MLTY 3

735 8 0
                                    

A/N: Nahirapan ako sa story na to. Di kasi kagaya dun sa isa kong story (Kasama kang tumanda) na matagal ko ng nagawa bago ko pinost. Dito, wala talaga kong ka idea idea kung ano ilalagay ko bawat chapter. Di ko alam kung saan mapupunta to. Hahaha. Kaya, pagtyagaan niyo na. Libre naman eh! Choosy pa ba? :p

---

FRANCIS POV

Late na talaga ko! Paktay na talaga. Hindi na lang ako magbibihis, may 10 minutes pa. Tinignan ko yung phone ko, almost 150 missed calls and 300 texts? Damn! Kung di lang maghihimutok yung tatay ko, di na ko aattend.

Mike calling..

"Oh?"

"Gago ka pare! San ka na ba? Nasarapan ka masyado! Kung pwede ka lang silipin ni tito sa brief ko, baka hinalughog niya na tong kuyukot ko! Nag iinit na tumbong niya!" Tss. Ang ingay parang di lalake.

"Sabihin mo papunta na ko. Wag sila kamong mag-alala, di ko sila tatakasan! Tss." Walang kagana gana kong sagot. "Sige na, papunta na ko dyan." Binaba ko na.

Sinuot ko na yung seat belt ko at pinaharurot yung sasakyan. Bigla na lang kinabahan ako. Hindi dahil sa kasal kundi sa kakalabasan neto. Kung wala lang akong makukuhang advantage eh. Kelangan ko na din makuha yung kompanya para naman makawala na ko sa anino ng tatay ko.

Napahigpit ang hawak ko sa manibela. Nandito na ko. Huminga muna ko ng malalim sabay baba ng sasakyan. Naaninag kong, natataranta na mga tao. Tss.

At isa pa, I want to live on my own! I don't care kahit maikasal ako, basta gagawin ko gusto ko. Pasalamat nga sila't pumayag pa ko. I want to revenge from that girl, my precious bride? Sharina Villariez. The one and only broke my heart. What now? Ano naman kayang gagawin niya lalo na't mapapangasawa niya ko? Goodluck na lang sa kanya. Natuto na ko.

Nahagip siya ng mata ko, nakayuko siya, nakatakip ang palad niya sa mukha niya. Umiiyak siya? Natakot ba? Sus. Kung dati to natuloy, baka ako pa ang umiyak.. Sa sobrang tuwa. Pero ngayon? Kung di ito matutuloy, matutuwa talaga ko. Sa ngayon, paliramdam ko Para akong papatayin. At tanggap ko ng mapupunta ako sa impyerno.

"Oh ayun na pala si Lover boy eh!" Turo sakin ni Clyde. Napaangat siya ng tingin sakin. Lahat sila ay napalingon sa kinaroroonan ko. Pagkalapit ko sa kanila ay.. *Booogsh!!!* napaupo ako sa sahig.

"Daddy!" Dali daling siyang tumayo at lumapit sakin. Hinarang niya ang kamay niya na para bang sinasabing tigilan na to.

"Respeto naman" Sabi ng daddy niya. Sabay talikod samin.

Lumapit naman sakin si Daddy.. "Ikakasal ka na lang, pinapahiya mo pa ko. Fix yourself!" Pasimpleng bulong niya sakin.

"Are you okay? San ka ba galing? Sabi na di mo ko matitiis, sisiputin ko din ako eh. Akala ko.." Di ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.

"Tss. Di ako kagaya mo." I gave him a cold glare. Pinupunasan niya ang dugo sa labi ko. Napaiwas ako ng ulo dahil sa hapdi.

"Okay, let's start just start this." Sabi ng mommy niya. Lahat sila ay nagpunta na sa pwesto at kanya kanyang retouch. Di na ko nag abala pang mag ayos. Di naman ako mabaho, ang mahalaga mukha pa kong tao. Tsaka, gwapo pa din naman ako, di na siya lugi don.

Pumasok na ko sa Loob ng simbahan, bago ako makapunta sa pwesto ko, nakita ko pa yung tatlo, ngingisi ngisi ng mapang asar. Binigyan ko sila ng nakakamatay na tingin kaya kanya kanya na din silang pwesto.

Si Mike ang Bestman ko.

"Naka-ilang rounds kayo, pre?!" Ngingisi ngising bulong niya sakin.

MAKE LOVE TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon