MRB 2

207 0 0
                                    

"Sir Duncan, ikaw pala yan! Hindi man lang ho kayo nagpasabi na uuwi kayo. Disin sana'y-

Napatigil si Manang Lucia sa pagsasalita nang mapagawi ang tingin niya sa babaeng katabi ko na may hawak na paper bags na iba't-iba ang laki at kulay.

Kanina kasi eh nagmakaawa siyang itigil ko yung kotse sa isang mall na nadaanan namin para ipagshopping siya ng damit.

Hindi dahil sa sarili kong kagustuhan kundi dahil nakukulili na 'ko sa kakareklamo niyang sobrang dungis na niya, kaya wala akong nagawa kundi ihinto ang kotse at sundin yung gusto niya.

Darn that woman! She's making me do what I don't intend to do.

Una, nagmakaawa siyang ilayo sa lugar na iyon. So I did. I let her in my car and let her runaway with me.

Pangalawa, she made me buy those expensive dresses and other things she needs na ni ako nga hindi gumagastos para sa mga mamahaling damit na tulad niyon. Ni hindi nga ako bumibili ng a thousand-worth na bestida tulad ng binili niya para ibigay sa mga naging girlfriend ko eh tapos siya? Darn!

Well, sinabi naman niya na babayaran niya ako at dodoblehin niya pa iyon kaya pikit matang pumayag ako sa gusto niya.

At itong pangatlo ang malala. Yung pilitin niya akong isama siya dito sa bahay ko.

Ang balak ko talaga kasi pagkatapos niyang bumili ng mga damit eh ibababa ko na siya at hahayaang magcheck in na lang sa isang hotel na nadaanan namin para doon magpalipas ng gabi. Bibigyan ko naman siya ng pera eh pero ang langya, hindi pumayag. Isama na lang daw niya ako sa pupuntahan ko kasi feeling daw niya eh mas safe siya kapag kasama ako.

The heck? Anong alam niya tungkol sa akin?

Hindi man lang ba siya nagduda kung anong pagkatao mayroon ako?

Mukha namang hindi dahil tila komportable pa nga siyang matulog sa backseat habang binabaybay namin yung daan hanggang makarating kami rito sa bahay ko.

Naisipan ko kasing dumiretso na lang dito since maraming gumugulo sa isip ko. Yung di natuloy na kasal, kung ano kaya ang naging reaksyon nina mom, dad, at yung mga business associates nito na magulang ng babaeng papakasalan ko sana, at isa pa itong babaeng ito na nakakagulo.

"Ay Sir! May kasama ho pala kayong magandang dilag," ngingiti ngiting pagpapatuloy pa ni Manang

Binuksan nito ang pinto at pinapasok kami sa loob para maupo sa sala.

"Good evening po Manang." bati ng babae sa tabi ko sabay yuko ng ulo

"Good evening din Ma'am."

Napansin kong pinasadahan pa ni Manang Lucia ng tingin ang kabuuan ng babae pagkuwa'y bumaling sa akin.

"Pasensya na Sir ha. Hindi ho ako nakapaghanda ng paborito niyong pagkain. Ang pagkakaalala ko ho kasi eh sa susunod na buwan pa kayo babalik dito sa hacienda."

Yeah right. Hindi lang simpleng bahay ang mayroon ako dito kundi pati na rin ekta-ektaryang lupain na plantasyon ng niyog, tubo, pinya, mga bungang-kahoy at palay.

I brought this brat here sa bahay ko na ako, ang katiwala ko at ang ilan kong trabahador lang ang nakakaalam.

Sinong mag-aakalang nabili ko lang naman ang property ko na ito nang dahil sa unang negosyong pinatayo ko, sa mga ipon, at sweldo ko?

Pagkatapos ko kasing maipagbenta ang internet cafe (dahil na rin sa utos ni Dad) na pinatayo ko, ay ininvest ko ang pinagbentahan ko niyon sa isang negosyanteng nakilala ko sa isa sa mga business trip namin ni Dad hanggang sa lumago ng lumago iyon.

My Runaway BrideWhere stories live. Discover now