Once: Bahaghari ng Buhay

2.1K 33 2
                                    

"Hala, male-late na ako!"

Dali-dali kong hinablot ang aking towel at naligo nang mabilisan (faster than the leading ika nga ng commercial ng battery). Ayon nga, sa araw na 'yon ay tatlong buhos ng tubig sapat na.

"Oo nga pala, may pinapagawa pala si Mr. Del Mundo na assignment". Alam ko sa sarili ko ang dapat gawin.

Step 1: Dapat maaga kang pumasok ng eskwela para mangopya ng assignment.

Step 2: Alamin kung sino ang matalino, 'yon ang pinaka-safe na kopyahan. Alam mo kasing tama ang assignment n'ya.

Step 3: E-share mo din sa walang assignment. H'wag kang unfair kasi kung di ka nangopya wala ka ding assignment, so magpakopya ka.

"Nay, mauuna po ako. Late na po ako!", sinabayan ko ng halik sa pisngi ang nanay.

"Nak, cellphone mo naiwan!"
Patakbo ako noon kaya di ko nadinig ang pagkakasabi n'ya.

Naiwan ko pala ang cellphone ko sa pagmamadali. Di ko na rin na-open cellphone ko kung may mga text o notifications ba ako sa sobrang pagmamadali ko. Di rin nga ako nakapag-good morning sayo Rosalie. Ewan ko ba! Parang may humihila sa akin kaninang magmokmok pa't buksan ko ang phone ko pero late na talaga kasi ako eh.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Naglalakad ako sa lansangan para makaabang ng masasakyan.

"Para po!"

Wala talagang may gustong magpasakay sa akin. Parang pinagtitripan talaga ako ng tadhana. Naglakad ako ng naglakad sa mga loading at unloading areas ng sasakyan pero punuan. Lunes naman talaga kasi. Ito 'yung araw na sardinas na nga ang ulam mo, sardinas din sasakyan nyo. Ibig sabihin n'un ay habaan mo ang pisi mo kasi may makakasalubong kang iba't-ibang uri ng kamalasan at ayun na nga'y sanay na sanay ako. Napakakapal ng trapiko.

Naglakad ako ng naglakad hanggang sa dumating ang ambon. Ang paglakad ko ay naging takbo na rin para may silungan. Ano bang kamalasan to? Mababasa na ako nito.

Tumakbo ako ng tumakbo para di na rin maabutan ng malakas na ulan.

Takbo ako ng takbo. Mabuti na lang usad pagong ang trapiko. Makakatawid ako ng daan kasi nga ni di sila maka-usad sa sobrang dikitan ng mga sasakyan. Dikitan kasi eh. He-he-he. Tumawid ako. Nagmamadali baka sakaling maabutan ko ang time. Di ko rin kasi namalayan na I'm half way na mula sa bahay at skwelahan. Ibig sabihin ang layu-layo na rin ng aking tinakbo. Ha-ha-ha.

"BAAAAAAAAAANG!"

May nag-counter flow palang motor. Humandusay ako sa daan. Umalis ng mabilis ang motorsiklo. Patuloy din ang usad ng trapiko. Naririnig ko ang tindera ng mga sigarilyo sa sidewalk na nagrereklamo bakit ang hirap ng buhay, ang mamang tsuper na nakikipagkuwentuhan sa naka-front seat at sinisisi ang gobyerno sa kung anong estado ng buhay meron sila. Ganito na ba ang tao?

Habang nakabulagta ako sa daan at umuulan, napa-isip ako. Ano nga ba talaga ako sa mundo? What makes man truly human? May silbi ba talaga ako sa lipunan?

Patuloy ang malakas na ulan. Umulan ng malakas. Malakas na malakas na malakas na nakakabingi.

Nakatingin ako sa langit at pumikit.

"Consumatum est!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
• the end • the end • the end • the end •
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
• the end • the end • the end • the end •
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

The author would like to dedicate this story for his students and friends. I hope you'll continue reading my obras and by sharing this to others. May part 2 po ang story na 'to, antabayanan n'yo na lang po sa mga susunod na buwan. Maraming salamat po.

Kulas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon