Part One (Unang Tagpo)

1.9K 23 7
                                    

Pheobe P.O.Vs

Hindi ko Alam kung paano ako napunta sa lugar na ito. Sobrang dilim, mabaho at masikip. Tiningnan ko ang sarili ko at laking gulat ko na naka tee dress pa pala ako at denim jacket. Dali dali akong nag pupumiglas sa lubid na naka tali saakin sa gilid ng posteng nasa likod ko. Maya maya pa ay may narinig akong mga yapak ng paa. Pamilyar saakin ang lakad nila.

Biglang pumasok sa isip ko
"Ang No Mercy Gang!" biglaang sigaw ko.

"ENGGKKkkkkk"
tunog ng pinto sa bandang kanan ko kaya bigla akong napatingin sa kinaroroonan ng pinto.

" Magaling ka ngang talaga "ULAP" "   pag didiin nya sa pangalan ko. 

Dali daling lumapit saakin ang mataba at pandak na lalaking naka V- neck T-shirt at loose pants na tinernohan ng ragged na sapatos , pormahang gangster.

Sa mga tansya ko pitong tao ang naaaninag ko malalaki at makikisig na katawan ang mayroon sila, pero lamang yung mababang pandak. Hinila niya ang mahaba at makapal kong buhok!.

" Arghhhh!! "  pag pupumiglas ko!.

" Don't you dare touched my hair! You! Jerk!".  Pasigaw kong sambit!

" Wag mo akong maingles ingles dyan Ulap! nakalimutan mo na ata ang kasalanan mo? At kung bakit ka nandidito?! ".    singhal nito.

" Wala akong pake Alam sainyo! Just thank me dahil naka tali ako dito dahil sa oras na naalis ko ang lubid na to sa katawan ko isusupalpal ko sa mababaho nyong bibig ang lubid na toh! "
            pag yayabang at ma angas kong sabi.
.
.
.
.
.
Maya maya pa ay bumukas ang pinto.

" Master Nato!! ma-yy mga puli-lis  sa labas! Mula sa kanto papa... pa-punta sa hide out! ... Dito!!"
      Biglang sabat ng lalaking mga tansya ko ay 17/18 taong gulang na.

Hingal na hingal ang batang lalaking nag sumbong sa Master Nato daw.

Nanlaki ang mata ni Nato at salubong ang kilay na tiningnan ako , walang ekspresyon na mukha ang ibinato ko sa galit na galit nya na talagang mukha. Tinuro nya ang anim nyang alalay at tumango ito sa kanya, tumakbo ang mga ito. Naiwan naman siyang lumapit saakin sabay hawak sa mga bisig ko.

" Ulap, hindi ito ang huling pagkikita natin.. Tandaan mo marami pa ang kasalanan mo saamin lalong lalo na sa akin!... Wala akong pinapatawad,... Ulap!.. Ngayon hahayaan kitang makalaya dahil nandyan na ang mga pulis pero, sa oras na mag Isa ka Titirahin na talaga  kita!!"
      Maka hulugang banta ni Nato at unti unti naman niyang inalis ang kamay niya sa bisig ko at inilayo ang bibig nya sa tenga ko. Tumalikod ito at nag simulang lumakad papalayo ngunit.....

" Hayaan mo Nato!.. Kung wala kang pinapatawad ...ako.. Walang sinasanto... Kahit ilan pa kayo ... Nakikita mo itong daliri ko?.."

Lumingon siya at titig na titig na tiningnan ang daliri ko
  
" Isang pitik lang kayong lahat Tumbado na...." Ngisi Kong pag kakasabi.
Tipid na ngisi din ang isinukli nito at nag patuloy sa pag lalakad papalayo.

Malakas na pag pupumiglas ang ginawa ko, ngunit sadyang malakas talaga ang kapit ng lubid sa posteng sinasandalan ko't Di ako maka alis alis .
Sandali pa ay dumating na si Sin..

Taka at salubong ang mga kilay netong lumapit saakin at tinulungan akong alisin ang lubid.

SIN's  P.O.V

Biglang nawala si Ulap sa Thanks Giving Party ng Daddy ko, Hindi ko siya napansin agad dahil sa dami ng taong nakaka salamuha at wine-welcome ko,

Tinawagan ko si Ted bunsong kapatid namin ni Ulap upang tawagan siya dahil patapos na ang despidida ni Dad ngunit hindi makontak ang numero ni Ulap.

Ang Girlfriend kong AstiginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon