Chapter 2

7.3K 182 82
                                    


On the same day at 5:00 pm, katatapos ko lang linisin ang kwarto ko. For someone like me who sleeps alone, my room is much bigger for myself. Parang master's bedroom lang at halos 4-5 people ang kakasya sa kama ko.

It took me almost an hour to refurnish everything in here. Fixing the bed even takes up to 10 minutes. And to think na ginagawa ko ito araw-araw. I even clean and polish almost every inch of this ginormous mansion in my spare time.

I don't even know why I'm still alive. I'm basically a maid here. I mean, ako lang mag-isa ang naglilinis ng mansion, sa laki nito? Immortal na yata ako.

Pero sanay na rin naman ako sa ganito. Minsan pag wala talaga akong magawa sa bahay, naglilinis lang ako. Hindi pa man din uso sa amin ang wifi or internet at wala akong ibang libangan doon kundi manuod ng T.V o kaya magbasa na lang ng libro.

Hindi rin ako madaling mapagod. Hangga't maaari ay sinasanay ako lagi ng mama ko na kumilos lagi sa bahay. Lalo na't babae raw ako, dapat hindi lang raw ako malinis sa katawan, dapat pati rin raw sa tinitirahan ko.

Ibinalik ko na ang walis, dustpan at mop sa loob ng storage room. After all that cleaning, hindi na ako magtataka kung bigla na lang lumansa ang amoy ko. Pawis na pawis na ako at ang lagkit-lagkit ko pa.

May sariling banyo naman ako sa kwarto ko, kaya doon na ako naliligo. May bathtub pa kaya pwedeng-pwede akong magrelax after a long tiring day.

Babalik na sana ako sa kwarto nang biglang bumukas ang isa sa mga pinto sa hallway.

"Done cleaning?" Tanong nito.

Tumango lang ako.

Alex. Mabait rin siya, pero may halong ugali ni Damien sa sistema niya. Isa rin siyang malanding lalaki na mapilit rin sa lahat ng bagay, pero not as worse as Damien, though.

He works at a host club kung kaya't ganito na lang siya kagaling sa mga words para makapukaw ng atensyon. He was trained to be a man to be good with words.

"Maliligo na ko." Sabi ko at patuloy na naglakad.

"Can I join in?" I can feel him almost smirking right behind me. See what I mean there?

"Wag na, baka lunurin lang kita sa bathtub."

Natawa siya, "Damn woman, are you like.. on your period today? Bakit ang sungit mo?"

"Natural lang 'to." Umirap ako, "Di ka na nasanay. Halos dalawang buwan na nga akong nakatira dito."

"Oh, it's been that long, huh?" He breathed out. "Come with me for sec."

Nagtaas ang dalawang kilay ko, "Saan?"

"In my room."

"And why?" I squinted my eyes, throwing daggers at him.

"Relax, boo." Natawa niyang sinabi as he offered his hand to me, "I only need you for a moment."

Umirap ako sa hangin at pumasok na lamang sa kwarto niya, without even accepting his hand. I practically left him hanging right there. I'm not even sorry.

Malawak ang kwarto ni Alex. Mas malawak kumpara sa akin. The walls were painted navy blue with a few frames with pictures and paintings on it. May isa rin siyang gigantic flat screen T.V na nakadikit sa dingding, and a large bed on the opposite side. I looked ahead at nakitang may balcony doon.

His bed covers were neatly organized at pillows were fully puffed, along with his navy blue comforter perfectly covering the entire bed. Malinis rin pala itong si Alex. Didn't really expect it.

Owned [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon