Kumpara sa bahay ko, maliit lang ang bahay ni Detective. Kumbaga sa kama, single bed lang talaga. But I can say na malinis naman sya. Well-organize at super manly.
"You can enter every rooms but not here." He said sabay turo sa pinakadulong pintuan. "That's the only rule in living here. If you do, get lost." Dagdag nya.
Tumango lang ako sabay salampak sa nag-iisang sofa nya. Nasa harap nun ang super laking TV nya. "Mag-isa ka dito?" I asked again pero hindi naman sya sumagot.
"Lalabas ako, may ipapabili ka?" He's now holding his car keys.
"Pizza." Hindi na sya sumagot at dumiretso sa pintuan and left me alone.
Nakaka-curious yung pintuan na ayaw nyang pasukan ko but I didn't do anything. Marunong akong tumupad sa usapan eh.
While waiting for him I decided to watch pero hindi pa man ako nakakangalahati, I heard knocks on the door.
I was hesitant to open it kasi kung si detective yan, kakatok ba? Kung bakit ba naman kasi walang peephole eh.
Binuksan ko nalang at pareho kaming nagulat. "Sino ka?" A girl with a red dress asked. Sino ba itong mukhang payaso na ito?
"Ikaw sino ka?" I don't like the way she talk to me.
"Bakit ka nandito sa bahay ni detective?" Urgh.
Sasagutin ko na sana sya but I saw detective walking papunta dito with a plastic bag on his right hand on the other is the pizza.
The girl talked and approach him pero parang hangin lang ito na hindi nya pinansin. He entered the house and did not even bothered to let the girl enter.
Katok sya katok and it fucking irritates me. "Bakit hindi mo nalang kaya pagbuksan?" Inis na tanong ko.
"Magsasawa rin yan." He answered as he gave me the box of pizza.
He's right. Nagsawa nga rin ito at umalis. "Ayaw mo ba?" I asked him again while eating my pizza at umiling sya.
"Allergic ako sa tomato sauce." Simpleng sagot nya before entering his room. Minutes later, binuksan nya yun at sumilip.
"Magbihis ka. Isasama kita sa office." Then he close it again.
Ano namang gagawi ko dun? Pero kahit ganun, I followed his order. Paglabas nya, nakabihis na ako just like what he told me to do.
"Anong gagawin ko dun?" I tried asking him while we are on our way.
"Hindi kita pwedeng iwan. You're my obligation. Kapag ikaw tumakas ako naman ang mayayari." Sagot nya and I rolled my eyes.
"So does that mean I'll stick with you no matter what?" I cleared and he nodded.
God. Sana nanatili nalang ako sa kulungan.
Upon arriving at his office. Hindi ko naman inaasahan na nagkakagulo pala sila. I mean, they were so busy that they didn't even noticed my presence here.
"Detective Park sumunod ka daw kay Detective Belmez." The baldy one said while still facing his computer.
"Ano? Saan na naman?!" Detective Park asked in annoyance.
"Gago eh partner mo yun! May nakitang bangkay daw sa ilalim ng tulay, sunog na kaya dalian mo kung ayaw mong ikaw ang sunugin ni Belmez." He answered.
Napailing lang si Detective before pulling me out at muling lumabas. Urgh! Now I'm starting to hate this.
Pumunta kami sa tulay na sinabi ni kuyang kalbo but detective ordered me not to come with him and just stay on his car. Wala rin naman akong balak sumunod.
While sitting and waiting for him, naramdaman kong bumukas ang back seat at nanlaki ang mata ko ng makita ang pamilyar na tao. Dali-dali kong binuksan ang pintuan pero bago pa man ako makalabas, I felt that familiar cold metal again.
"Subukan mong bumaba o sumigaw. Papasabugin ko ang bungo mo." He warned me and I had nothing to do but to shut my eyes.
"Anong kailangan mo?" Kinakabahang tanong ko.
"Anong iniisip mo? Bakit ka sumama sa tarantadong detective na yan? Gusto mo bang yariin ko rin sya?" Muling binalot ng kaba ang dibdib ko at napatingin sa labas.
They were too busy that they can't see me here.
"It was his order. Please, ginawa ko naman ang lahat eh. At gagawin ko pa. I'm doing my job well." I said at lalo lang nyang diniin ang baril sa sentido ko.
"Job well? Hennerietta dapat nakakulong ka na ngayon! Dapat wala na tayong problema pero anong ginawa mo? Gusto mo bang tuluyan ko na ang tatay mo?"
"Please...hwag! May hearing pa ako, makukulong na ako kaya hwag kang mag-alala." I pleaded.
Hindi na sya sumagot after that at lumabas na sa kotse. Muli akong napapikit bago lumabas para sundan sana sya ng tingin pero para syang bulang naglaho. I can't find him anywhere at doon naman dumating si detective.
"Anong ginagawa mo dito? I told you not to come out." He said. "Teka..." Napatingin sya sa mukha ko kaya nag-iwas naman ako ng tingin. "What happened to your face? Bakit namumula?" Umiling ako at pumasok sa sasakyan nya.
"Tapos na ba?" I asked when he entered the car too.
"Anong nangyari sabi dyan sa mukha mo?" But he didn't answered but just looked into my eyes. Mayamaya, napatingin sya sa backseat. "May pumasok ba dito?" He asked using his deep voice.
"Wala." I lied.
"May pumasok." He said full of assurance. Umiling naman ako pero napakamot lang sya sa batok nya. "All this time I am right." He said. "May nagtutulak sayong akuin amg kaso." Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling.
"No... I really did it." Nanginginig na sabi ko.
Bigla nalang syang lumapit sa akin. Akala ko na kung anong gagawin nya pero may kinuha lang pala sya sa batok ko. "I knew it." He said sabay pakita sa akin ng nakuha nyang tracker mula sa batok ko. "You stick with me even more. Mahuhuli ko rin sya." He said and started to drive off.
Sana nga.
Because me too, wanted to get out from this misery.
BINABASA MO ANG
The Murder Suspect (COMPLETED)
Mystery / ThrillerHow will she escape the crime she commited.