Hinatak ko siya sa isang tabi ng kaming dalawa lang.
Napatulala na lang ako sa ginawa ko sa pagkamadali ko.
Pinapakiramdaman ko ang bawat paghinga at
bilis ng tibok ng puso ko habang nasa harapan niya.
Hindi ko inaasahan na mangyayari ito balang araw at
nandito na siya sa harapan ko.
Parang tumigil ang oras at hindi parin ako makapaniwala,
nang biglang hinawakan niya ang nanginginig kong kamay
ng mahigpit na humahawak sa toga na suot ko,
medyo magaspang yung kamay niya at
parang mahuhulog yung brief ko nung paghawak niya saken at
lalong nababaon yung kaluluwa ng pagkababae sa katauhan ko.
Tinatanong niya kung okay lang ba ako tapos
biglang bumalik sa katotohanan yung utak ko kaya
napahigpit ang kapit ng kamay ko sa kamay niya kaya
ang nasabi ko na lang ng pamadali at
walang pagaalinlangan,
"Paul, kasi ..."
BINABASA MO ANG
KASALUNGAT (A LGBTQ+ STORY)
RomanceIto ay isang story na umiikot sa isang lalake na itinatago ang kanyang tunay na pagkatao dahil alam niya na walang tatanggap sa kanya once na inilabas na niya ang kanyang tunay na kulay. Pero hindi papahuli ang pagmamahal sa kanyang buhay, at ito an...