"Huy!", sigaw ni Nico sa tenga ko.
"Ano? Nababakla ka na kay Paul? Kanina ka pa titig ng titig ah",
pahina naman niyang bulong saken.
Nagring na ang school bell pero nakatitig parin ako sa varsity player ng buhay ko,
nakathree points nga naman talaga ang face ng koya mo, nakakagigil naman talaga.
"Naiinggit lang ako kay Paul eh, varsity player tapos ang talino pa ...
panigurado maraming chix naghahabol dyan", muntik na ako masuka sa sinabi ko,
juicecolored!
Kaya inaya ko na lang si Nico na pumunta sa court para naman Makita ko ang
love of my life na si Paul pero syempre sinabi ko na pupunta kami para
maka-iskor naman ako ng mga moves sa basketball para makabingwit ng chix.
Kapag walang nagbabantay sa court at mga players lang ang naglalaro.
Naalibadbaran ako sa mga cheerleaders ni Paul tuwing practice nila,
merong humuhugot ng sigaw para i-cheer siya, akalain mo yun
practice pa lang kabugera na ang mga malalandi.
Hanggang sa medyo napalapit si Paul sa mga umaarangkadang
malalanding babae, nahatak siya ng buong lakas nung isa sa mga
malalandi habang nagpapractice!
Walang habas na pinaghahatak nila ang damit ni Paul at sigaw ng sigaw!
Di maawat ng mga teammates niya kasi mga babae yung mga haliparot,
pero nakikita ko na naiinis na yung mga ka-teammates niya at
ganun din si Paul.
BINABASA MO ANG
KASALUNGAT (A LGBTQ+ STORY)
RomanceIto ay isang story na umiikot sa isang lalake na itinatago ang kanyang tunay na pagkatao dahil alam niya na walang tatanggap sa kanya once na inilabas na niya ang kanyang tunay na kulay. Pero hindi papahuli ang pagmamahal sa kanyang buhay, at ito an...