Chapter 5 - ROSAS

658 4 0
                                    


"Ano ba Cris?!", pagalit na sigaw saaken ni Nico. 


"Kaya mo ba ako niyaya dito para mangchix?! 

Para makaranas ng sarap na panglalake? 

Ano ba talaga pinunta naten dito ha? Si Paul? Oh tapos?", tuloy niya. 


Tinaasan ko narin ang boses ko kasi nauna naman siya, 

"Oo si Paul ipinunta ko dito, naten dito! 

Kasi syempre gusto niya magthank you diba?"


"In a form of this kind of entertainment ang thank you?! ", banat niya saken. 


"Malay ko ba? Di ko naman alam eh", sagot ng lola mo. 


"Ah so ganun, idadamay mo pa ako.. 

Paano kung mas malalang lugar pupuntahan, 

pupunta ka pa ba para sa thank you na yan?!", 

ang sigaw niya sa tenga ko na nakakarindi.


Para bang sinampal ako ng katotohanan na hindi naman talaga si 

Paul ang Knight in shining armor ko at hindi ako princess sa isang 

fairytale ko na hindi naman talaga totoo at nagpapakabulag lang ako. 


Hindi na kinaya ng mata ko na simulang lumuha at 

galit na galit kong kinuha ang rosas sa loob ng magazine na dala-dala ko. 


"Alam mo kung bakit ba talaga tayo pumunta dito?!", 

sabi ko sa kanya habang naghahabol ng hininga. 


"ITO!", sigaw ko sa kanya habang hawak-hawak ang 

naka-laminate na lantang rosas na may picture ni Paul.


"Dahil diyan?", parang humina ang boses ni Nico at 

natauhan sa mga nangyari pero hindi ko na masyadong

 pinansin yon kasi binging bingi na ako sa mga nailalabas kong emosyon. 


Agad-agad akong tumakbo palayo sa parking lot at pumara ng jeep. 

Nakita ko si Nico na parang natinigilan ng oras sa gitna ng parking lot at nakatayo lang doon.


Ilang buwan kaming hindi nagpansinan ni Nico mula noon.

KASALUNGAT (A LGBTQ+ STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon