Ocho: Ako na lang

1.4K 15 1
                                    

Umagang-umaga nakasimangot siya. Nilapitan ko s'ya't sabay sabi,

"Oh Rosalie, ba't 'di ma-drawing ang mukha mo?"

"Paano ko ba ipapasa cultural research namin about the language "Hiligaynon"? Anong gagawin ko malapit na ang deadline?

Hay, alam mo 'yung kahit na kaawa-awa na s'ya, I still find her cute. Parang bata. Ibang klaseng saya talaga ang dulot n'ya sa akin.

Hindi s'ya kumibo bagkos sumimangot at tumingin s'ya sa ibang direksyon. Tinalikuran n'ya ako. Napangiti ako kasi nakakagigil. Sa pagkakatalikod n'ya sa akin, sinundan ko s'ya at humarap sa kanya. Ang sarap paglaruan ang kanyang mga pisngi. Binilog-bilog ko ang kanyang mukha.

"Uhmm, alam mo ang cute-cute mo!"

Ito lang naman ang isa sa mga pinanggigigilan ko sa kanya. Parang I am myself when I'm with her.

"Sige nga kung fruitful ang research paki-translate: ang ganda mo." tanong ko sa kanya .

Sinagot n'ya ito na parang 'di s'ya sigurado. "Ka gwapa sa imo?"

"Ka gwapa sa imo." I uttered those words while looking straight to her eyes. Ang titig na sana wag na s'yang magtapos. Ramdam ko ang pagmamabilis at pag-uunahan ng aking mga blood cells in my veins. Anong klaseng feeling to? Ba't parang ayoko nang umalis sa pwesto ko?

"Ahhh, ehhh! Sasabihan ko ang inay ng ganun kasi eh," paang himasmas ko sa sarili at sa kanya't sinabay ko na rin ang pagbitaw ng mga kamay ko sa pisngi n'ya. Tumingin ako sa ibang direksyon.

Ang awkward naman at ang seryoso. Ganun ba talaga ako kabadoy?

"Oh, ano ba? Tatayo na lang ba tayo dito?" tanong ni Rosalie sa akin.

We sat on a bench sipping our favorite kind of coffees and talked about the inner dramas of the aromas of life that makes us human: doubts, fears, experiences, disappointments, love, and many more.

"Nakakabobo pala yung love ano? Kasi di mo na alam kung ano o sino ang totoo. According nga sa accounting, don't assume, if it wasn't stated. Well, kahit naman kasi stated yung love ng isang tao sa iyo, pinagdududahan pa at meron din naman kasing stated na, umassume na rin kaso pinaglalayo sila ng tadhana sapagkat when love comes kasi hindi naman 'yan mag-aannounce na darating s'ya. Pwede natin s'yang tawaging, hilaw pa? Di pa nga minsan dumadating umaasa na."

"Oh, ba't napunta tayo sa math?" tanong n'ya sa akin.
"Magaling ka sa math 'di ba?", sinagot ko tanong n'ya ng tanong din.

Nakatitig lang talaga s'ya sa akin.

"1 x 0?" tanong ko.

"0," sagot n'ya. Dinagdagan ko ng isa pang tanong.

"1 x your number?" pangiting tanong ko sa kanya.

Ngumiti s'ya habang nakatitig. Sa dinami-rami ba namang pick up line sa mundo, ba't kilig na kilig ako dito. Ughh! Nakakagigil. Ang sarap kong kurutin gamit nail cutter. Pwede na ba akong maglumpasay, gumulong-gulong sa kilig sabayan pa ng padyak-padyak? Isabay mo na rin yung tipong nilagay buong Antarctica sa loob ng brief mo, ngiting abot tenga labas ang gums, may pahampas-hampas pa sa katabi, at bigla ka nalang kakanta out of nowhere kahit na nagdi-daydream ka sa loob ng klase habang naglelecture ang guro.

There's a lot of butterflies in my stomach. Lumalabas din ang English quotes mo. Noong una "love is blind" lang alam mong English-in pero noong mainlab, mahihiya ang talastasan ng Florante at Laura.

"O pag-ibig na makapangyarihan... pag ikaw ay nasok sa puso ninuman hahamakin ang lahat masunod ka lamang", isang walang kamatayang linya mula sa Florante at Laura.

Rosalie at Kulas, magsasalita na ang puso.

"Oh beautiful soul, where art thou? Never be tamed coz in time. Listen, you filthy animal." Di talaga ako marunong tumula.

Bakit ang ganda naman ng araw ko ngayon? Magkasama lang naman kami ni Rosalie boong araw. Wala namang bago sa pinagagawa ko except na lang siguro sa pagpapakita ko ng ninanais kay Rosalie. I care for her. Minsan talaga napakahirap sabihin ang nararamdaman kaya siguro sapat na sigurong senyales that I care is my time.

Naglalakad kami pauwi noon. It was a very nice day for us. I don't really know what to react but the truth is I can't be helped in saying that I like her. I dunno. Am I her hopeless romantic?

"Rosalie, may gusto sana akong sabihin sa'yo."

"Ano 'yun?"

"Ahhh, uhhhh, ehhh! Bukas zipper mo!"

"Pinagtitripan mo naman ulit ako eh."

"Sige, uwi na tayo. Salamat sa time." Hindi ko na lang tinuloy ang balak kong pag-amin ng nararamdaman. Umapir s'ya sa akin at naglakad ng papalayo.

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat na metro na ang layo at nagbago ang isip ko. Hinabol ko s'ya sabay kong pinagsisigawan ang pangalan n'ya.

"Rosaliiieeeeeeee!"

Lumingon s'yang nakangiti.

"Pok!"

Sana sinabi ko na lang kaagad ang lahat-lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Huli na ang lahat. Nangyari na s'ya. Sana 'di ko na lang s'ya tinawag at ako na lang ang naghabol. Edi sana ako na lang ang nabangga.

Kulas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon