CHAPTER 6 - GRADUATION

783 11 4
                                    


Graduation namin today at isang special day na 

nakatakda na sabihin ko kay Paul ang nararamdaman ko. 

Kahit na nawalan ako ng tiyaga na mahalin siya dahil sa

 makarubdub-damdaming speech ni Nico. 


Oh well, maganda parin naman ang lola niyo at hinding hindi papatalo. 

Ang kaso nga lang, after graduation pupunta ng diretso ng 

airport ng bonggang bongga si Paul para magtrabaho at 

manirahan na sa ibang bansa huhu. 


Kailangan ko talagang sabihin sa kanya para mawala lahat ng dinadala ko.


Sa labas ng campus. 


Pagkatapos na pagkatapos ng graduation ay nakita ko si Nico na 

naghahabol at parang papunta saaken pero, 

nakita ko si Paul na pasakay na ng kotse. 


Tumakbo nanaman ang kabayo na ito para habulin si Paul na 

nakasakay na ng kotse at nagstart na yung engine! 


Binaga ko yung kotse gamit ang katawan ko kahit masakit 

para tumigil sila at bumaba siya. 


Habang patayo ako, nakita ko si Nico na nangangalit ang 

mukha na parang toro at mabilis na tumatakbo sa pagitan 

ng maraming tao, at parang alam ang gagawin ko.


Kaya bigla kong hinatak si Paul. 

Napatulala na lang ako sa ginawa ko sa pagkamadali ko. 

Parang tumigil ang oras at hindi parin ako makapaniwala, 

nang biglang hinawakan niya ang nanginginig kong kamay na 

mahigpit na humahawak sa toga na suot ko. 


Tinatanong niya kung okay lang ba ako tapos biglang bumalik sa 

katotohanan yung utak ko kaya napahigpit ang kapit ng kamay ko 

sa kamay niya kaya ang nasabi ko na lang ng pamadali at 

walang pagaalinlangan,"Paul, kasi.."




Mahal kita.

KASALUNGAT (A LGBTQ+ STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon