Day 16: Day I Gain An Unexpected Ally

10 0 0
                                    

Luke's POV

I touch her face then trace her eyebrows, the bridge of her nose then lastly I touch her lips.

Parehas kaming nakatulog dito sa sala, hindi kasi namin mafinalize kung anong gagawin para dun sa pageant hanggang sa dinalaw na kami nang antok at parehas kaming nakatulog dito.

"Tsk bat sa sala kayo natulog? Pwede mo naman siyang dalhin sa kwarto mo" Peter

Sinamaan ko nang tingin si Peter. Araw-araw siyang umuuwi at nakikitulog dito sa bahay ko at parang wala talaga siyang balak umuwi sa bahay nila.

Nagpeace sign na lang siya at lumabas na nang pintuan, mukhang nagmamadali siya kaya napatingin ako sa orasan, 6:40 am na kaya siguradong hindi na kami makakapasok ni Raze.

"Luke?" Raze

Bumalik ang tingin ko kay Raze, gising na siya pero mukhang inaantok pa rin siya.

Humikab siya at saka kinusot ang mga mata niya.

"You look sleepy, matulog ka muna ulit, magluluto na ko nang breakfast" Ako

Nginitian niya ko pero pagkatapos nang ilang segundo biglang nanlaki ang mata niya at napatingin siya sa orasan.

Napatayo siya sabay hablot sa bag niya.

"Umabsent na lang tayo ngayon, hindi naman na tayo aabot, manood ka na lang muna nang tv o kaya matulog ka, ako na bahala magluto nang breakfast" Ako

Hinila ko siya pabalik sa couch tapos ako ang tumayo.

I smiled at her then gave her the remote control for the TV.

"Just wait there" Ako

Tinalikuran ko na siya then I proceed to the kitchen.

Nagluto ako nang bowl nang sopas tapos nilapag ko dun sa dining table.

"Love! Kain na tayo!" Ako

Sa totoo lang hindi ako sigurado kung ano ba yung nararamdaman ko? I can't consider it love so maybe I just really like her pero sigurado ako sa isang bagay, masaya ko pag kasama ko si Raze kaya hindi ako papayag na basta-basta na lang niya ko iiwan.

Pumunta na ko sa sala dahil ang tagal ni Raze, nakita ko siyang nakatagilid at nakahiga sa couch at tulog na naman.

"Gumising ka na, kain na tayo" Ako

Tinapik-tapik ko yung pisngi niya hanggang sa magising siya.

Tumayo siya sa couch at naglakad papuntang dining table kahit na obvious na tinatamad siyang kumilos.

"Uuwi na ko pagkatapos kumain baka nagaalala na sakin si lola Ellen" Raze

I nod kahit na ayaw ko pa talaga siyang pauwian, sigurado ako na pag hinayaan ko siyang umuwi, mahihirapan na kong makausap siya ulit.

Nung sinabi niya sakin sa seashore na gusto niya rin ako, I believe her kasi naramdaman ko na totoo talaga yun. She likes me and I have no idea why she keeps on pushing me away.

"Paano pala yung sa pageant? Kailangan na nating magdecide kung anong gagawin dun" Ako

She bit her lip as if she's thinking then she gave me an evil smirk.

I tried not to burst out laughing and fortunately I did manage to stop myself from laughing. May panis na laway pa kasi siya tapos bibigyan niya ko nang evil smirk, nabawasan tuloy yung pagkaevil nung smirk niya.

"We can do some searching separately then magchat na lang tayo sa facebook para mafinalize yung gagawin" Raze

I nod and give her a smile.

Forty Six Days To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon