MLTY 12

96 4 0
                                    

ALEXANDRIA POV

Maaga akong pumasok tulad ng inaasahan at bilin niya. Ayokong may masabi na naman siya sakin. Pagdating ko sa opisina ay nagkape muna ako saglit dahil alam kong wala pa siya. Tuwing alas dyes ang dating niya kaya naisipan kong tapusin na ang dapat tapusin muna.

Alas onse na ng tangali ay wala pa rin siya. At dahil wala pa naman nag uutos sakin, ginawa ko na din yung mga files na kahit hindi pa kailangan. Sa sobrang focus ko sa ginagawa ko, di ko namalayan na Ala una na. Kahit ang lunch break ay nalagpasan ko na ng di ko namamalayan.

"Oh Alex! Ala una na. Bago ako pumunta ng canteen, nandito ka pa. Hanggang matapos na lang ako kumaen nandito ka pa din. Di ka ata nag lunch?" Si Luis. Katrabaho ko. Pagkasabi niya noon ay dun lang ako nakaramdam ng gutom.

"Oo nga pala. Di ko napansin. Hehehe"

"Oh ayan, binilhan na kita. Alam kong busy ka eh." Di ko inaasahan na may makakapansin sa akin. Nahihiya akong tanggapin pero ayokong madismaya siya sa pagtanggi ko sa bigay niya

"Hmm, osige sa sahod ko ikaw naman ang ililibre ko. Salamat dito ah?" Pabiro kong sabi

"Kahit wag na. Pero kung mapilit ka, Dinner na lang sa sahod. After work. Hehehe" parang nahihiya nitong sabi

"Ahhh.."

"Breaktime is done. You should do your job, not having a chitchat. Am I right Ms. Del valle?" Naputol ang sasabihin ko ng dumating si Francis

"Ah sir, sorry ako po may kasalanan. Di pa po kase kumakaen si Ms. Dell valle. Kaya.."

Di pa natatapos magsalita si Luis ay sumingit na siya "You did not take your lunch?" Striktong tanong sa akin

"Ah ano kase sir, since wala naman kayo tinapos ko na mga gagawin pati yung mga hindi pa kailangan. Di ko lang po namalayan ang oras." Kabado akong nagsasalita na parang may nagawang maling kasalanan ng nagsalita si Luis "Dinalhan ko po siya ng pagkaen sir, baka pwede po.."

Di pa ulit siya natatapos ng magsalita si Francis "Mr. Santos Go now to your workplace. And you Ms. Del valle, go to my office in 10 mins. I'll wait."

Kagaya ng utos niya, naghintay ako ng 10 mins bago pumasok sa opisina niya.

*tok tok tok*

"Come in" rinig kong sabi nito. nag ayos ako ng sarili bago pumasok

"What can I do for you Sir?"

"Eat, mine." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito

"Whaaaat siiir?" Natataranta kong tanong

"I mean, eat those food." Sabay turo nito sa iba ibang pagkain na nasa lamesa niya. Na katapat ng working table niya ay isang set ng sofa.

"Ah sir, wag na po. Meron naman na pong binigay sakin si Luis, yun na lang po."

"Is it bad na tumanggi sa Boss mo?"

"Ah eh.."

"Don't make it a big deal, it's just a late lunch." Naisip ko din na pag nakipagtalo pa ko ay mas lalong hahaba ang usapan kaya umupo na lang ako.

"Ikaw po sir?"

"Don't mind me. Just eat." Kumakaen ako habang siya naman ay pinagmamasdan kong busyng busy na tinitignan ang mga papel na nasa harap niya. Pamaya't maya ay kumukunit ang noo sabay lagay ng mga daliri sa bandang bibig na animoy nag iisip.

Malapit na kong matapos ng may biglang pumasok na di ko inaasahan..

FRANCIS POV

Kanina pa ko di maka concentrate sa mga papel na nasa harap ko dahil alam kong nakatingin siya saken. Hindi ko malaman kung bakit ganito na lang ang epekto niya, nainis pa ko kanina sa sobrang close nila ni Luis samantalang kakakilala lang nila dahil bago pa lang siya dito. Samantalang ako na boss niya ay balak niya pang tanggihan.

Sinikap kong maging maayos na kunwari ay wala akong nararamdaman na khit ano. Naagaw na lang ng pansin ko ng bumukas ang pinto at dali daling pumasok si Ina sa opisina ko at dire diretsong yumakap sabay halik sa akin.

"What are you doing here?" Tinanggal ko ang pagyakap ng kamay niya sa leeg ko

"Nothing, I just missed you. You know, after that awesome night. Sorry, nalate ka tuloy. Hihihi" parang kinikilig pa nitong sabi. Nailang ako at napalingon kay Alexandria, kaya naman panalingon din doon si Ina. Tumayo naman agad siya pag lingon namin.

"Ah eh, goodafternoon Mam." seryoso nitong sabi

"Who is She, Cis?" Kunot noo naman tanong ni Ina

"My new secretary."

"Oh, really? Eating here in your office?"

"Excuse me Sir. I'm done. I'll go now." Seryoso nitong sabi. I wonder why she seems so serious at this moment, maybe she feel awkward the same way what I feel now

"Are you sure you're full?"

"Yes. As you say sir, work before anything else." Tumningin siya sakin sabay tingin kay Ina

"What?"

"Nothing mam. Just call me sir, if you need me." She smirked. She's good at it. Mabilis na papalit palit ng facial expression, kaya di ko malaman ang totoong nararamdaman at naiisip niya. Ang hirap basahin.

"She looks familiar, Cis. I don't trust her." Naagaw naman ng atensyon ko si Ina

"Go home now. I'm just drunk as fuck last night. Don't expect something from me. I don't need you here."

-------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MAKE LOVE TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon