Ice Cream

889 34 1
                                    

February 28, 2018

Huling araw ng buwan ng mga puso. Masayang tumungo si Karylle sa studio ng showtime. Maganda ang mood niya dahil sa wakas fever free na siya. She is sitting next to Vhong sa lounge area. Hinihintay kasi nilang magsimula ang show. After how many mins ay tinawag na nga sila ng staff.

Nag umpisa na ang show at wala paring Vice Ganda. Normal na ito para sakanila dahil talagang lageng late naman ang huli. Maaga lang ito kung sabay silang tutungo ni Karylle sa studio. Minsan naman sadyang di lang talaga siya sumasali sa opening.

Laking gulat ni Karylle ng patapos na ang kanta ay nakita niya ang nobyo. Lumapit siya rito at yumakap.

"Brad nakatutok sainyo ang camera" pasimpleng sabi ni Vhong na nasa gilid lang ng dalawa. Patay malisya silang kumawalas.

Labis labis naman ang ganang magtrabaho ni Karylle lalo na ng malaman niyang naroon ang pinsan niyang si Iza.

//

Funnanghalian segment

Cute na cute na sumasayaw ang team girls at lumapit naman rito si Vice at nakisayaw. Sa mata ng mga manonood ay gusto niya lang talagang sayawin ang sayaw ng girls dahil ayaw niya nung sayaw ng team boys pero ang totoo ay bet niyang sumayaw katabi si Karylle.

"Vicerylle moment to!" Sa isip niya.

Nag umpisa na silang mag laro. Bibong-bibo naman sila at di nagtatagal natalo nga ang team girls sa team boys. Marami ang nasabik dahil si Ate Girl ang makakakuha ng funnishment. Tila nag-aabang naman ang fans nila at nag-aasam na magkamoment ang dalawa. At di nga sila nagkamali. Lumapit si Vice kay Ate Girl at hinawakan ang buhok nito. Kakain kasi si Ate Girl ng bubog ay este ice cream. (Hanapin niyo nalang sa youtube kung gusto niyo makita moment nila. Letse! Hahaha)

Karylle was standing not so far kina Vice at Ate Girl. Nakangiti lang naman ito. Hindi na siya nagseselos dahil confident naman siya.

"Una siya naging akin at hanggang ngayon akin parin siya." Sa isip ni Karylle.

Nakatingin lang siya sa dalawa. Natatawa rin siya dahil halatang nandidiri si Vice sa ginagawa at sinasakyan lang ang panunukso ng iba.

"Parang gusto ni K ah" pasingit ni VP Jugs ng makitang nakatingin si K sa dalawa

Natawa nalang ang mag jowa. Pagkatapos ng funnishment ay tinulongan ni Karylle si Ate Girl at binigyan ng towel. Hindi naman nakaimik at tanging thank you lang ang sinabi ni Ate Girl.

//

Nang matapos ang show ay nag pasyang umuwi na ng bahay kaagad si Karylle. Wala naman kasi siyang ganap para sa araw na yun.

"Baby uwi ka na?" Tanong ni Vice na kakapasok lang sa dr ng jowa

Tango lang naman ang isinagot ni Karylle. She is still fixing he   things ng makaramdam siya na may mga brasong nakapulupot sakanya. Tinignan niya ang nobyo mula sa vanity mirror niya.

"Ang clingy talaga"  isip isip ni Karylle

"Sabay ka sakin Baby. Ihahatid na kita" lambing ni Vice habang bahagyang hinahalikan sa pisngi ang nobya

Di na umangal pa si Karylle. Nagdadrive si Vice ng may biglang naisip ito. Agaran itong huminto sa isang ice cream shop. Gusto sanang bumaba ni Karylle kaso di siya hinayaan ni Vice. Nang makabalik ay may dala na itong dalawang Ice Cream.

"Baby you like?"

Ngiting-ngiti namang inabot ni Karylle ang ice cream at sinimulang kumain. She was enjoying her food ng may tumunog. "CLICK!"

Napapout siya ng malamang pinipicturan pala siya ni Vice. Ngunit imbis na magalit ay nag pose nalang siya. Showing her wide grin.

Mabilis namang nawala ang ngiti niya ng tumawa ng napakalakas si Vice.

"Why are you laughing? Ang bad mo!" Pagmamaktol niya dahil sa pag tawa ni Vice.

Sampung segundo rin bago tumigil sa pagtawa ang huli. May mga luha pa nga sa mga mata niya dahil sa labis na pagtawa.  He simply get his handkerchief. Ang akala ni Karylle ay pupunasan ni Vice ang muka nito ngunit mali ang akala niya.

Mahinhin na inabot ni Vice ang muka ng dalaga at iniharap niya ito and he gently wiped ang mga kumalat na ice cream sa muka ni Karylle na umabot na pala sa ilong ng huli.

"Ang kuyoooot mooooo!!" Sabi ni Vice habang pinupunasan ang muka ng nobya. Di naman maiwasan mamula at kiligin ng dalaga.

"Mas cute kaysa kay Ate Girl Mo?"

Natigil si Vice sa pag punas at napatinaod. He can't resist the face of his girlfriend. Nakapout nanaman ito at tila nagtatampo.

"Hahahaha! Baliw! Mas cute ka syempre! Mas cute ang baby KO, kurba KO...




At syempre ang BU... HAY... KO"

And with that unti-unting inilapit ni Vice ang muka upang halikan si Karylle ng...




"Sino sila?! Di ka pa nakontento at may tatlo pa?! Pakboi ka talaga!" Eksaheradang turan ni Karylle na nilalayo ang muka ni Vice








****




Ew! Ang corny nila! Hahahha ihhhhhhh pasensya kung puchopucho or what. Di kasi ako nakatingin ng showtime for how many days. Kaya medyo late ang updates.

Thank you pala sa bumabasa, sa kumo-comment at sa mga bumuboto sa Pusong Dilaw. Di man ganoon karami pero nakakasaya na ng heart. Sana patuloy niyo paring basahin to kahit puros kahopyaan lang (hopia nga ba talaga?) hahahah ayun lang dami ko nanamang hanash. Next update soon :)


Ps. Mag uupdate lang ako nung Kevin kung may bagong chika about doon. Hintay hintay lang po tayo :)))

Pusong Dilaw Chapter 2k18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon