Siete: Balisawsaw ng Puso

1.6K 14 0
                                    

"Aaaaaaaahhhhh!"

"Uuuuugghhhhhhhh!"

"Yeah!"

"SUCCEEEEEESS!"

"Kuya, ba't ang tagal mo sa banyo? Ako na at male-late na ako sa school," pagrereklamo ng bubwit kong kapatid.

Binuksan ko kaagad at nang ako'y papalabas na ng banyo,

"Kuyaaa, ilang linggo ka na bang hindi nagjebs? Ambaho!"

"Wag kang ano! Struggle is real din kaya!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

The girl in white. Iniisip n'ya rin ba ako? Nasasaktan din ba s'yang may kasama akong iba?

Angel? Alam mo namang isa kang anghel, can you be my 'darling angel'?

Nagsimula nang magbanggaan lahat ng schedule, klase dito, experiment doon.

Philosophy. Ito ang asignatura ng mga baliw. Philosophy is a study of everything in the light of reason mirrored with reality. Tatanungin ka kasi ng kung anu-anong tanong magmula sa 'saan ba nanggaling ang lahat?' o di kaya'y 'did man created god or did God created man?'. 'Bakit napapagod ang tao?' o 'di kaya'y 'ginawa ko naman ang lahat, ba't di pa rin ito sapat?'

Sapat? In Ancient Greek philosophy, si Plato, isang Pilosopo, ay naniniwalang ang tao noon raw ay binubuo ng dalawang ulo, dalawang pares ng kamay at paa pero may iisang katawan lamang. But when they started to annoy 'Zeus', they were punished and separated. Each human is now incomplete and they have the lifetime to search for their 'other half' o soulmate sa madaling salita.

Kaya siguro 'di talaga ako sapat. Pati na rin ang tulog ko, 'di sapat. Kaya, ayun at ako'y nakatulog. Naunang pumikit ang kaliwa kong mata, sumunod ang isa't tuluyan na akong nilamon ng mala-North pole na temperatura sa aming silid. Phiiiiiloooso...

'Angel? May sasabihin ka ba?' tanong ko kay Angel.

Napatanong ako kay Angel kahit alam kong nakakahiya dahil may kasama s'ya. Hindi ko maaninagan ang pagmumukha n'ya.

'Oo, mahal na yata kita!', ito ang pagkakasabi niya sa akin.

Oh, edi kilig much na naman si Koya! Ito yung feeling na mapapahandusay ka sa sahig at magkaka-epileptikong kilig at kuryenteng mararanasan.

'Oh, pinagtitripan mo ba ako?', syempre magtatanong ako kung totohanan na ba 'to o 'di kaya'y may lihim na s'ya talagang pagnanasa sa akin na katawan ko lang ang habol n'ya. Wala talaga sa choices eh no? Walang kang magawa? Eh ako bida!

'Hindi. Sa katunayan nga akala ko, badoy ka kasi kinakausap mo sarili mo ng mag-isa. Gaya ngayon lang, sabi mo kilig much ka. Wag kang masyadong kiligin, naka-diaper ka ba? Ako? Kapag kinikilig kasi ako yung tipong pag-uwi ko binabalisawsaw ako. Magdedecide pa ako kung maiihi ba ako o hindi'.

Pambihira. Langya. Lahat na ng mura! Paano n'ya nalaman?

'Pwede ba kitang e-kiss?', tanong n'ya sa akin.

Sumabat din sa wakas ang panira n'yang kasama, "e-kiss mo s'ya sa ngipin. Doon sa pangatlong ngipin sa kaliwa, sa bandang itim."

"Wag naman ganun! Sa wisdom tooth o sa bagang pwede?", langhiyang tanong ni Angel sa akin.

*Plook*

"Ganda ng tulog mo, iho ahh? Paki punasan na lang ng laway mo sa pisngi," sarkastikong sabat ng Philosophy professor ko, si Mr. Levi-Strauss. Foreigner. Half German, half shepherd.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

I have come to realize that every time I have to do something small or big changes in my life, I have a lot to sacrifice. Gaya na lang siguro kung magpapari ako, sayang talaga ang kagwapuhan ko. Pero 'di naman bagay sa'kin mga ganyan. Kung magsu-study hard ako, ano 'to? Magbabaledektoryan ako? Sayang naman 'yung effort ng iba.

Pero when a humble heart solely gives his love to the woman he loves, it will never be 'sayang'.

Hayyy! And out of nowhere. . .

'Hoy, bugok. Kamusta ka?' Rosalie, Rosalie, ba't ang ganda-ganda mong magtiming. Nagmomoment ako dito slurping my coffee Americano.

Dinadaldalan ako ni Rosalie pero bakit si Angel, ang nangyari sa panaginip ko? Hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-isip ng kung ano ba ang nais ipahiwatig ng panaginip ko. I love it when she looked at me. I love the way she laugh. Ba't parang ang sarap-sarap sa feeling?

'Eheeeeeem! May tao?', naibalik ko naman atensyon ko kay Rosalie. Ayoko naman iparamdam sa kanya na ibang pagkatao ang hinahanap ko sa kanya. Ayoko ko ring iparanas na kahit sa kanya ako nakatingin, ibang tao pala ang bumabagabag sa akin.

We continued talking. We laughed together. It feels so good kasi nakakasabay s'ya sa mga trip ko. Well, she's a violinist. Marami kaming pagkakapareho kaya madali s'yang pakisamahan. Papaubos ng papaubos ang aming kape sa kakahigop sa bawat halakhak at tawa, 'yun din naman ang hindi maubos-ubos na kwentuhang barberong meron kami. Biglang umulan ng malakas ng malakas. Malakas ng malakas na di na namin marinig ang tibok ng aming mga puso. Nakakabingi. Sabay kaming lumabas at nabasa ng ulan gamit ang nag-iisang payong. Naglakad kami hanggang makaabot kami sa hintuan ng Jip. Basang-basa na talaga kaming dalawa pero 'di naman namin alintana ang paghalik ng tubig ulan sa aming mga balat.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

'Nakauwi na ako,' text ni Rosalie sa akin.

Bakit saya ko ngayon? Di naman siguro masamang bumalik ako kahit ngayon lang sa pagkabata. Malayang magtampisaw sa ulan at humalakhak na walang kaproble-problema sa katawan.

Magkekisame moments na naman ako.

'Ahaaaa!'

Sabi ko na nga ba! Bakit hindi ko kaagad nakita? Oo nga. Siya nga.

Si Rosalie ang kasama ni Angel sa panaginip ko.

Kulas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon