Tres: Black Coffee

3.5K 35 4
                                    

Feeling ko nga minsan, I'm out of the context kapag sabihin kong naalibadbaran ako sa taong walang ka kwenta-kwentang kausap.

Wala kayo sa paborito kong asignatura, RECESS. Kaplastikan na lang siguro doon sa taong magsasabing ayaw nito sa recess. Recess na lang talaga ang inaantay ko. Naalala ko tuloy 'yung sa tuwing may klase kami sa 'Araling Panlipunan', mag-me may I go out kami ng bespren ko sabay tungo sa canteen. Ikaw nagbabasa nito, 'wag kang magmalinis!

"Uy!", sabi ng babae sabay siko sa akin na parang isang siglo na kaming magkakilala.

"Sino ka at bakit feeling close ka?", tanong ko sa kanya.

"Ito naman. Tatandang binata ka n'yan. Ang sungit!"

"Tara, recess tayo!" Hinila n'ya ako kahit labag sa kalooban ko. Ito 'yung feeling na pumayag ka na lang kasi maganda s'ya.

"Alam mo bang walang tao sa buwan?" Ito lang naman ang isa sa mga tanong n'ya sa akin sa sobrang daldal n'ya. S'ya nga pala si Rosalie.

Isang coffee shop. Pagkapasok pa lang namin ay amoy na amoy ko na ang aroma ng bagong giling na butil ng kape, paraisong punung-puno ng aklat mapa-heograpiya papuntang magasin, at ohh, chiks na hawak-hawak ang kamay ko. Hayys.

"Ano gusto mo? Libre kita!" Ito ang sabi ko sa kanya, "sa isang kondisyon, 'wag kang madaldal", dagdag ko.

"Okay! Hazelnut Latte 'yung sa akin."

Hazelnut Latte sa kanya't expresso naman sa akin.

"Oh, ba't black talaga 'yung napili mo?" tanong n'ya sa akin.

"Uhmm, siguro dahil hindi s'ya 3 in 1?" Akala ko bebenta ang joke ko. "Well, ang black coffee kasi matagal ang proseso ng pagawa pero worth it naman. Unlike 3 in 1, it is an instant one. Though at first taste it's very sweet pero mawawala din sa huli."

"Oh? My hugot ka rin sa buhay no?" Dagdag pa nito, "Teka lang, 'wag ka ngang konyo! May pa Taglish-Taglish ka pang nalalaman. Ano 'to? Kapag nagnosebleed sa iisang butas ng ilong lang s'ya lalabas?"

*The bell rang*

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

May mga tao talagang kapag bumuka na ang bunganga, common naman pero walang sense. Itulad na lang natin 'yung titser namin sa Retorika at Panitikan, si Bb. Reyes.

Sa sobrang ganda ng boses ni Bb. Reyes, nakatulog na ang isa sa mga kaklase ko na nakanganga.

"Pre, may kabubukas lang na SM doon", turo ng isang langaw sa kaibigan niya. Nakapag-quality time ang magkaibigan sa kakaligo doon sa tulo mula sa 'nature spring's laway' ng kaklase ko at nakapamasyal na rin sila sa siyudad ng ngala-ngala.

Meron din akong kaklase na naroon sa harapan. Ewan ko ba, ni halos lahat kami hindi nakikinig pero s'ya, wait! Nakikinig ba siya o tumatango-tango lang?

"Oh Bb. Reyes, nakakapagpatulog ang maganda mong tinig. Magaling ka pala magbasa ng libro."

Nagdidiscuss daw siya. Nagdidiscuss ka lang, suot-suot mo pa ang mouthpiece mo? Langya! Wag n'yo nga kami lokohin. Isa kang boksengero, hindi ka guro.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagkatapos ngklase nagtungo ako sa aming library. Scan the bookshelves. I don't even know why I'm here. Siguro I just want to chill out since air-conditioned naman yung facility.

'The lady in white', ba't papansin ka? Crush mo 'ko siguro ano? Di ka maalis sa isipan ko. Naranasan mo na rin bang isipin ang taong 'di mo nga ma-stalk sa social media kasi 'di mo nga s'ya kilala?

I see. Wala na nga talagang sigurong pag-asa ang lahat. Magmo-move on na ako kahit hindi naging kami. Magsu-study hard ako para di bitter yung dating ko. Gusto kong magpakapagod hanggang 'di ko na maalala ang pa-it ng umaasa. Hindi nga kayo nagkausap, paano mo nasabi na pinaasa ka? Oo nga no?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Saan ba dito 'yung section ng self-help or self-improvement?" tanong ko sa student assistant na nagbabantay malapit sa kung saan ako naka-upo. Hindi ko makita sa Webster ang sagot sa mga tanong ko sa buhay. Tips on how to be ugly o 'di kaya'y kahit anong libro na ang author ay si RedPilosopoJunior. Naririnig ko kasi sa mga kaibigan kong may mga gawa daw siyang mga articles with superb write-ups at inspirational daw talaga siya.

"Hi Kulas, pwedeng umupo?"

Iniangat ko buong ulo ko (wag madumi ang utak, ulo na nasa itaas) para makita kung sino at saan galing ang malambing na tinig. Nagka-eye contact kami. The hormone oxytocin (also known as the love-hormone) is now being distributed well in the entire body. 'Mission accomplished' sabi ng neurohypophysis o ang posterior lobe of the pituitary gland.

Can you be 'the icing sa ibabaw ng cupcake ko in this world full of hayaan mo sila na maghabol sa'yo? Lady in white, thank you for the oxytocin.

Kulas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon