Uno: Ang Pagtatagpo

10.2K 120 10
                                    

"Mahal din kita!"
Nasa punto na sana kami ni crush na maglalapat ang aming mga labi bilang tanda ng aming pagmamahalan ng biglang,

"Pok!"
"Aray naman. Ba't mo naman ako binatukan?" "Pwede namang gisingin mo ako ng medyo may pagmamalambing." Ito ang palaging tagpo sa aming pamilya. Pagising mo ng umaga'y sasalubong sa'yo yung bunganga ng nanay mo't tsaka isama mo na rin ang ate kong mapanakit.

Bumukang liwayway na naman si Haring Araw, isang araw na naman ang aking pakikibaka bilang estudyante. Ako nga pala si Nicholas Cruz a.k.a. 'Kulas'.

Lunes at narito akong naghihintay ng Jeep na masasakyan. Nagmumukha na akong tanga dahil sa mga dala ko. Backpack, shoulder bag, at kung anu-anong abobot ang dala ko.

"Hay, salamat! Nakapwesto na rin ako," tugon ko sa aking sarili.

Pambihirang kamalasan ba naman ito at may isang mama ang tumabi sa akin. Maganda sanang itanong sa kanya,

"Kya, Kya! Kamag-anak ka ba ni Datu Puti?"
Hindi ko mapigilan ang sarili kong magmura sa isipan ko. Langya, sa kaka-undag ng Jeep sa bawat bagtas nito sa lubak-lubak na aspalto sa aming lugar ay unti-unti na ring dumidikit ang malagkit nyang balat sa akin. May halong pandidiri akong naramdaman at awa sa aking sarili. Naawa ako sa aking sarili kasi alam kong masasayang ang effort ko sa kakaligo. Although I admit na isang buhos na ligo sapat na ang motto ko, may pagkasuya akong naramdaman.

Ito na siguro yung pagkakataon kong isuka ang kinain kong sardinas kagabi sa katabi ko para masabi kong "kwits na tayo Kya!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hay salamat at nakarating na rin ng school. Well, hindi naman sa pagmamayabang. Hindi rin naman ako magpapahuli sa mga 'crush ng bayan' sa school. Sa katunayan nga may ngingilan-ngilan din na rin akong nabasted. Ayoko kasing babae pa ang nanliligaw sa akin. Medyo traditional kasi ang mga tipo kong panliligaw o yung lalaki talaga ang mag-eeffort.

"Pre, tignan mo yung babaeng nakaputi. Iba kasi yung tingin niya sa'kin. Sigurado akong may pagnanasa yan sa akin," ito ang sabi ko sa katabi kong di ko naman talaga kakilala.

"Tanga, di ikaw yung tinitignan nyan! Nasa likod mo kaya yung schedules at assignments ng rooms", tugon ng katabi kong feeling close.

Oo nga pala, first day of class. New people. New environment. College na nga pala. So, yung mga sinabi ko dati na 'crush ng bayan' ay pawang kasinungalingan lamang. Sana kahit kasinungalingan ang pinagsasabi ko, maging kaklase ko sana yung the girl in white kanina ang maging totoo.

BS Psychology. Ito siguro ang mga tipo ng kursong parating hinahangaan. Yung mga psychologist daw ay maaring makabasa ng pagkatao ng isang tao. Siguro dahil kailangan ko rin maintindihan ang sarili ko. Di ko na rin kasi maramdaman kung tao pa rin nga ba ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Umupo ako sa bandang gitna ng silid para medyo playing safe yung dating ko. Medyo nabobored na rin kasi ako sa kakahintay ng gurong dadating, inilabas ko ang aking phone at may biglang lumiwanag.

Pumasok si 'the lady in white' sa parehong silid. Naman! Ano ba?

Ayan na! Papalapit na sya ng papalapit. Nakatingin sya sa akin.

"May nakaupo ba sa tabi mo?"
"Ahh, uhmm wele nemen! Ahemm, wala." Ito lang ang mga katagang lumabas sa aking malanding bibig sabay ang matinding pawis at isama mo na rin ang pagkalembang ng dibdib ko.

"Hmmmm, ambango! Amoy baby. Sana ako nalang din ang baby mo," pabulong kong sabi sa sarili.

"Anong sabi mo?", tanong niya sa akin.

Hindi ako makalingon. Lagot, nadinig nya. Anong gagawin ko? Paano 'to? Anong sasabihin ko? Bakit sinabi ko pa 'yon? Ba't pa kasi nadinig niya? Bakit ba ganito nalang ang kabog ng dibdib ko? Bakit andami kong tanong?

Kulas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon