Best Friend Niyo Mukha Niyo

1.2K 24 2
                                    

January 29, 2018

Nagbibiruan ang showtime hosts na sina Vice at Jhong ng napunta ang usapan patungkol kay Karylle at sa ex nitong si Dingdong at ang asawang si Marian.

Tawang-tawa si Vice habang si Karylle ay nakikisabay rin.

"Kilala ko si Karylle bilang mag best friend kami"

Pagkatapos ng show ay sabay na pumunta ang dalawa papunta sa dressing room ni Vice.

"Ikaw talaga! Ikwinento mo pa yung nangyari" slight na hinampas ni Karylle ang braso ng nobyo

"Asuss! Ayaw mo pa nun? Alam na nilang okay na kayo?"

"Ihhh kahit na!" Mejo nairita naman ngayon si Karylle at umupo sa couch habang naka cross arms.

Nilapitan naman siya ng nobyo at niyakap mula sa gilid nito.

"Sorry na baby. Gusto ko lang naman malaman ng iba na finally okay na kayo. Atsaka para unti-unti rin nila malaman yung totoo"

"Ah talaga ba? Eh ang layo naman nung kina Dingdong sa atin ah? Maypa best friend best friend ka pang nalalaman. Hay nako! Ewan ko sayo Vice!" Tumayo naman si Karylle at aktong mag wawalk-out. Agaran naman siya hinila ng nobyo

"Uyyy! Sorry na. Wag na ikaw magalit baby please?" Pag aamo ni Vice sa nobya.

Napaupo muli ang dalaga ngunit di parin kinikibo ang kanyang nobyo. Panay hingi ng sorry at lambing naman ang ginawa ni Vice. Halos mawalan na siya ng pasensya sapagkat di parin siya pinapansin ni Karylle. Huminto na si Vice at pinili nalang na mag laro sakanya cellphone.

Kabingi-binging katahimikan naman ang bumalot sa dr ni Vice. Maya't-maya ay kumatok na ang kaibigan nilang si Buern upang ipaalam na kailangan na nilang umuwi.

Matamlay na tumayo at nag ligpit ng gamit si Vice samantalang si Karylle ay di parin gumagalaw.

"It is just so unfair. I called you Baby Vice last time tapos best friend lang yung sayo. Hmp!" Pagtatampo ni Karylle. Sa wakas ay nagsalita na rin ito.

Di naman napigilan ni Vice ang kiligin. Tinignan niya mula sa kanyang mirror ang kanyang nobya. Nakucutan siya dahil humahaba nanaman ang nguso ng kanyang minamahal. Alam niyang nagtatampo ito kaya't lumapit siya rito at niyakap si Karylle.

Nilambing niya itong muli at saka hinalikan sa noo, sa ilong, sa pisngi, at huminto siya. Uyyy wag masyadong excited.

"May mga bagay na sa atin lang diba... Baby?" Pagkatapos ay mariin niyang hinalikan sa labi si Karylle

Di naman umapila ang huli at ginantihan rin ang halik ng kanyang nobyo.







February 2, 2018

Kasalukuyang iniinterview ni Anne at Vice ang contender from Mindanao at ang boyfriend nito.

"Mag best friends po kami dati" sabi ng contestant

"Mag best friends kayo tapos?" Tanong naman ni Vice at pumwesto pa ito na parang interesadong-interesado

"Tapos Nagakainlabaaaaan" sagot naman ni Anne na halatang kilig na kilig

"Owmygosh! Totoo yung mga best friends na nagkainlaban" sabi ni Vice habang napa slight na ngiting kilig

Pagkatapos nilang magtrabaho ay tumungo muna ng lounge ang mga hosts. Naunang pumasok si Karylle kesa kay Vice. Nang makita siya ni Vice ay agad siyang tumabi sakanyang nobya.

"Ano ginagawa mo? Ngiting ngiti ka jan baby ah?" Habang sinisilip ni Vice ang cellphone ng nobya

"Ito kasing mga anak naten eh." Sabay giggle ni Karylle

Napataas naman ang kilay ni Vice at hinintay ang eksplenasyon ng nobya. Ngunit wala itong sinabi at kusang ibinigay ang cellphone kay Vice.

Binasa naman ito ng huli. Maya't maya ay napakunot ang noo nito ngunit napatawa na rin.

"Ikaw kasi masyado kang pahalata. Ayan tuloy nahuli nanaman tayo ng mga babies" sabi ni Karylle habang pinupunasan ang pawis ni Vice

"Huwaw! Hiyang hiya naman ako sa pa"baby vice" mo ha? Talaga Ana Karylle ha!" Sagot naman ni Vice at napatawa nalang si Karylle

"At least ako diretsohan. Not like you Jose Marie. Best friend mo mukha mo!" Nag make face naman ito at tumakbo palayo sa nobyo

"Tse!" Napairap nalang si Vice at pinag patuloy ang pag cecellphone







****

Yey! Sa wakas naka ud ako dito. Dami ko sanang gusto iupdate kaso super busy tapos nalilito na ako paano icoconnect yung mga ganaps hahaha pero sana keri na to sainyo kahit mejo lame hihi :)

#noproofreading

Pusong Dilaw Chapter 2k18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon