Tinawagan ako ni Paul kinabukasan ng
gabi para magchill chill na inday!
Kaya sabik kong kinuha ang pink rose na
lanta-lanta na naka-laminate.
Mayroong nakalagay na picture ni Paul sa
bandang gilid, at inipit ko sa pagitan ng Magazine na
meron ako at inilagay agad sa bag ko.
Inaamoy-amoy ko parin yon kahit na lanta-lanta na tapos
naka-laminate pa, oh diba lupet.
Iniisip ko na ibigay muli kay Paul yun at
ipapa-alala ko sa kanya na siya nagbigay nun pagtapos
ay aaminin ko na talaga sis.
So, ayun na nga niyaya niya ako na magchill chill lang.
Buti na lang sinama ko si Nico.
Akala ko kaming dalawa lang tapos isang romantic date, at
akala ko magiging third wheel si Nico pero HINDE,
hanggang sa maling AKALA lang pala!
Yung chill pala na alam nila ay yung pupunta sa bar tapos
maraming chix na kung saan saan na naglipana!
Pareho kami na naaalibadbaran ni Nico dahil ito yung mga bagay na
hindi namin parehong gusto at ang dahilan kung bakit kami magkaibigan.
Take note, hindi green ang dugo ni Nico.
Hinahatak na ako ni Nico paalis kasi hindi na niya kaya ang mga
nakikita niya pero ayaw ko pa umalis kasi hindi pa namin nakikita si Paul na
pinangakuan ko na pupunta ako.
Mula sa malayo, akala ko nabubulag na ako,
si Paul mula sa liwanag!
Liwanag ng ilaw mula sa lights ng bar.
Parang anghel sa lupa ang kanyang napakajuicylicious na body at
pagmumukha na parang typical badboy, rawr naman talaga mga mamshie.
Habang naglalaway ako sa slowmo na paglalakad ni Paul papunta saken,
bigla akong hinatak ni Nico palabas, papunta sa parking lot.
BINABASA MO ANG
KASALUNGAT (A LGBTQ+ STORY)
RomantikIto ay isang story na umiikot sa isang lalake na itinatago ang kanyang tunay na pagkatao dahil alam niya na walang tatanggap sa kanya once na inilabas na niya ang kanyang tunay na kulay. Pero hindi papahuli ang pagmamahal sa kanyang buhay, at ito an...