A/N: Hi! Guys, pasensya na kung medyo parang, basta ganun na nga na On Hold ang KKT (Kasama Kang Tumanda) nakafocus kasi ako dito. Kasi sa totoo lang, kahit ako mismong author, nacucurious or nati-thrill sa mga kaganapan dito. Kung anong maisip ko, magtatype ko. So hopefully, until now nakasupport kayo't nagugustuhan niyo.
SHOUTOUT: @louissecj -- Hi ate Cai! I just want to greet you again. Wow! CONGRATS! Nakakatuwa oh, isang nurse ang nagbabasa ng story ko. Thankyou! SAAQC team is so proud of you. Laki ulo ni Mam bonus niyan, dun tayo galing eh! Hihihi. Godbless :")
Okay, read naaa~
----
FRANCIS POV
Nagising akong ang sakit ng ulo ko't medyo may mabigat na nakalagay sa braso ko. Tinignan ko ito at tinitigan, sa isip isip ko, what is she doing here?
Mukha siyang anghel pag tulog. I miss that innocent face. How I wish makukuha niya pa ko sa ganyan, pero wala na. Bato na ata talaga ang puso ko, di na kayang matunaw ng mga titig niya. Kahit mga ngiti niya, wala ng epekto.
Maya maya pa'y napansin kong gumalaw na siya kaya iniwas ko ang ulo ko at pumikit.
"Buti naman at gumising ka na, nangangalay na ko."
"Sorry" bumangon na siya at kusot kusot pa ang mata
"Bat ka nandito?" Tanong ko pero nanatili akong nakapikit at ang isang kamay ay nakatakip sa bandang noo ko.
"Bawal ko bang tabihan ang asawa ko?" Gamit ang maamo niyang boses. Her early sexy voice in the morning used to be my alarm clock.. noon.
"Diba't sabi ko sayo dito na ko sa guest room at dun ka na sa master's bedroom? Obaka gusto mong magpalit tayo?"
"Cis naman, it's our honeymoon. Why we need to be separate? I'm now you wife anyway."
"Matagal na tayong separate. Yes, you're my wife.. Sa papel."
"Paulit ulit ba tayo Cis?"
"Uulit ulitin ko, hangga't patuloy kang sumisiksik ka sa buhay ko."
"Cis, kung papakinggan mo lang paliwanag ko, baka maintindihan mo ako..
"I don't need your explanations"
"Pero cis.." Bago pa siya makapagsalita, tumayo na ko.
"Ang aga aga, sira na agad araw ko." Pumasok na ko sa CR, nagtooth brush at naligo. Habang nag iisip. Ano bang nangyare samin? Bat ba ganito ako hanggang ngayon? Bakit di ko itry? Pero kahit lalaki ako, kahit ganito ako kabato, takot pa din ako masaktan.. Na naman.
Pagtapos ko maligo, naalala ko yung girl kahapon. Pero, bakit pala lagi ko siyang nakikita? Planado o nagkataon lang? Teka, I remember I saw a piece of paper kagabi after she leave.. Di kaya kanya yon? It's a phone number. Maybe, I'll try to contact it.. Malay naman diba?
Dali dali kong kinuha sa laundry basket yung short kong sinuot kagabi dahil naalala kong doon ko nalagay yung papel. Kinalkal, hinalughog ka na lahat ng damit, wala pa din. Di kaya nalaglag ko? Hays. Sayang naman. In the end, hinayaan ko na.. Magkikita rin kami non, kung magkikita? Pag nakita ko siya, di ko siya hahayaan iwan akong mabaliw kakaisip.
"Lagot ka sakin miss stag party girl." He smirked. Nabawasan ang init ng ulo niya ng maisip niya ito.
SHARINA's POV
Ang aga aga, umiiyak na naman ako. Ang sakit. Sa pang ilang beses, na-reject na naman ako. Ang sakit sakit. I'm always ready to explain everything, but I think he's not. It's hurt na hanggang ngayon, di niya ko pinapakinggan. Kaya hanggang ngayon, yung sakit na nararamdaman niya, di pa din mawala wala. Maybe, we can be happy if he totally forgot everything in the past and accept it. But he always chose to forget it and just run away.
BINABASA MO ANG
MAKE LOVE TO YOU
Non-FictionWhat is Love? Eto ba yung natututunan o kusa mong mararamdaman?