Yakapsul

1K 31 0
                                    

February 3, nang maospital si Vice. Mayroon kasing siyang nararamdamang masakit at may nakita rin kakaiba sa kidney ng huli.

February 7, 2018
Nasa ospital ngayon si Vice habang nanonood ng It's Showtime. Katatapos lang ng operation niya. Tuwang-tuwa siyang nanonood. Nang matapos ang show ay nakatulog siya.

Alas kwatro na ng hapon ng magising si Vice at nasiyahaan siya sa unang taong nakita niya... ang kanyang nobya.

"Oh baby andito ka na pala" tanong nito habang papungas pungas pa ng mata

Kasalukuyang inihanda ni Karylle ang isang cake at lumapit siya sa nobyo. Isinubo niya ito.

"Liz brought this for you baby"

"Hmmm! Ong shorop nomon!"
Parang batang nag eenjoy sa kinakain si Vice

"Paabot nung cake baby please. Pipicturan ko lang" inabot naman ito ni Karylle

Habang busy sa pagkuha ng litrato si Vice ay nakita naman ni Karylle ang regalo ni Anne para kay Vice.

"Ang cute neto baby. Is this the shirt Anne gave you?"

"Oo baby. Yung tela napaka comfy!"

Natuwa naman si Karylle dahil maraming nagmamahal at nag aalala para sa nobyo. Nababasa rin kasi nito ang mga tweets, dms at personal messages ng mga taga hanga at malapit na kaibigan ng nobyo niya. Ngunit biglang nawala ang ngiti sa muka niya ng may naisip siya.

Lahat sila may naibigay at napasaya si Vice. Samantalang ako...

Natulala at napasadface si Karylle. Maluluha na siya ng biglang tawagin ni Vice ang attensyon niya. Kanina pa pala siya tinitignan ng huli.

"Kurba? May poblema ba?" Nag alalang tanong ni Vice

Bumalik naman sa ulirat si Karylle at tinignan sa mata ang nobyo. They're eyes meet. Dahil sa aktong iyon ay nalaman na ni Vice ang bumabagabag sa pag-iisip ng nobya. Masyado na nilang kilala ang isa't-isa na minsan hindi na kailangan ng mga salita upang magkaintindihan.

"Uhh baby come here" pag aalok ni Vice ng dalawa niyang braso saying na gusto niyang mayakap ang nobya

Lumapit naman si Karylle at niyakap ang nobyo. Tumagal sila ng ilang segundong magkayap.

"Alam mo ang saya saya ko dahil sa mga natatanggap ko galing sa mga taga hanga at kaibigan ko..." pagbabasag ng katahimikan ni Vice

"It made me feel better" pagcontinue ng huli

"Pero alam mo ba kung ano ang mas nakapag pagaling sa akin?"
Malambing na tugon ni Vice habang hinihimas ang muka ng nobya

Tumingala naman si Karylle at tinignan ang nobyo. "Ano?"

Ngumiti naman si Vice at hinalikan ang noo ni Karylle bago tinignan ulit sa mata ang nobya.

"Ikaw at itong yakap mo"

Dahil sa sinabi ni Vice ay di napigilan na mamula ni Karylle. Mas naging intense ang tinginan ng dalawa at di kalaunan ay nilapit ni Vice ang kanyang mga labi sa labi ni Karylle. Hinalikan niya ito ng napakagentle. Nang matapos ay hinagkan niya muli ang nobya and this time mas mahigpit.

"Di baleng walang t-shirt at cake basta meron lang akong yakapsul keri na!" Sabi ni Vice na muling nakapag pakilig sa nobya

"Ikaw lang sapat na" dagdag pa nito at mas lalong nakapagpaihi este nakapagpakilig kay Karylle

Nanatili sila sa ganitong pwesto hanggang sa makatulog ang dalawa. Kinailangan namang umuwi ni Karylle para sa trabaho at maumagahan na ang huli sa pag uwi.

 Kinailangan namang umuwi ni Karylle para sa trabaho at maumagahan na ang huli sa pag uwi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.









****

Ihhh korni ba? Hahaha pasensya. Okay, do click the star below! :)
Don't hesitate to give comments and suggestions po. Lablab!

Pusong Dilaw Chapter 2k18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon