Hindi ko na namalayan na tumayo na pala ako sa
kinauupuan ko at tumakbo para iligtas si Paul,
daig ko pa kabayo sa karera at para bang lumilipad na ako,
nag-evolve from kabayo to unicorn ang lola niyo para lang maligtas ang aking one and only!
Talaga naman na inaawat ko yung mga haliparot mahiwalay lang sa kanila si Paul,
pinaghahampas, pinagkakalmot, at pinaghihila rin nila ang damit ko hanggang
sa mahawakan ko ang kamay ni Paul at hinatak ko siya mula sa gitna ng naglalaglab na
paglalandi ng mga lukaret.
Kahit nasa kalagitnaan kaming dalawa ng gera laban sa mga malalandi,
nung unang pagka-haplos ko sa kamay ni Paul, para bang mangingisay
ako sa kilig at piling ko nagkatagpo ang aming mga mapupungay na mata at
magkakadikit ang aming mga labi na para bang gustong magkadikit mula sa mundong
ibaba patungong langit!
Inudlot ni Nico ang moment namen nung pumito siya gamit ang kanyang
magic emergency pito na nakuha niya sa Risk Reduction tesis nung naging respondent siya.
Pumito pa talaga sa tenga ko!
Pagkatapos ay pinalayas niya ang mga haliparot at wala silang nagawa kasi
kahit na papaano peymus rin naman si Nico at maraming kilala sa Student Committee.
Agad-agad kong inalalayan si Paul dahil halos gutay gutay na siya nung nailabas
namin siya ng buhay sa gera.
Nag thank you si Paul gamit ang kanyang napakabanayad na boses at
syempre ang haba ng hair ng lola niyo pagkatapos ay niyaya niya ako na
sumama sa kanila minsan para mag chill chill lang
OH MAY GHAD MGA INENG!
BINABASA MO ANG
KASALUNGAT (A LGBTQ+ STORY)
RomanceIto ay isang story na umiikot sa isang lalake na itinatago ang kanyang tunay na pagkatao dahil alam niya na walang tatanggap sa kanya once na inilabas na niya ang kanyang tunay na kulay. Pero hindi papahuli ang pagmamahal sa kanyang buhay, at ito an...