"Bye, Ma!" Yumakap ako ng mahigpit sa nanay ko. Ito na ang huling yakap na mabibigay ko sa kaniya sa huling pagkakataon.Matagal ulit bago ako makaramdam ng yakap ng ina. Hindi lang araw ang bibilangin.
"Babalik ako, 'nak." Nanginginig na sinabi ni mama. Alam kong nagpipigil siyang umiyak, kahit ako ay ganun rin.
Hangga't maaari ay hindi ako papayag na paalisin ng bansa si mama. Pero kung trabaho ang pag-uusapan, wala akong choice.
"I'll hold onto that." Tumango ako at niyakap siyang muli.
Narinig naming muli ang pag-announce ng take off ng flight ni mama. Bumitiw na ako sa pagkakayakap. Pinunasan niya ang luhang tumulo galing sa mata ko.
"Alis na ako." Pagpapaalam ni mama at tumingin sa katabi ko na kanina pa kami pinapanuod.
"Babalik ako, Fernand." Sabi ni mama at pinilit ng ngumiti. "Please, look after my daughter while I'm gone."
"Makakaasa ka." Tumango na lamang ang step-dad ko at malungkot na ngumiti.
Binigyan ako ng huling halik ni mama at nagmadali nang tumakbo papunta sa pila. Nagdesisyon kami ng stepdad ko na wag nang hintayin pa ang pag-alis ng eroplano ni mama. Lalo lang raw akong mahihirapan.
Simula noong namatay si papa nung 15 years old ako, ay hindi na tumigil si mama sa kakatrabaho para lang may maipakain sa akin, at para na rin sa pag-aaral ko. Naging mahirap ang buhay namin ni mama, since si papa lang naman ang bumubuhay sa amin noon. Si papa lang kasi ang may trabaho.
Pero nang makilala niya ang stepdad ko, si Fernand Fontello, ay muling umikot ang mundo ni mama. Bumalik na yung ngiti at ligaya na nawala noon nang mawala ang papa ko. Siya ang nagpapasaya sa mama ko ngayon, which is what I am always thankful for.
Si Daddy, ang tawag ko sa stepdad ko, ang tumatayong tatay ko ngayon. Mayaman siya. Kung tutuusin ay kaya niya kaming buhayin kahit na may sarili siyang pamilyang inaasikaso. Malaki ang business niya at kilala iyon sa buong bansa.
Noon, ipinagpipilit ni Daddy na pag-aralin ako sa magarang university, na kaya niya kaming buhayin pero tumatanggi lagi si mama dahil hindi naman pera at kayamanan ang habol nito sa kaniya. Hangga't maaari ay naging independent si mama kay Daddy dahil karapatan parin niya bilang magulang ang ibigay ang kailangan ko.
Nagpursigi si mama sa pagtatrabaho at hindi siya tumitigil hangga't hindi bumabalik sa ayos ang lagay ng pamilya namin.
Mom was called abroad para magtrabaho bilang nurse for the years to come. Hindi ko masabi kung magtatagal si mama ng sobra doon pero taon ang bibilangin, and that's not even the maximum count.
Being a great opportunity, she took it while the offer still stands. At ngayon ang alis niya.
Sa ngayon, itiniwala niya ang seguridad ko kay Daddy since wala naman siyang ibang relatives na malapitan. Maganda rin naman ang stepfather and stepdaughter relationship namin ni Daddy kaya wala dapat na ikabahala si mama.
"May.. gusto ka bang puntahan, Rose?" Narinig kong tanong ni Daddy. Kanina pa yata ako nakatulala.
"Wala naman po, Dad." Sagot ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/125945864-288-k216513.jpg)
BINABASA MO ANG
Owned [ON HOLD]
Novela JuvenilHave you ever tried owning someone you know you can't have?