Labing Apat

1K 23 1
                                    

A/N: Hello readers! Charot! Hahaha so di ko to sinadya pero napansin kong ika-14 chapter pala to. Sakto lang oh! Hihihi. Medyo mixed emotions ako ngayon dahil sa anniv naten pero sana magustohan niyo parin tong chapter na to :)

February 14, 2018

Maagang nagising si Vice at dali-daling hinablot ang cellphone mula sa mini table na katabi ng kama niya. Napag-isipan niyang tawagan ang kasintahan at batiin ngunit naalala niyang busy nga pala ito. Kaya imbis na tawagan ay itinext niya nalang ang nobya.

To: Baby Kurba Ko 💖
Good Morning minamahal kong girlfriend! Happy Anniversary sa atin! See you later baby. I love you :*

Pagkatapos naisend ay agad na nag-ayos si Vice at kumain. Nang natapos ay tumungo na ito diretso sa studio.

Nang dumating ay napuno naman ng batian at bigayan ng bulaklak sa hallway hanggan sa makarating ito sa dr niya. Pagkaupo na pagkaupo pa lang ay inayusan na siya ng hair stylists at make-up artist.

"Pagirl tayo ngayon meme ha?"

Tumango naman si Vice habang tinitignan mula sa vanity mirror ang sarili na inaayusan. Gustohin niya mang magpaka "boy" ngayon ay di pwede. Atsaka bet niya rin naman ang bago niya na look ngayon.

Nang matapos ay tumungo ito sa lounge area at chineck kung nandoon na ang jowa. Ngunit napag alaman niyang wala pa ito dahil katatapos lang raw mag rehearse. Umupo nalang ito sa sofa at napag isipang itext muli ang nobya

To: Baby Kurba Ko 💖
Alam mo bang pinapahalagahan kita? Kaya mag iingat ka kung nasaan ka man. Andito na ako sa studio. See you soon! Mahal kita kurba :*

Naaliw naman si Vice sa mga katrabaho dahil nagkukulitan nanaman ang mga ito.

Maya't-maya ay bumalik muna siya sa dr niya dahil may nakalimutan ito. Nang makuha na ang bagay na iyon ay palihim niyang binuksan ang silid ng dalaga. At inilagay doon ang bagay na iyon. Napangiti siya sa ideya na mapapasaya nito ang mahal niya. Aalis na sana siya ng may naalala siya. Pinicturan niya ito at tuloyan ng umalis.

10 mins bago mag simula ang show ay dumating na si Karylle. Dali-dali itong umupo at nagparetouch. Pipili pa sana siya ng outfit ngunit kulang na siya sa oras. Hinablot niya nalang ang nakitang damit at sinuot. Papalabas na sana siya ng may napansin sa lamesa.

Isa itong sunflower bouquet. Di niya maiwasang mapangiti habang inaamoy ang bulaklak. May nahulog namang card mula rito at ipinulot niya ito.

"I will love you for a thousand more, Karylle. I love you so much! Happy Anniversary!"

At dahil doon ay namula ang pisngi ng dalaga.

Lumabas na si Karylle dahil six mins na lang ay magsisimula na sila. Mabilis na naglakad si Karylle ng may biglang humila sakanya. The next thing she know ay nakasuot na siya ng jacket.

"Ang nipis naman ng suot mo Kurba! Jusko naman Karylle! Diba sabi ko sa--"

"Ssssh! Oo na Vice. I'll take this. Sorry! Thank you!" Sabay halik sa pisngi sa kausap at tumakbo papunta sa loob

Naiwan namang nakatayo si Vice at napahawak sa pisngi.

"Wala man lang Happy Anniversary" at nag pout ito habang tumutungo sa likod ng stage

Nagsimula na ang show at panay hiyawan naman ang mga tao sa loob lalong-lalo na ang espesyal na bisita ng showtime, ang Vicerylle Babies.

Napag alaman ng ibang hosts na Anniversary pala ng Vicerylle kaya binati sila ni Tyang Amy at syempre di naman nag pahuli si VP Jugs kung saan todo tili ang mga vk babies.

Pusong Dilaw Chapter 2k18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon