mo nalang ako sa kaligayahan ko" pagmamakaawa ko.

Kitang kita ang dismaya sa mukha ni mama pero ayoko talaga. Ayokong pilitin ang sarili ko sa isang bagay na alam kong hindi ko naman kaya. Ibubully nanaman ako dahil bobo ako, hindi marunong mag ingles, mahina sa math at kung anu ano pa. Ayoko na. Ayoko ayoko ayoko.

Hindi na umimik si mama. Kinuha niya ang bag niya at agad umalis. Ilang beses na niya akong pinilit bumalik sa pagaaral pero hindi talaga ako handa at hindi ko kaya.

"Bakit mo tinanggihan ang tulong mama mo?" Pagtatanong ni Grace.

"Alam mo naman na hindi para sa akin ang pagaaral. Ibubully lang ulit ako dun" pagsagot ko sabay upo sa upuan.

"Naiinitindihan kita kasi mahina rin ang pagiisip ko pero alam mo, kung may ganon na tulong na dumating sa buhay ko, tatanggapin ko dahil gusto kong matulungan nila ako at gusto kong naging matalino. Ang hirap kasi kapag wala kang pinag aralan at wala kang alam, jinujudge ka agad ng mga tao. Hindi nga tayo makahanap ng trabaho kasi hindi pa tayo nakapagtapos. Pag isipan mo yung offer ng mama mo" pagsasalita niya.

Kahit alam kong tama siya, ayoko paring isugal ang konting dignidad na meron nalang ako. Baka isang araw tatanggapon ko ang tulong ni mama, kung handa na ako. Pero sa ngayon, sigurado ako na ayaw ko pang pumasok.

Bakit ba kasi ang bobo ko?
Matatalino naman yung mga magulang ko tas ako lang yung hindi. Yung totoo? Ampon ba ako? -_-

Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya binuksan ko ang ref at nakita ko na walang laman ito.

"Grace, wala nang laman yung ref natin" pagsasalita ko.

"Maghanap ka ng pagkain sa ref" sagot niya naman.

-_______- sabing wala ngang laman

"Yung utak mo parang ref natin, walang laman. WALA NGANG PAGKAIN SA REF DIBA? TAS PAHAHANAPIN MO AKO NG PAGKAIN SA REF?" Sarcastic kong sinabi sakanya.

"Grabe ka naman. Pasensya na ah, nakalimutan ko valedictorian ka pala" sarcastic niyang sagot.

"Mag grocery nalang tayo mamaya" pagsasalita niya.

Atleast may kadamay ako sa pagiging bobo diba?

"Bakit kaya walang laman yung utak natin noh?" Pagtatanong ko sabay tingin kisame.

"Sabi kasi ng Diyos baka unfair na kapag biniyayaan pa niya ako ng talino. Nasakin na ang kagandahan, ang kabutihan ng puso at tsaka yung height kaya sobrang unfair naman kung iperfect niya ako diba?" Pagmamayabang niya.

"Ang ganda ng joke mo, kasing ganda ko. Tayo na nga gutom na gutom na ako" pagtayo ko at umalis na kami para makapag grocery.

Para kay IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon