Everything went awkward the next day.Today is Wednesday, so kaunti lang kaming mga tao na nandito ngayon sa mansyon. Except for Zeus, Chase, Alex and I na natitira dito ngayon, we still kept ourselves busy.
Like Zeus, for example.
"Hi, Zeus." Pagtawag ko sa kaniya. He was surrounded with all sorts of ingredients, including flour, eggs, sugar and all sorts of stuffs used for baking.
Curiosity got the best of me. "Anong bine-bake mo?"
"You'll see." He answered, smirking right at me. "Want some?"
Bahagya naman akong natawa, "Kapag naluto na."
Nilibot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng mansiyon. Sobrang tahimik kasi, kaming dalawa nga lang ni Zeus ang magkasama. Kadalasan kasi na ang nakikita ko sa sala ay si Chase na tumutugtog sa sala. But, not today.
As for Alex, ayun. Nanigas sa kwarto niya. Lagi pa namang nakakulong yun, eh. Or kung hindi, nasa garden siya or pool area, doing whatever he's doing.
"Si Chase?" I asked.
"Nasa kwarto niya." Sagot ni Zeus habang naghahalo, "Baka tumutugtog na naman yon. Gig niya mamaya." He added.
"Oo nga pala, no?" I slightly raised my voice, "Sama ko sa gig nila mamaya." I informed, even though he didn't really ask.
"Sus," umismid siya, "Magpapasikat lang naman 'yon. H'wag ka nang sumama." Pabirong kumunot ang noo niya at paulit-ulit na umiling.
I pouted my lips, slightly offended.
"Why not?" Tanong ko, "I've never seen him play onstage before."
Sa pagkakaalam ko kasi ay si Chase ang main vocalist at ang lead guitarist ng banda nila. Kilala ang banda nila sa buong Pampanga dahil ilang taon na rin silang tumutugtog sa isang kilala na resto-bar.
Making music isn't only Chase's passion as a musician, but it's also his profession. As his sister, I wanted to be able to witness how much he grew and how far he went through with his dream. Gusto ko rin siyang suportahan sa kagustuhan niya. I want to see how much he's enjoying himself when playing music.
Nakakatuwa lang isipin at makita na ginagawa ng isang tao ang gustong-gusto niyang gawin. I don't see anything wrong with that.
"Oo nga. H'wag ka nang sumama." A baritone spoke just behind me.
Halos tumirik ang mata ko sa narinig. Dahan-dahan ko siyang nilingon galing sa harap, at tiningnan siya ng seryoso. Not even a speck of friendliness on my face.
Alam naman nating lahat kung bakit.
Tumaas ang sulok ng mga labi niya. He was playing with me.
"Par," tawag sa kaniya ni Zeus. "Cake, gusto mo?"
"Di pa nga luto, inaalukan mo na 'ko?" Pilosopo siyang sumagot. Umirap ako sa hangin.
"Tanga! Malamang, kapag luto na." Zeus exclaimed, at humarap pabalik sa ginagawa niya sa kitchen counter, "Bobo." Dagdag pa niya, natawa na lamang ng bahagya si Alex.
Ibinaling ko na ang atensyon ko sa ginagawa ni Zeus sa kusina. Seeing Alex right now, at the wrong time, is absolutely nerve-wrecking. I didn't like how he behaved yesterday, not even one bit.
I mean, maninira ng gamit ng hindi kanya? For what? Dahil lang sa galit siya?
This is the problem with Alex. Kapag galit siya, galit siya. Walang makakapigil sa kaniya, na kahit pagsamasamahin lahat ng diyos para pakalmahin siya, wala. Nothing will help.

BINABASA MO ANG
Owned [ON HOLD]
Teen FictionHave you ever tried owning someone you know you can't have?