"Rose, can you fetch the keys for me?""Rose, pakikuha naman yung ballpen ko sa lamesa."
"Rose, have you seen my guitar pick?"
"Rosie, where're my socks?"
Umagang umaga, puro pangalan ko kaagad yung naririnig ko. Can't they get any more independent? Porke't masipag lang akong kumilos ay pwede na nilang pagsamantalahan ang kabaitan ko.
Pero wala akong magagawa. Susunod at susunod parin naman ako in the end.
"Catch." Binato ko ang susi na hinihingi sa akin ni Nate na ngayo'y mukhang nagmamadali nang umalis. He was wearing white polo shirt with the sleeves rolled just on his elbows, and black slacks to make his dress code a little more formal.
For a math teacher, it looks just right. With matching eyeglasses pa. Nate looks so manly in his formal wear.
"Thanks." Sabi niya at ibinulsa ang mga iyon. "Do you need anything while I'm on my way?" Tanong pa niya.
Umiling ako, "Nope. Thanks, though."
"Hindi mo ba ako tatanungin, Nate?" Nakangising tanong ni Alex kay Nate. Sinamaan lang ng tingin nito sa kaniya.
"Don't push your luck." Giit ni Nate ng masama parin ang tingin at lumabas na ng gate pagkalabas niya. Narinig kong bumuntong hininga si Alex.
Pagkaalis ni Nate ay pumunta ako sa lamesa sa dining room at iniabot ang iyon kay Jay na ngayo'y busy sa pagsusulat sa papel, along with piles and piles of papers beside him.
"Here." Ihinarap ko sa mukha ni Jay ang ballpen kahit na busy siyang magbasa ngayon. Ang buhay ng isang Architect, ganito ba talaga laging kabusy?
"Thanks." Matipid niyang sinabi. Napatingin ako sa tabi niya at nakitang ubos na ang kapeng ininom niya. Parang kani- kanina lang ay puno ito ng black coffee, ngayon ubos na.
"Want more coffee, Jay?" Tanong ko sa kaniya at kinuha ang mug sa tabi niya. Pagod siyang tumingin sa akin. Mukhang wala nanaman itong tulog.
"I'd love that." Pilit na ngumiti si Jay sa akin at binasang muli ang papel na hawak-hawak.
Lalakarin ko na sana ang kusina nang bigla akong makatapak ng isang thin flat metal sa talampakan ko. Pinulot ko iyon at nakitang pick pala ito ng gitara. It's gotta be Chase's.
Chase needs to be more careful with this stuff. Lagi na lang siyang may nawawalang pick ng gitara at bumibili ng bago. Mukhang mamahalin pa man din yung mga binibili niya. Gawa sa bakal, mala-silver pa at may tatak.
"Chase, can you at least keep your guitar picks sa isang lalagyan?" I sighed heavily. Napalingon si Chase sa akin na ngayo'y tinu-tune ang gitara sa gilid.
"Oh," He said plainly, "Sorry."
"Mukhang mamahalin pa naman." Lumapit ako sa kaniya para iabot ang pick. Kinuha naman niya iyon.
"Thanks." Matipid niyang sinabi at nagsimula nang tumugtog ng kantang hindi familiar sa akin.
Chase's field of work ay sa isang banda. Isa siyang vocalist at gitarista sa banda nilang 'Cold Blood.' Kaya tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes ay wala siya sa mansiyon dahil may jam sila ng mga kabanda niya during that time. Magaling mag guitara si Chase, maganda rin ang boses at masasabi kong gifted with looks and talent ang binata.

BINABASA MO ANG
Owned [ON HOLD]
Fiksi RemajaHave you ever tried owning someone you know you can't have?