Mr and Mrs Sakitin

914 27 2
                                    

February 23, 2018

Kasalukuyang kumakain ang mag jowa sa loob ng condo ng dalaga. Pinaghanda ng mainit na sinigang ni Karylle ang nobyo dahil may lagnat ito.

"Kurba naman eh! *sniff*  Lumayo ka sa akin sabi baka mahawa ka pa! Achooo!" Pagmamaktol ni Vice. Alam niya kasing masakitin rin ang nobya.

Ngunit sadyang matigas rin talaga ang ulo ng dalaga at pinagsilbihan parin ang kanyang nobyo. Nang matapos kumain ay nahiga naman si Vice sa kama ni Karylle. Todo alaga naman ang dalaga. Kung kanina sa showtime ay masigla at masiyahin si Vice baliktad naman ito pagkatapos ng show. Nang matapos sa pagpunas at pagpainom ng gamot sa nobyong may sakit ay nahiga na rin si Karylle sa tabi ni Vice. Yumakap siya rito at tuloyang nakatulog na rin.

--

February 24, 2018

Nagising si Vice dahil sa sikat ng araw mula sa bintana. Bumangon ito at naupo sa kama. Kinapa-kapa niya ang leeg at noo niya. Napangiti ito ng malamang bumaba na nga ang lagnat. Agad niyang nilingon ang natutulog na nobya na nasa gilid niya lang.

"Pak! Ang ganda parin kahit natutulog?!" Nakangitin niyang sabi. "Galing mo talaga mag alaga baby" dagdag niya pa habang unti-unting nilapit ang muka sa noo ng nobya upang halikan ito. Ngunit bago pa man niya ito mahalikan ay nadama niya na ang init mula sa katawan ng nobya. Hestirical niyang kinapa ang leeg at noo ng dalaga. Dali-dali niyang kinuha ang thermometer at isiniksik sa kilikili ng dalaga.

"Tang ina!" Sabi ni Vice ng makitang 41 degrees ito.

Napansin niya rin nilalamig na si Karylle kahit nakabalot na ito ng kumot. Dahil sa pag-alala ay tinawagan agad ni Vice ang family doctor nila Karylle.

--

"She will be okay. She just need a rest. And oh please take your medicine, okay?" Sabi ng Doctor kina Karylle at Vice

Nang naka alis na ang doctor ay hinarap naman ni Vice ang nobya. Nakataas ang kilay at nakacross arm.

"What?" Inosenteng tanong ni Karylle

"Narinig mo naman siguro ang sabi ng Doctor. Kailangan mo raw magpahinga" sabi ni Vice na may diin sa huling sinabi

"No! Papasok ako!" Parang batang pagmamaktol ni Karylle

"Ikaw! Ang tigas talaga ng ulo mo. Wag ka ng makipagtalo. Aabsent ka ngayon"

"Hin---"

"ANA KARYLLE" pagwawarning ni Vice kaya naman napatahimik ang dalaga.

"Hindi ka papasok. Ako na ang kakausap kay direk. Inumin mo yang gamot mo. Alam ko kung gaano mo kahate yan pero kailangan mo yang inumin kung gusto mong gumaling kaagad."

"Pero Vi---"

"Wag ka ng makipagatalo. Please lang. Kung hindi ka naman kasi tumabi sa akin di ka mahahawa. Kaya please baby, wag ng matigas ang ulo."

Karylle replied with a nod. Si Vice naman nayon ang nag alaga sa dalaga. Nakapagpasya na sana siya na di muna papasok ngunit di sumang-ayon rito si Karylle. Nagtalo pa sila ng ilang beses. Di kalaunan ay pumasok na rin si Vice. Late nga lang. Dumating rin naman ang kapatid ni Karylle na si Zia, at inalagaan ang dalaga.


---

@SHOWTIME

"Magpagaling ka Karylle!" Maawtoridad na sabi ni Vice sa showtime during tnt










****






Get well soon Mommy! :>

Pusong Dilaw Chapter 2k18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon