"Magandang umaga ho senyorito Duncan!" nakangiting bati sa akin ni Lara, ang dalagitang anak ni Manang Lucia.
Siya yung nabungaran kong abala sa pagluluto ng agahan sa kusina at hindi ang nanay nito.
"Magandang umaga rin Lara. Asan pala si Manang Lucia?" tanong ko sa kanya bago ako dumiretso sa kitchen sink para magsipilyo
"Oo nga po pala, pinapasabi po ni nanay na ako muna ang humalili sa kanya ngayong araw ng Sabado. Medyo masakit daw po kasi yung ulo niya."
"Di ka na dapat nag-abala pa, Lara. You should've work on your projects and assignments instead of working for me. Saka okay lang namang magpahinga muna si Manang dahil may bagong katulong naman ako rito," saad ko sa kanya nang matapos ako sa pagtotoothbrush.
"Kumusta pala ang pag-aaral mo?"
"Ayos lang ho senyorito Duncan."
"No, don't call me senyorito. Call me kuya."
Medyo nahihiya ma'y tumango ito.
"Okay lang ho, kuya. Top one pa rin ho ako. Saka salamat po pala doon sa ipinadala ninyong pambaon ko noong nakaraang linggo."
"No problem. I know you deserve it. Basta mag-aral ka lang palagi ng mabuti. Kwento ng nanay mo'y medyo nabababad ka raw kakanood ng Korean novelas."
Naikwento kasi sa'kin ni Manang kahapon ng kumustahin ko siya at ang pag-aaral niya eh nahihilig daw ito sa panonood ng mga palabas at pelikula ng mga Korean. Mayroon pa nga raw itong sobrang iniidolo na kabilang sa isang K-Pop girl group.
Well, it's normal for a teenager like her to idolize someone. It's really okay as long as huwag lang niyang pabayaan yung pag-aaral niya.
"Pero kuya, hindi naman ho ako nanonood hangga't hindi ako tapos sa mga assignments at projects ko. Saka po nagiging inspirasyon ko pa nga po yung mga iniidolo ko para lalo kong pagbutihan yung pag-aaral ko," nakangiting pagdadahilan nito
"Mabuti kung ganoon. Just always make sure you study first before everything else."
"Aye! Aye Kuya!" natatawamg sumaludo pa siya sa akin bago naglakad patungo sa dish organizer para kumuha ng plato, kutsara, at tinidor
"Sumalo ka na sa akin sa pagkain," aya ko sa kanya nang napansin kong nakatayo lang siya sa may kitchen sink habang nakamasid lang sa akin
"Sige po, kuya."
Kaagad naman itong tumalima at umupo sa upuan sa tapat ko saka sumandok ng kanin.
"Hindi ho kasi ako nakapag-almusal sa amin kasi hindi nakapagluto si nanay."Habang kumakain kami, nagkukwento lang siya tungkol sa mga Korean idols niya. Ako naman, tango lang ng tango at nagpanggap na lang na interesado sa kinukwento niya. Hindi ako updated sa mga bagong trends, movies, at palabas kasi hindi naman ako mahilig manood ng TV o magsearch sa Youtube.
"At saka alam mo ba kuya/Ouch! My head throbs like hell!"
Parang iisang tao kaming dalawa na napalingon sa nagsalita.
I saw my maid walking her way towards the kitchen's entrance. Sapo-sapo nito ng dalawang kamay ang ulo nito. Her hair was all messed up. At nakasabog iyon sa mukha nito.
Parang hindi niya kami nakitang nagdirediretso siya sa lababo para magmumog.
"Sino siya, kuya?" nakangusong itinuro ni Lara ang babaeng iyon "Girlfriend mo po?"
Muntik na kong mabulunan nang marinig ang follow up question niya sa akin.
Anak nga talaga siya ni Manang Lucia. Kung anu-ano naiisip at tinatanong niya eh.
YOU ARE READING
My Runaway Bride
ChickLitLeica Maxine Park was dubbed as the runaway bride after running away from her own wedding with one of the hottest but uptight bachelors in town, Duncan Liam Alvano. Sa pagtakbo niyang iyon sa sariling kasal ay hiningi niya ang tulong ng isang lalak...