Chapter 19

87 4 0
                                    

Pagdating sa bahay ni detective Park ay nagkulong ako sa CR. Galit na galit parin kasi ako at hindi ko alam kung paano papatahanin ang sarili ko.

Naupo ako sa basa paring tiles at hinayaan lang ang sarili kong damhin ang lamig nito. Niyakap ko ang sarili ko at hindi ko na pinigilan pa ang mga luhang lumabas sa mga mata ko.

Ramdam ko rin si Detective na nakatayo sa labas ng pintuan kaya sa abot ng makakaya ko, pinigilan ko ang mga hikbi kong pilit na kumakawala.

Kung hindi sya dumating kanina, malamang sa malamang, napatay ko na si Alanna. Kung hindi sya dumating, pinatunayan ko na sa mata ng lahat na ako nga ang pumatay kay Carlo at kay Rita.

Masisisi mo ba ako? Sya ang may kasalanan ng lahat, sila ni Romano ang dahilan kung bakit nagkanda-letche letche ang buhay ko.

At oras na malaman kong may nangyaring masama sa daddy ko, kahit konting sugat lang na matatamo nya, handa akong maging mamamatay tao.

Tumayo na ako at binuksan ang shower at hinayaan ang sarili kong mabasa nito, nagbabakasakaling sa pag-agos ng tubig pababa ay maisama sa agos ang hinanakit at galit na nararamdaman ko ngayon.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako at naabutan si detective na nanonood sa sala. Pumunta muna ako sa kusina at uminom ng tubig bago bumalik sa kinaroroonan nya at tumabi mismo sa kanya.

Wala kaming imikan at parehong nakatingin lang sa TV na wala namang matinong pinapalabas. Sabay pa kaming napatingin sa cellphone nya nung umilaw yun at si detective Choi ang caller ID.

Sinagot nya yun at hinayaan ko lang syang makipag-usap sa kapwa nya detective. Nung matapos ay doon palang sya lumingon sa akin.

"Gusto mo bang sumama?" Tanong nya sa akin.

"Saan?" Tanong ko rin ng hindi tumitingin sa kanya.

"May party kaming dadaluhan, baka lang naman gusto mong sumama." Sabi nya at doon ko lang sya nilingon at binigyan ng tipid na ngiti.

"Hindi na. Dito nalang ako." Sagot ko at tumango sya.

"Lock the door dahil baka mamayang madaling araw na ako makakabalik." Sabi nya nung tumayo na sya kaya mabilis na nanlaki ang mata ko.

"Madaling araw?" Ulit ko at tumango sya.

"Sasam na pala ako!" Mabilis na sabi ko. Ayaw kong maiwan dito sa gabi, mahirap na. Ayaw ko mang aminin, natatakot akong mag-isa.

"Sige." Tango nya bago pumasok sa kwarto nya kaya mabilis na rin akong nag-ayos ng sarili ko.

Party yun eh, ayaw ko namang mapag-iwanan.

Paglabas ni detective ay hindi lang ako nagulat, namangha pa ako. Masakit man sa pride na aminin, ang gwapo nya sa suot nyang itim na coat at hindi ko naman akalaing marunong pala syang ayusin ang buhok nya na ngayon ay nakataas na.

"What?" Kunot noong tanong nya ng makita ang reaksyon ko.

Mabilis naman akong nag-iwas ang napakurap nalang. "Ang pangit mo. Nakakahiya kang kasama!" I lied at napalunok nalang bago ayusin ang make up kit sa harap ko.

"Minsan hindi talaga naayon ang lumalabas sa bibig sa tunay na nararamdaman no?" Natatawang sabi nya kaya inis ko syang nilingon. "Wow! Ang ganda mo!" Nagulat nalang sa papuri nya kaya hindi agad ako nakaimik. "Ang sarap mong ialay sa demonyo." Pero mabilis na nalukot ang mukha ko sa sinabi nya.

"Ginagago mo talaga ako 'no?" Inis na singhal at pinagtawanan nya ako pero mabilis rin akong nakaisip ng igaganti sa kanya. "Kung masarap akong ialay sa demonyo, ikaw ba yung demonyo?" Ngisi ko at natawa pa sya lalo.

"Ang gwapo ko yatang demonyo?" Nakangising sagot nya sabay pagpag pa sa coat nya.

Hindi ko nalang sya sinagot dahil talaga namang ang gwapo nyang demonyo. Tumayo nalang ako at nauna na rin syang naglakad palabas kaya sinundan ko sya.

Sa office kami dumiretso at nagulat ng madatnan doon ang kahat and mind you, nakaayos silang lahat.

May kanya-kanyang dalang partner ang lahat—kaya pala dinala ako ng hayop na 'to eh!

"You sure you're wearing that?" Bigla akong binalingan nung kasama ng isang detective na tingin ko ay ka-edad ko lang din.

"Why?" Hindi ko maiwasang mainis eh. Alam kong simple lang ang suot ko ngayon pero hindi porke't naka-ballon gown sya eh lalaitin na nya ako ah. Apaka ko sya eh!

"Come here, let's make you more beautiful." Hindi na ako nakapalag nung hilain nya ako papunta sa loob ng interogation room at napasigaw pa ako sa gulat when she just unzipped my fucking dress!

"Hey!" Saway ko at akmang hihilain yun pero wala na, nahubaran na nya ako kaya mabilis kong tinakpan ang sarili ko. "Puta ka! May CCTV dito!" Bulyaw ko sa kanya at nagawa pa nya akong pagtawanan.

"My husband shut it down no worries." Nakangiting sagot nya sabay abot sa akin ng itim na halter dress. "Wear this." She smiled kaya inis ko yung kinuha sa kanya bago dali-daling isuot.

Kasyang-kasya sa akin ang dress at hindi lang yun, bagay na bagay pa. Pinatalikod nya ako at mabilis nyang inayos ang buhok ko. Ewan ko kung anong ginawa nya pero namalayan ko nalang na naka-braid na ang mahaba at ash colored na buhol ko.

"You're damn great. Let's go!" Aya nya at hinila na ako palabas kaya wala na akong nagawa kundi sumunod.

Naabutan namin silang lahat na nakaupo sa kanya-kanya nilang desk at sabay-sabay pang lumingon sa amin. Iba-iba sila ng reaksyon, may nagulat, may nakanganga, may napalunok ang iba ay napangiti ng malapad.

"Kaninong partner yan?" Tanong nung isang detective na mukhang single ang drama. "Akin nalang!" Sabi nya sabay takbo palapit sa akin pero mabilis syang naharang ni detective Park gamit lamang ang braso nya.

"Back off." Singhal nya kaya mabilis syang pinagtawanan ng mga kapwa nya detective. "Let's go!" Tawag nya sa mga kasama at nagulat ako nung ilahad nya ang kamay nya sa harapan ko. "Minsan lang 'to, sulitin mo na. Hwag kang pabebe." Sarap sapakin nito eh.

"Ang kapal mo talaga ano?" Inis na bulong ko at ngumisi pa sya.

Sumakay kami sa sasakyan nya at isang detective's gathering pala ang pupuntahan namin and mind you, it was held on a yacht.

"Detective Park!" Kanya-kanya silang bati kay detective at tumatango lang ito.

"Ngayon ka lang yata nagdala ng babae dito ah." They even teased him and I smiled to everyone habang nakaangkla kay detective.

"Nga pala, kadarating lang din ni director Park. Kanina ka pa nya hinahanap, his at the center table." Sabi nung isa at hindi sya sumagot at basta nalang naglakad.

Syempre sumama ako dahil nga nakahawak ako sa kanya at isa pa, ayaw ko ngang maiwan nalang sa isang tabi.

Huminto kami sa table ng mga matatanda at singkit na nagtatawanan pero natigilan sila nung makita si Detective Park. Yumuko pa sya as a sign of respect kaya ginaya ko sya dahil baka barilin pa nila ako dito eh.

"Good evening, Director Park." Sabi nya at tumayo yung sa tingin ko ay Director Park at tinignan sya bago ako.

"You're here." Walang emosyong sabi nya.

"Hinahanap daw po ninyo ako, director? What can I do for you?" Nakasentro lang ang tingin niya sa kausap at seryosong-seryoso sya.

"I was just wondering why you stay—"

"Director let us not talk about our personal matters. If it is not about work, please don't talk to me." Nanlaki ang mata ko sa naging sagot ni Detective Park.

Akala ko sisigawan at magagalit si director sa naging sagot nya pero ngumiti lang ito.

"I didn't know you were still like this." Dismayadong sabi nito.

Hindi sya sinagot ni Detective at tumalikod nalang pero muli akong tumango kay director at ngumiti naman ito nago tuluyang sumama kay detective Park.

Sino kaya yun?

Base sa simpleng usapan nila, mukhang may alitan sila noon eh.

Pero bakit pareho sila ng surename?

The Murder Suspect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon