Dos: Nawawalang Pahina

4.5K 53 9
                                    

I am Shakespeare when it comes in writing romantic poems but I'll never be like Frederick Douglass because I blabber and...

Wait lang! Ba't ang daldal ko? Hindi ko mabuka ang aking bibig sa kahihiyan at isama mo na rin ang namuong talaba sa aking lalamunan.

"Baby? Beee... Bes! Siguro matalino ka?"
"Bakit?", patanong na sagot niya.
"Kasi alam na alam mong walang naka-upo sa tabi ko."

Biglang pumasok ang aming guro. Unang asignatura pa lamang ay parang parusa na kaagad para sa akin. Pambihira!

"Good morning class! I'm Mr. Del Mundo and I will be your General Psychology teacher."

Pinilit kong umilag pero natatamaan pa rin ako. Napakabagsik ng kanyang mga laway. Mabuti na lang at medyo nasa gitna ako nakapwesto. Di tulad sa nasa harapan. Sabon at shampoo, pwede na silang maligo. Ano ba ang gusto na taong ito?

"Pigilan n'yo ako! Tatanggalan ko 'to ng salivary gland," bulong ko sa sarili.

Hindi naman masama ang magkaroon ng laway. Pwede din naman itong magamit sa paghati ng papel o 'di kaya'y sa pagamit nito kapag gusto mo nang ilipat ang pahina ng libro. Ok lang naman talaga ang laway. Yung problema lang dito ay balak mo pang araw-arawing pagtripan mong ibahagi sa iba ang napagpanisan mong laway.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Mabuti na lang at katabi ko si 'the lady in white'. Tawagin n'yo na akong manyakis pero nahuhumaling talaga ako sa mapupungay n'yang mga mata at makurbadang katawan. Hmmmm, yummy!

"Mag-aral ka nga ng mabuti", samo ng sarili.

Hiyang-hiya nga ako sa aking sarili. Wow! Ang galing-galing naman. Manyakis na, sinungaling pa! Yung totoo? Nag-aaral ka lang, kunin mo 'yong mabuti. Walang kabutihan sa katawan mo. Minsan talaga sarili ko ang palaging sumasampal sa'kin ng katotohanan.

Pinalaki kasi ako ng aking mga magulang na parang ako talaga ang naiwang pogi sa mundo noong mawala ang tatay. Umabot na nga ako sa point ng buhay na na-depress talaga ako sa kagwapuhan ko. Di na ako makakain at 'di na rin ako matulog. Mabuti na lamang at may gumigising pa rin sa akin, ang sarili ko at sabay tanong,

"Sabog ka?"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hindi ko maalis sa isipan si 'the girl in white'. Hindi naman s'ya kagandahan pero bakit hindi ako makapagmove-on sa kahit katiting na pagkakataong nagkaroon kami.

Ano kaya ang pangalan n'ya? Bago magtapos ng klase ay balak kong tanungin ang kanyang pangalan at kung ilang anak ang gusto niyang matanggap. Ha-ha-ha. Isa kang malaking torpe. Tignan mo nga ang sarili mo.

"Miss! Ako nga pala si Nicholas Cruz o pwede din namang Kulas na lang," dagdag ko'y "ano nga pala ang pangalan mo?"

"Anong kaguluhan 'yan?" Ito ang sita sa amin ni Mr. Del Mundo.

Ang landi-landi mo kasi kaya yan ang napala mo at dinamay mo pa si 'the girl in white'. Oh, kita mo? Hindi ka pa naka-score bad shot ka na agad?

"Wala po sir! May mga bagay talaga, in psychology, to talk in order for the counselor to know what's the sentiments of the counselee para ma-process mo s'ya."

Nailusot eh. Kahit nakatingin ang lahat sa akin, alam kong sa isipan nila'y "wow, ang dugyot ng pagkakasabi pero naitawid!"

Balik tayo kay 'the girl in white'. Pangalan lang naman ang kailangan ko ba't pinagkakait pa sa akin ng lipunan at tadhana? Hay salamat, natapos na ang klase.

"Sige Kulas, nice meeting you at nagmamadali kasi ako. Bye!"

Sa pamamaalam niya, nasilayan ko ang kanyang pagmumukha na may pinipigilan siya.

Palayo na siya ng palayo. Hawak-hawak niya pa ang bahagi ng katawan niyang hindi mo aasahang hahawakan niya sa mga panahong 'di dapat hawakan. Pwet!

"Umalburoto na siya, jebs na ba 'to?"

Gusto ko rin sanang mahawakan ang kamay niya kaso lang may nagmamay-ari na sa kamay niya,

"Sa ngayon!"

Teka, teka! Ba't parang may naiwang pahina ng papel na parang may pumunit sa isang bahagi sa aking kwaderno.

"Alam ko na! Pambihirang babae 'yon."

Kulas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon