Kahit na tirik na tirik at masakit sa balat ang sikat ng araw ay abala ang lahat ng mga trabahador ko sa kanya-kanyang gawain.
Sina Mang Jaime at Mang Pablito at ilan pa sa kanila ay naroroon sa gawing hilaga at busy sa pag-aani ng mga palay samantalang kami nina Mang Gusting, Mang Elias, Mang Tasyo, Jake at ilang kabataan naman ay abala sa pamimitas ng mga bungang-kahoy tulad ng mangga, santol, bayabas, tsiko pati na iba't-ibang uri na saging na idedeliver mamaya sa pamilihang-bayan.
Mayroon din akong inilaan na mga trabahador na tagapitas ng mga pinya at tagakuha ng mga tubo na maari nang ipagbili. Naroroon naman sila sa bandang kanluran.
Yes, my farm is one of the biggest suppliers of sugarcane, coconuts, bananas and other fruits not only in the local market but also in other countries like Vietnam, Korea, and Thailand.
I'm proud to say that my farm is doing well eventhough I can't supervise it 24/7.
What can I say? I have the best workers. Lahat sila masisipag, matitiyaga, at talaga namang mapagkakatiwalaan kahit wala ako.
Gustuhin ko man kasing bisitahin ang farm araw-araw ay hindi ko magawa dahil may trabaho ako sa kompanya ng dad ko. Unti-unti na rin niya kasi akong tinitrain bilang CEO ng kompanya kasi sabi nga niya maybe few years from now, ako na ang papalit sa pwesto niya. Isama na rin ang fact na baka maghinala siya sa akin kung palagi akong nawawala sa kompanya. As I have said, my dad doesn't have a single idea that I own a vast of land and I have my own business other than his. I don't want him to ruin everything na pinaghirapan ko so I'd rather be safe than sorry.
Mabuti na lang talaga at naririyan si Mang Pablito para gawin ang ilang trabaho ko rito sa taniman. Lagi niyang sinisiguradong updated ako sa lahat ng nangyayari sa farm kahit na nga kaliit-liitan iyong detalye gaya ng pagdami ng kulisap at peste na nakakaapekto sa mga pananim. Araw-araw inirereport din niya sa akin kung magkano ang kita sa mga deliveries at exportations namin at sinisigurado niyang diretso na agad iyon sa bangko.
"Hello everyone! Mukhang busy kayong lahat ah. Care for some snacks?"
Napalingon ako sa biglang nagsalita mula sa aking bandang likuran. I saw that girl wearing a brilliant look on her face. It was as bright as the sun making me want to shift my gaze away from her for it will hurt my eyes if I continue staring at her dazzling face.
But boy, I just can't do it. Her presence is too . . . .
I don't know, enticing?
Geez, what am I thinking?
I mean, she's too distracting not enticing!
Look at her.
Her long brown hair was swaying with the wind as she was happily walking her way towards us while she was holding a basket.
She has that buri hat on her head (I don't know where did she get it) and she was wearing a white floral summer dress that barely reached her knees. Her dress was swaying with the wind too, catching the attention of my workers.
"Hi Maxine! Ang ganda mo talaga lalo na't nakangiti ka pa," masayang bati ni Jake sa kanya at saka kumaway pa.
"Bolero!" natatawang sagot niya dito
"Mukhang maganda yata 'yong araw mo ah," pansin ni Mang Gusting
"Uhmm, lagi naman pong maganda yung araw ko dito lalo na't ang ganda ng kapaligiran dito saka masarap sa pakiramdam yung sariwang hangin."
"Mas maganda pa rin talagang tumira sa bukid kaysa sa lungsod kasi dito walang polusyon, hindi magulo saka kuntento na kami sa simpleng buhay namin dito," sabad ni Mang Elias.
YOU ARE READING
My Runaway Bride
ChickLitLeica Maxine Park was dubbed as the runaway bride after running away from her own wedding with one of the hottest but uptight bachelors in town, Duncan Liam Alvano. Sa pagtakbo niyang iyon sa sariling kasal ay hiningi niya ang tulong ng isang lalak...